Chapter 3
Maaga ako ngayon sa school este maaga naman talaga ako eh. Isa nga ako sa mga Early Birds sa classroom, hindi ko nga alam kung bat late ako kahapon. Tss. Kakainis nga.
Nakarating na ako sa classroom. Medyo konti pa yung mga tao kaya ang tahitahimik tuloy.
“Good Morning!” bati ko sa kanila ^0^
“Good Morning din!” tugon nila
Umupo na ako at kinuha yung cp ko.
“Wow, Ellie! Bagong phone? iPhone 5 yan ah.” Sabi ni Faye
Dalawang phone kasi ang hawak-hawak ko.
“Ah, hindi. Sa kaibigan ko to, naiwan lang niya sa bahay.” Sabi ko.
“Ganun ba. Grabeh ganda talaga ng iPhone 5.” Sabi niya habang pabalik sa kanyang upuan.
Grabe naman tong makareact si Faye, wagas, pero expected na yun. Biruin mo iPhone 5 ang cellphone na hinahawakan ko ngayon, kinababaliwan kaya to ng mga tao ngayon at tsaka napakamahal nito. Para lang to sa mga mayayamang tao. Psh. Okay. SIYA na ang mayaman! SIYA na ang may iPhone 5! SIYA NA TALAGA!
Hmmm..Nagwowonder na siguro kayo kung sino SIYA no?
E sino pa ba, edi yung fiancé ko. Nakalimutan lang naman niya ang iPhone 5 niya sa bahay. Tungeks din yung taong yun eh. Feel na feel at home. Iniiwan lang mga gamit niya eh. Tsss. Akala ko ba naghahanap yun ng wifi..ay mali….wifey pala yung sinabi niya.
Ako pala yung tinutukoy niya. =_______= tssssssss.
Ang problem ko ngayon ay kung pano to isasauli sa kanya. Di ko naman alam kung saan siya nag-aaral. Lalong-lalo na kung saan siya nakatira……Hayyyy… Talaga naman oh! Buhay.
Susubukan ko sanang buksan yung cp nya pero di pwede may password eh. Kainis. >.<
Tumingin tingin ako sa paligid. La pa naman yung adviser namin. Kaya sinubukan ko ulit buksan yung cp niya. Ang dami ko nang natry na pwedeng maging password niya pero walang effect. Tsk.
“Uyy, ano yan ha?” Mika
“iPhone 5 yan ah! Bago phone mo?” Chris
“Ang GONDOOO!!!” Elsa *O*
Wow. Nandito na pala ang barkada.
“Teka nga lang nagco-concentrate ako dito eh.” Saway ko sa kanila. Buti naman at tumahimik din. Phew. Eto panay pa rin ang pagtry ko. Grabeh pinapawisan na ako ditto ah.. Sheeeezzzz….Last na talaga to. Paghindi magwork edi fine.. Atleast I tried.
BINABASA MO ANG
My Job is to Fall Inlove With You
Genç KurguLabing-limang taon kong inalagaan ang puso ko. Ngayon bigla kang dumating sa buhay ko. Hindi dahil mahal mo ako kundi ENGAGED tayo. At kung saka-sakali mang mahulog talaga ako sayo, masisisi ba kita kung hindi mo ako sinalo? Dahil sa simula't sa...