XXI

828 84 23
                                    

⚜ CHAPTER 21 ⚜

MY only subject for this day is Mastery of Taming which I silently thanked for. Maliban sa gusto ko na lang magpahinga buong araw, ayaw ko na rin mag-summon ng kung ano-ano. Geez, I need a break.

"Zetyrs are gentle beings, they're not the aggressive type but they get frightened easily. That's why they're still not easy to tame despite being harmless, they fly away once you approach them."

Tahimik ko lang na pinapanuod ang hologram na nanggagaling sa kamay ng propesor. He's showing us what a Zetyr looks like, puting kabayo iyon na may gintong pakpak sa magkabilang gilid.

Napag-alaman kong hindi basta-basta ang pagte-tame nila rito, kailangan pag-aralan, kailangan pagplanuhan. Mayroong mismong araw kung kailan sabay-sabay kaming magte-tame, iyon ang magsisilbing exam namin sa subject na ito. If you successfully tamed a Zetyr, then you pass, but if you don't, then you fail. Easy as that.

However, not every division has Zetyrs as their taming target. Sa amin lang mga yellow division dahil kami ang pinakamababang dibisyon at Zetyrs ang pinakamadaling itame. Hindi ko alam kung ano ang taming target ng iba pang mga dibisyon.

"Yes, Mr. Gaxon?" Pansin ng propesor nang may magtaas ng kamay. Nakahalumbaba lang ako habang nanunuod sa kanila.

"About the Black Zetyrs sir, are they really real or are they just a myth?"

Bahagyang umingay ang silid sa tanong niya. Mukhang marami ring interesado sa tanong nito.

"Settle down class." Mahinahong utos ng propesor bago sinagot ang tanong. "Yes, they once existed, but it is said that they're already extinct many years ago."

"Why did they go extinct?" Nakakunot noong tanong ng isa muli naming kaklase.

"No one actually knows the reason why. They just... disappeared."

Just disappeared? Is that even possible?

Sa gitna ng aming pagtataka ay may biglang sigaw ang umalingangaw sa buong lugar.

Lahat napatingin sa labas kung saan nagmula ang sigaw. Mula sa bintana ay nakita namin ang pagdaan ng isang lumulutang na ulo pero tanging labi lang ang mayroon ito. Ito ang sumisigaw na tila may inaanunsyo.

"Attention, Sun Latreìans! Attention! Attention! Attention!" Pumapaikot-ikot ito sa buong lugar kaya nakuha na nito ang atensyon ng mga studyante maging ng mga propesor. "The school's annual quest will be held today! Proceed to the arena, immediately!" Pinaulit-ulit nito ang mga katagang iyon.

Nangunot ang noo ko, habang ang mga kaklase ko ay biglang nag-ingay na tila ba nasasabik. They all seem excited and thrilled. Halos mag-unahan pa sila sa pagtakbo palabas, marahil ay para pumunta sa arena na tinutukoy nung ulong-labi.

Nagkibit-balikat na lang ako, wala akong planong sumunod. Kung anoman ang palaro nila, hindi ako interesado. Gagamitin ko na lamang ang oras na 'to para magpahinga.

Lumabas na ako ng silid. Tinahak ko ang kabilang direksyon patungo ng dorm, pero pagkaharap na pagkaharap ko pa lang sa dadaanan ko, ay may sumalubong na sa aking dalawang tao na kaagad kumapit sa aking magkabilang braso, hinatak nila ako palihis sa daang sana ay lalakaran ko.

Damn! Millary and D'vora!

"Hindi riyan ang daan, Alora! Dito!"

"Hindi mo ba nakikita na dito ang dinadaanan ng mga studyante?"

Wika nila habang nangingisi. Inis akong napabuga ng hangin.

"Gusto kong matulog!" Naiinis kong alburuto.

'Til Our Next EclipseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon