⚜ CHAPTER 25 ⚜
"GOOD day, everyone!"
"Good day, Professor Helia."
Tumingin ako sa pinakaharap para tignan ang propesor na tinutukoy nila. It was the same professor who guided me to my room at my first day here in this school— Professor Helia.
She's walking around, looking at each and everyone's faces.
Nasa isa kaming hardin ngayon. Napapalibutan kami ng maliliit na mga punong may iba't-ibang hubog. The trees' leaves are cut and formed into different forms. Magkakalayo ang upuan namin ng mga dalawang talampakan, ang nagsilbing upuan namin ay patag na bato.
Tirik ang araw, buti na lang ay may malaking punong nagsisilbing lilim naming lahat. Napakalaki ng puno na halos sakupin na nito ang kabuuan ng hardin.
"Same old routine. Eyes closed. Mind open. Concentrate. Meditate. Feel. And train." Wika ng propesor.
Napatingin ako sa aking mga kaklase at nakitang lahat sila ay naka-indian sit habang ginagawa na ang sinabi ng propesor.
My lips pursed together. Guess I'll just have to follow what they do.
Akmang itataas ko na rin ang mga paa para mag-indian sit nang magtama ang mga mata namin ni Professor Helia. She smiled warmly and gracefully approached me.
"As for you Alora, you have to do what your classmates did on their first day. Don't worry, this is not as hard as obtaining a wand or a weapon. In fact, it's not hard at all." She assured me. "Come, follow me."
Hindi na nito ako hinintay pang magsalita at nauna nang maglakad. Kaagad naman akong tumayo para sundan ito.
Pumunta kami sa kabilang parte ng hardin, malayo sa aking mga kaklase. Kaagad napukaw ang atensyon ko sa itsura ng paligid, kakaiba 'to kumpara sa pinanggalingan namin. Sa pinakagitna ay may pabilog na patag na semento, sa sementong iyon ay may nakaukit na malaking simbolo ng araw. Nagmistulang lugar para sa mga ritwal ang sementong 'yon.
Humarap sa akin si Prof Helia. "If the Combats for Survival train students to be physically strong, in Mystic Arts, we train students to be mentally strong. In this subject, we use the power and capabilities of the mind, we nurture your given power... mentally."
Nangunot ang noo ko ro'n. Mentally?
How can one train their power mentally?
I didn't had to answer, kaagad na nitong napansin ang pagkalito ko. Ngumiti naman ito, tila ba inaasahan na ang reaksyon kong 'yon.
Lahat naman siguro ay malilito sa kanyang pahayag.
"To train your power mentally, deep meditation is required. Once the students managed to enter a deep level of concentration, they need to attain a deeper level of focus. By doing so, your physical form—-along with your physical strength—-will be literally transported in your own mind. Makakapasok ka sa sarili mong utak. In there, you train, you improve, and can even master your power, saving you from the pain you can get from training in real life."
Bumakas ang pagkamangha sa mukha ko nang sa wakas ay naintindihan ko na ang kanyang pinapahiwatig.
"That's how students nurture their power here." Dugtong pa niya.
"Kung gano'n, bakit hindi na lang sa utak kami palagi magsanay para matutong makipaglaban? So that there'll be no more physical pain?" Takang tanong ko na agad niya namang inilingan.
"No. Ibang usapan ang pagsasanay ng kapangyarihan sa pagsasanay ng pisikal na kakayahan. Hindi tataas ang pain tolerance natin kapag sa utak lang tayo magsasanay. We also won't be able to improve our physical strength just through our mind."
BINABASA MO ANG
'Til Our Next Eclipse
FantasyIn a battle between beings of the sun and the moon... who would conquer? If the playful universe decided to place you and your beloved into different factions, would you rather lose to let your love win? Or would you rather win and let your beloved...