⚜ CHAPTER 20 ⚜
PARA akong nabingi sa narinig. Shock is an understatement of what I am feeling right now.
Tama ba ang pagkakarinig ko?
"What? That guy defeated... Zalestine? As in... Zalestine, the archduke?" Pagkukumpirma ko.
"Yes," sabay nilang sagot.
Ilang beses akong napakurap. Now that's compelling.
"Dahil doon, naging usap-usapan ang paglisan ng archduke. Sabi ng iba na bumalik daw ito sa kanilang kaharian. He wasn't able to accept his defeat. Kaya inabot din ng ilang buwan bago siya bumalik sa akademya."
I am lost for words. I suddenly lost the ability to construct a sentence. Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ang sinabi niya. Pero ano naman ang dahilan nila para gumawa ng kwento, diba?
"Dahil doon kaya tila naging taboo kung banggitin ang pangalan ng taong iyon. He was the downfall of the great archduke after all."
I remained silent.
Now I understand. The reason I thought was unreasonable, turned out to be reasonable all along.
"Anyway, enough talking! Kumain na tayo, lumamig na ang pagkain natin oh!" Millary interrupted.
She's right, lumamig na nga ang pagkain namin.
Nagsimula na silang kumain habang ako ay napipilitang sumabay na lang din sa pagkain. My mind is so occupied.
But why am I so intrigued anyway?
Maybe I was just really surprised. Being an archduke doesn't automatically mean being the strongest. I can already imagine how hard it was for Zalestine to handle such situation. I mean, he's got all the pressure for being an emperor's son and also for being the soon-to-be-emperor. He's expected to be the strongest, the unbeatable, and the most powerful man. Hindi siya masisisi sa pagluksa niya sa kanyang pagkatalo, o maging ang kanyang mismong pagkatalo ay hindi rin maaaring isisi sa kanya.
"Just a warning Alora," Millary suddenly spoke. "Hindi lang dahil sa pangyayaring iyon kaya kinonsiderang taboo ang kanyang pangalan, mayroon ding usap-usapin na ang dahilan kung bakit nung nakaraang taon lang siya pumasok sa paaralang ito ay dahil isa siyang rebelde. Salungat daw ito sa emperor at sa pamamahala nito. Kaya naghihinala ang mga estudyante na ang dahilan ng pagpasok niya sa Sun Laterìa Academe ay para pabagsakin ang pamilya ni Zalestine, at nagsimula na nga siya sa archduke."
Rebelde. Ito ang tawag sa mga taong gumagawa ng paraan para mapabagsak ang kaharian.
Pero hindi ba't parang napakadami na nilang inakusa sa lalake dahil lang sa pagtalo nito sa archduke? Paano kung sadyang mas malakas lang talaga siya kay Zalestine kaya niya ito natalo?
They seem to be biased. Of course, kakampi ang mga tao kay Zalestine dahil siya ang archduke. They didn't even bother giving that Venom guy the benefit of the doubt.
Ah, people, they would rather believe a lie that satisfies their biases, than accept a truth that counters their belief.
Napailing na lamang ako at nagpatuloy sa pagkain. So much for that Venom guy...
Third Person's
Point of View"Anong kailangan niyo sa akin?"
Umayos siya sa pagkakatayo at matamang pinakinggan ang kanilang pinag-uusapan. Nagsisimula na.
"Nothing, may kailangan lang kaming malaman."
BINABASA MO ANG
'Til Our Next Eclipse
FantasyIn a battle between beings of the sun and the moon... who would conquer? If the playful universe decided to place you and your beloved into different factions, would you rather lose to let your love win? Or would you rather win and let your beloved...