Chapter 5: Ang awkward lang
Ellie's POV
AWKWARD. =_________=
Yan lang ang masasabi ko.
Sino ba naman ang hindi maawkward kung ang nasa left side ko ay yung taong may gusto sa akin na di ko naman alam kung mahal ko siya at ang nasa right side ko yung taong dapat kong mahalin na di ko naman alam kung mahal o mamahalin niya rin ako. Uuuhh.. Isama mo na ang nangyari kanina..
FLASHBACK
Ready na ako for school. Paglabas ko ng bahay, laking gulat ko nang makita ko si Ace na nakasandal sa kanyang Ferrari F430 Spider. WOW. Ang cool niyang tignan. *0*
"Sorry Man. Nauna ako sa iyo." sabi ni Ace na kinkausap si Theo.
Kakarating lang ata ni Theo. Isinara niya ang pinto ng kanyang Ferrari 458 Italia. Teka, bago sasakyan niya? Ghad!! Ang ganda!! *Q* Sila na! Sila na talaga ang may bonggang-bonggang sasakyan.!! Grabeh lang.
Nakita ko siyang nag-smirk.
"Hindi ako nandito para sunduin siya." sabi ni theo.
0_______0
Oh my! Momay!
Nagtatagalog na siya! Sinunod niya ang sinabi ko!! Meee geeeddd *O*
Napansin na ata ako nila. Nakatingin kasi silang dalawa sa akin.
"Ah,hehehe. Good Morning!" bati ko sa kanila
"Morning Ellie! ^_^" bati ni Ace
"Hey, wifey." tawag sa akin ni Theo. Tapos may hinagis siya na sinalo ko naman.
"You left it in the car yesterday. " dagdag pa niya
Tinignan ko yung bagay na inihagis niya. ?__________? Naiwan ko pala cellphone ko? Grabeh, hindi ko man lang alam? Psh. Di bale na nga lang atleast naibalik dba?? haha!!
"Thanks!" ^_________^ sabi ko kay Theo.
"Geh, bye" sabi niya. bumalik na siya sa sasakyan niya.
Uuuuuhhh.. Iiwan niya ako?? aie. Hindi nga pala siya nandito para sunduin ako. =______=
"Uhh, Ellie lets go?' yaya ni Ace
Tumango lang ako at sumakay na sa sasakyan niya. Nauna na si Theo sa amin. Sumunod rin naman kami.
BINABASA MO ANG
My Job is to Fall Inlove With You
Teen FictionLabing-limang taon kong inalagaan ang puso ko. Ngayon bigla kang dumating sa buhay ko. Hindi dahil mahal mo ako kundi ENGAGED tayo. At kung saka-sakali mang mahulog talaga ako sayo, masisisi ba kita kung hindi mo ako sinalo? Dahil sa simula't sa...