IX

849 64 7
                                    

⚜ CHAPTER 9 ⚜

"WE'RE off to town, Sylvester." I patted his body, signalling him to start swimming.

Nagpalipas lang ako ng oras sa bundok at ngayo'y sa bayan na nga kami papunta.

I relaxed myself above him. Nakaupo ako ngayon sa tuktok niya habang dinadama ng aking palad ang tubig-dagat sa aking gilid.

Hindi nagtagal ay namataan ko na ang bayan. Bumagal ang paggalaw ni Sylvester para hindi siya mapansin ng sinoman. Kung titignan sa malayo ay para lamang akong lumulutang sa tubig nang paupo, hindi naman iyon kagulat-gulat dito, sa dami ba naman ng bagay na hindi imposible sa mundong ito ay normal lang iyon. Hindi na rin nakakapagtaka kung may alaga kang kakaiba, they will think that you just tamed the creature. Pero iba si Sylvester sa lahat, sa pagkakaalam ko ay wala nang iba pang Sharktopus kaya magigimbal ang lahat kapag may nakakita sa kanya. In short, he should be kept as a secret.

"Thanks, bud." Umalis na ako sa pagkakaangkas sa kanya nang maabot naming ang pyer.

Inaangat nito ang isang galamay sa tubig bilang sagot. Napangiti na lang ako hanggang sa pag-alis nito.

Muli kong pinatong sa aking ulo ang hood ng aking cloak bago ako tumalikod at nagsimulang maglakad. Ang pamilihan ang unang lugar na iyong madadaanan dito sapagkat iyon ang pinakamalapit sa pyer, pero kung magpatuloy ka sa paglalakad ay iyo ring masisilayan ang iba pang estruktura sa bayan.

Napakunot ang aking noo nang mapansing walang kahit sinong tao sa paligid. Kahit isa ay wala. Tanging ako lamang ang narito. Pamilihan ito kaya dapat ay maraming mga nagbebenta at namimili, dapat ay maingay ngunit napakatahimik. Nagmistulang ghost town ang paligid.

Mas lumalalim ang kunot sa aking noo. Something is not right.

"Sa wakas! Lumabas na!" Napatingin ako sa isang direksyon nang makarinig ng boses.

There I saw a little girl smiling widely as she stares at her wrist. I approached her and I wasn't wrong with my speculation. What she's being happy about is her Power Notch finally appearing.

Power Notch is one's life percentage, isa iyong maliit na tattoo na nakatatak sa pulso. 100% ang normal na nakasulat if you're old and healthy enough to have a full life percentage. Una iyong lumalabas sa pulso pagkatungtong mo ng pitong taong gulang. However, one will not immediately have a hundred percent life percentage, kadalasan ay nagsisimula sa 30%. Pataas iyon nang pataas kapag patanda ka nang patanda o kaya nama'y kung palakas ka nang palakas. Nagiging isang daang persyento ang power notch sa pagtungtong ng kanilang ika-labingwalong taong gulang. Nababawasan din iyon kapag ika'y naaaksidente, pisikal na nasasaktan, o nagkakasakit. Makikita mo ang pagbabago ng persyento sa iyong pulso, pero aangat din naman ang porsyentong iyon sa oras na ika'y gumaling. Unless you die, 0% power notch immediately means death.

"Wow, 28%. Not bad." Mabilis na napalingon sa akin ang bata at nanlaki ang mga mata.

I removed my hood and smiled at her. Madungis ang damit nito at may ilang grasa pa ito sa mukha, maputi siya kaya kitang-kita ang mga iyon.

"Hello." Nakangiti ko siyang binati. I have to ask something.

"H-Hello po." Nahihiya nitong bati pabalik.

I squat a little para hindi ito mahirapang tingalain ako.

"Nasaan ang mga magulang mo?" Tanong ko. Malaki ang posibilidad na kung nasaan ang mga magulang niya ay naroon din ang mga tao rito.

"Nasa town center po."

Napatango naman ako bago umayos ng pagkakatayo. "Pupunta ako roon, gusto mo bang sumama?"

'Til Our Next EclipseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon