Chapter 20 Christmas Field or Failed Trip?
Ellie's POV
Ngayong araw na ito malalaman kong sino ang magiging VIP's sa Christmas Trip. Nandito kami sa University Hall at nagsisimula na ang munting program/meeting na inihanda ng SSG.
“Ayyy, kakabagot naman to oh.” Chris
“Kailan ba ea-announce ang mga VIPS?” Mika
“Inaantok na ako. *Yawn” Elsa
Amp. Hindi ko sila masisisi. Ang tagal kasing e-announce. Alam naman nilang ito lang yung pakay namin dba? Bat ba pa pinatatagalan? Hayyy, inaantok na rin---
0______0
ako.
>//////////<
Sheeeeeemz! Pinasandal kasi ako ni Theo sa balikat niya! Nakakahiya!!!!
“You’re Welcome.” Sabi ni Theo
Napabalik ako nang upo sa sinabi niya. Tss, kapal talaga!!
"Thanks, but no thanks" sarkastiko kong sabi
"Tss, sandal ka na. Halata namang antok ka na. Youre eyelids are falling." Sabi niya sabay hila sa akin pasandal sa kanya.
"Aish, nakakahiya! >.<" Ako
"Nakakahiya na pala ang matulog ngayon?" sabi niya ofcourse with matching pokerface.
"Amp. Huwag ka ngang magpinilosopo!" Sabi ko sabay kurot sa pisngi niya.
"Hey! Tss." Tipid niya lang sagot.
Aish, kahit nakapokerface ka at namimilosopo, kinikilig pa rin ako. Kainis ka talaga!!! >.<!!!
Sa ngayon tuluyan na talaga akong nakasandal sa kanya. Mapilit eh, kainis.
"Friends! Nawala antok ko, bigla ako nilanggam eh" parinig ni Elsa
"Hahahaha" tawa naman nung dalawang bruha
Aish, ito na nga yung sinasabi ko eh. Naa-awkward na tuloy ako!!!
Dapat makahanap ako nang tamang tyempo na makabalik sa pagkakaupo! Ewan, di naman kasi ako nakakatulog dahil sa lakas ng pintig ng puso ko! Ang lapit kaya niya! Amoy amoy ko nga yung- teka nagbago perfume niya. Oh wait, kailan pa akong natutong amuyin siya at at alam ko pa ang musk na ginagamit niya?!
BINABASA MO ANG
My Job is to Fall Inlove With You
Teen FictionLabing-limang taon kong inalagaan ang puso ko. Ngayon bigla kang dumating sa buhay ko. Hindi dahil mahal mo ako kundi ENGAGED tayo. At kung saka-sakali mang mahulog talaga ako sayo, masisisi ba kita kung hindi mo ako sinalo? Dahil sa simula't sa...