Chapter 23: Samahan ng Malalamig ang Pasko
Ellie's POV
'I'm going back to US.'
'I'm going back to US.'
'I'm going back to US.'
Kainis naman oh. Echo ng echo kasi sa isip ko. Kahit pagod na pagod ako kagabi hindi parin ako nakatulog ng maayos. Parang wala ngang epekto yung gatas eh. Tsh. Bat ko ba pinoproblema ang pag-alis niya? Yun naman talaga ang plano diba? He'll move out of the house this Christmas. Kainis talaga! Hindi ko kasi namalayan na 24 na pala ngayon at sa America pala siya magpapasko kaya siya babalik. He received a text message from his family last night, dun daw siya magpapasko.
Arrgggghhh! Naibaon ko ang mukha ko sa unan. Nakahiga pa rin ako sa kama. Mag-aalas nueve na and Im still in bed. Ayaw ko pang bumangon at wala rin akong ganang kumain. Sheeez. Ewan, tinatamad ako eh.
Pero dapat abala na ako ngayon para sa Notche Buena mamaya. Uuwi na rin kasi sila Mama dito, nagpromise si kuya that they'll be home at Christmas so dapat akong maghanda. Haissst naman oh. Where's my Christmas spirit?
Nabigla ako ng may biglang kumatok. Si Yaya ata yan. Ayaw ko pa ngang bumangon kaya nagtulogtulogan ako. Pero biglang bumakas ang pinto at naramdaman ko nalang na may umupo sa tabi ng kama ko.
"Wifey." Panimula niyang sabi.
Damn. Si Theo pala to eh!
Napabuntong hininga siya.
"Shit. Why is it so hard to talk to her?" mahina niyang sabi.
Hanggang kailan ba ako magtutulog-tulogan? Tsk.
Sinilip ko siya ng kaunti. (Remember I buried my face in the pillow?) Tapos nakita ko siyang nakaface palm. Ano bang problema ng mokong na to?
Hindi ko na siya matiis kaya I pulled the tip of his shirt.
"Ano bang kailangan mo?" tanong ko sa kanya syempre without getting off the pillow into my face. Ewan, di ko lang feel ang magpakita sa kanya.
"Gising ka na pala." Sabi niya. Hindi ako umimik.
"My passport's ready. Mamaya na ang flight ko." Dugtong niya.
Nagpapaalam ba siya? Tong mokong na to ang sarap hampasin ng unan eh! Aissshhh!! Bat ba ako nagagalit ha? Kanina pa to ah? Ano bang problema ko? Kainis! Naiinis ako sa sarili ko!
"Will you see me off?" tanong niya.
Napabangon ako bigla at nagkabanggaan ang mga noo namin.
"Nagpapaalam ka ba?" biglang sabi ko.
"H-ha? What? Why the hell would I say goodbye? Babalik naman ako ah." Sabi niya
"S-sabi ko nga." I said. May point nga naman siya, sheezz, bat ba ako napaparanoid? Napaface palm ako.
"I hate saying goodbyes." Bigla ko na namang sabi. Shemay. Ano yun? Aie, tinotopak na ata ako. Kinulang ng tulog eh. Tsk.
Tapos bigla ko na lang naramdaman ang kamay ni theo sa ulo ko. He patted my head.
"Hindi ako aso." Sabi ko tapos pout
"Yea, I know. Now stop pouting ugly duckling." He said then smirked at me.
"Stop smirking you evil prince!" I said and pinched his nose.
BINABASA MO ANG
My Job is to Fall Inlove With You
Teen FictionLabing-limang taon kong inalagaan ang puso ko. Ngayon bigla kang dumating sa buhay ko. Hindi dahil mahal mo ako kundi ENGAGED tayo. At kung saka-sakali mang mahulog talaga ako sayo, masisisi ba kita kung hindi mo ako sinalo? Dahil sa simula't sa...