Chapter 22: Hi, Bye
Ellie’s POV
“Welcome to Manila Ocean Park!” Bati sa amin ng staff.
Napatingin kami sa bulletin kung saan nakalagay yung mga attractions nila.
“Baby, saan ang gusto mong unang puntahan?” Tanong ko sa kanya, habang karga-karga siya. Medyo siya mabigat pero ok lang. Keri pa rin.
“Dito po.” Sabi niya sabay turo sa Oceanarium.
“Okay.” ^_^ ako
“Attention! Guys, dito nalang tayo magkita 3 pm. Huwag malelate. Have FUN!” sabi nung team leader namin.
“Okay, baby let’s go na para marami tayong mapuntahan.” Sabi ko sa kanya, binaba ko na siya at hinayaan maglakad. Hinawakan niya ang kaliwang kamay ko at yung kanang kamay naman ni Theo.
“Tara na po.” Masiglang sabi niya.
Sa tulong ng mapa na ibinigay sa amin, nakarating na kami sa oceanarium. Pumasok na kami at wow para kaming nasa under the sea!
Si Aaron ganito mukha niya --> *Q*
Tapos tumakbo siya papalapit sa aquarium. Tuwang-tuwa talaga siya.
“Look! Ate Ellie! Si Nemo!” excited nyang sabi.
Hinila ko si Theo papalapit sa kanya at nakita naming ang isang clownfish. Hahaha! Yun yung tinuturo niyang Nemo.
“Ou nga baby.” Nakangiti kong sabi sa kanya.
“Ang tawag diyan ay isang clownfish.” Sabi naman ni Theo, yumuko siya ng konti para level sila ni Aaron.
“Eh, ito po? Ano po to?” tanong ni Aaron sabay turo sa isang sea anemone.
“Yan naman ay isang sea anemone, jan nakatira si Nemo.” Sagot ni Theo.
“Anemonmone.” Sabi ni Aaron.
Hahahaha! Ang cute cute niya!! Omg!! Kaya pinisil ko yung cheeks niya.
“Anemone baby.” Sabi ko sa kanya. Ngumiti naman siya. Tapos tumakbo ulit siya para makita ang isang school of fishes pero bigla siyang bumalik at hinila si Theo, gusto niya atang magpasama.
Manghang-mangha siya sa kanyang nakikita. Ang dami-dami rin naman kasi talagang isda. Marami siyang katanungan at ito naman si Theo sagot lang ng sagot. Friends na ata sila. Hehehehe.
BINABASA MO ANG
My Job is to Fall Inlove With You
Teen FictionLabing-limang taon kong inalagaan ang puso ko. Ngayon bigla kang dumating sa buhay ko. Hindi dahil mahal mo ako kundi ENGAGED tayo. At kung saka-sakali mang mahulog talaga ako sayo, masisisi ba kita kung hindi mo ako sinalo? Dahil sa simula't sa...