Chapter 18: Sleep Over?!

372 18 7
                                    

Chapter 8: Sleep Over?!

Ellie's POV

May sayad nga ata tong mga kaibigan ko. Takutin ba naman ako ng bonngang bongga, eh alam naman nila na productive tong imagination ko. Tsk. Muntik na akong magkaroon ng HEART ATTACK! Ano bang nakain ng mga tao ngayon? Una si Kuya, tapos ngayon sila?! Ughh.

"A-A-A-Aray" napangiwi ako. Sakit ng balakang ko. T___T Nahulog ako mula sa kama eh. Ouch.

Dali-dali naman akong pinuntahan ni Theo. "You hurt?" tanong niya. Eseh, concern. *0* Teka nga! Ano ba tong iniisip ko? Erase erase erase!!

"What's happened?" nag-aalalang tanong ni Kuya

"Shemay Kuya, tinakot nila ako." sabi ko habang inaaalalayan ni Theo.

Isa-isa namang nagsitayuan mula sa pagkakadapa sa gilid ng higaan ko sina Elsa, Chris, Mika, Ace tapos yung buong Pretty Boys. Wow, ano bang ginagawa nila dito?

"Merry Christmas." sabi ni Elsa at pinatunog yung tambourine niya.

"G-G-Good Evening." sabay-sabay na sabi nung iba.

"Damn, I cant believe I did this." sabi naman ni Pau tapos facepalm.

"Yeah right couz, lagot ka kay Kuya." sabi ko sabay evil smile sa kanya. Hohoho. Sarap pagtripan eh, hehehehe.

Ganito naman expression niya --->   -_____-

"What are you kids doing in this hour?" with all authority niyang sabi. Uh oh. Galit ba? Haha!

"Na-namamasko??" pautal-utal na sabi ni Elsa. Buhat sa natatakot at nahihiya siya sa Kuya ko, crush rin niya ito. Hahaha!

"Ha?" sabi ni Kuya. Haha. Napanganga talaga siya. 

PAK!

Bigla namang binatukan ni Chris si Mika. "Ay, lokaret, anong mamasko?? Hindi pa tayo nakapagplano remember?? Kaya nga tayo magsle-sleep over dito eh.." bulong niya sa kanya pero rinig pa rin. Hahaha. May sayad na nga tong mga kaibigan ko. Sleep over daw sabi nila. Hahahahahah----HAAAAAAAAAAA??!

"SLEEP OVER?!" sabay pa naming sabi ni Kuya at ni Theo.

 "Surprise??" sabi ni Chris sabay shake ng tambourine niya. Loka-loka talaga.

"Yep! Sleep Over! We already called your mother so this is not trespassing!" sabi naman ni Mika sabay pakita ng phone niya.

Teka. sino bang nagsabing trespassing sila? -_-

"Teka nga, sino bang nagsabing trespassing kayo?" sabi naman ni kuya. HOLO! Parehas kami ng iniisip haha!

 "Sabi ko nga wala >3<" si Mika yan

"Oh Pau, milagro ka lang nakakapasyal dito ah. Himala at nakapunta ka." sabi ni Kuya kay Pau.. Hohohohoho.. Masayang bangayan to!!

"Tss. I didnt paid a visit. I was dragged here. -_-" sabi niya.

"Tss, sungit talaga." bulong ko.

"Ano sabi mo?" tanong niya sa kin sabay death glare. Hmmp.

"Ang sabi ko, panu natiis ni Crystal yang pag-uugali mo. >:P" sabi ko sa kanya na biglang ikinamula niya. Uh oh, I smell something fishy...

"Tsk. Stop it." sabi ni Kuya. "Teka nga, makikitulog na nga lang kayo di pa kayo dumaan sa maayos na pinto. Malaki naman ang door namin ah. Kasya ata kayo lahat. Bat pa ba kayo magpapagod na umakyat sa balcony?" pahabol niyang sabi.

My Job is to Fall Inlove With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon