IV

1.2K 92 25
                                    

⚜ CHAPTER 4 ⚜

"WOW! Ang ganda, tiya!" Hindi mapigilang pahayag ni Alora, halos magningning ang mga mata nito sa kagandahang taglay ng lugar.

"Alora, umayos ka ng upo." Hinila naman ni Yda ang dulo ng bestida niya na bahagyang umangat. Paano ay nakaluhod ang pamangkin sa upuan ng tren habang ang mga palad ay nakadikit sa bintana para mas komportableng panuorin ang kagandahan ng lugar.

Para namang hindi narinig ni Alora ang sinabi ng tiya. She was too focused appreciating the beauty right in front of her.

Nadadaanan nila ang mga bahay na pinapalibutan ng bundok at tubig, berdeng-berde ang mga damo, at asul na asul ang tubig. Wala ni isang kalat ang makikita sa paligid. Everything seems to be in order.

Umalalay na lamang si Yda sa kanya sapagkat patuloy sa pag-andar ang tren.

"May tirahan ka rin ba dito, tiya?" Lumingon si Alora kay Yda para tanungin iyon.

Tumango naman ang tiya. "Oo, pero malayo rito."

"Saan po?"

"Malapit sa karagatan,"

"Talaga tiya?" Umayos na ng upo si Alora para mas maayos na makausap si Yda. "Pupwede po ba ako mag-miming (swimming) doon?"

"Hindi, hindi naman nakatayo sa dalampasigan ang bahay. Mahirap abutin ang dagat."

Nangunot ang noo ni Alora. Hindi niya maintindihan ang sinabi ng tiya. Paanong malapit sa karagatan pero mahirap abutin ang dagat?

Natawa naman si Yda sa reaksyon nito. "Sa susunod, maiintindihan mo rin."

Dahil doon ay biglang nagliwanag ang mukha ni Alora. "Pupunta tayo ro'n, tiya?"

"When the time comes..."

Napanguso si Alora. Lagi na lang hindi sumasagot nang diretso si tiya. Isip niya.

"Huwag kang ngumuso, baka malaglag ang labi mo."

She pursed her lips together, thinking her lips would actually fall, when she again remembered a word from Yda.

"Tiya, sabi mo po pala may mga power ang mga tao rito. Totoo po ba 'yon o goyo-goyo mo lang?"

Sandaling hindi nagsalita si Yda, nag-iisip kung aaminin ba ang totoo. Sa huli ay napabuntong-hininga na lamang ito.

"It's true, they do have various forms of power here." She admitted.

There's no use telling a lie anyway. Makikita rin naman ni Alora ang katotohanan. Ayaw niya naman mabigla pa ito kapag nakakita ng uri kapangyarihan sa palasyo. Mas mabuting paalalahanan niya na ito ngayon pa lang.

"Latreíans, the people of Sun Latreía, have three kinds." Umpisa niya. "First is the Inferior, they are the people who has heightened ability. Some of them can see, hear, or smell from hundred meters away. Some can jump really high, some can move really fast, and some has incredible strength or extreme pain tolerance. Basically, their powers are all about enhanced senses or movements...

The next kind is the Superior, they are the people who has magical powers, such as teleportation, levitation, or illusion. Latreíans who has elemental powers such as fire and air also fall in this category...

'Til Our Next EclipseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon