Chapter 6
"Gabriel, kumusta na iyong nangyari sa Comval?"
"It's fine now, dad. The bus is partially fixed, kinasuhan na iyong driver ng isa pang bus. Kasalanan din naman niya iyon. And I've talked to the driver's family. Ang sabi ko tayo ang babayad sa operation. He's gonna heal."
"Why did you say he's gonna heal? Hindi ikaw ang doktor."
Napabungisngis kami sa sinabi ni Tito. Eat that, Gabe.
"Bara from tito." Bulong ni Zeke. Bumungisngis kami habang pinapakinggan silang mag-usap.
"Well, it's just a fracture. Maaayos din 'yan."
Nag walk-out na si Tito at hindi na pinakinggan ang explanation ng matalino niyang anak. Tumawa kaming lahat at panay naman ang asar nila Zeke at Samuel. Well they love Gabriel getting hiya.
"Nag Medicine ka na lang pala kung gusto mo namang ganyan."
Umiling na lang ako at binalik ang tingin sa pinapanood naming pelikula. Sayang-saya talaga si Zeke pag si Gabriel na ang nahihirapan.
"Ames, why won't you start blogging?" Nilingon ko si Axle na babad sa Instagram. "A lot of people are saying na you should make a blog already."
Ngumuso ako, "Well I'm not a model, Axle. I'm a designer."
"Ames!" May pumitik sa akin sa noo. "Ouch! Ate A!"
Naningkit ang kanyang mga mata, "Camille Co. Fashion designer and she models for her own blog. She's pretty and you're pretty too."
Umirap ako, "Well I know, duh."
"Bruha ka. Ikaw na ang ini-ego feed. Makinig ka na nga lang."
Ngumisi ako sa sinabi ni Ate A.
"Tutulungan ka namin, okay? Kami pa gawa ng blog mo." Tumango ako. Well what can I do. Pag sinabi nilang gagawa sila, gagawa talaga yan.
"Ames, hindi ba dadaan dito si Sir Ashton?"
Kumunot ang noo ko, "Hindi ko alam, Den."
"Sus.. Hindi niya raw alam pero nakailang tapak na sa opisina ni Sir." Pagdadagdag ni Paolo.
Umagang-umaga ay pinagtutulungan na nila ako. Ngumuso ako at lumapit kay Paolo.
"Salamat nga pala Pao." Ngisi ko."No problem, dear. Sawang-sawa na rin ako sa mukha ng poging yun." Tumawa ako habang niyayakap si Paolo.
"So you're gonna go to Bryan's condo later?"
Tumango ako, "Yes, mamayang lunch siguro. May mga kaibigan daw kasi siyang gusto ring magpadesign. Eh hindi makakapunta dito kasi busy."
Ngumisi si Paolo, "Then good! Lalago ang name mo niyan."
Tumawa ako at dumiretso sa table ko.
"Ames!"
Nilingon ko ang nakangising si Abby, "What?"
"Wala bang flowers? Chocolates?"
Hindi ko na siya pinansin at umiling-iling na lang. Matapos ang pag-uusap namin ni Ashton nung Monday ay iba na ang tingin nila sa akin.. Makahulugan. Panay na rin ang parinig nila tungkol sa aming dalawa. I've been trying to tell them na wala namang namamagitan pero pinipilit naman ng mga katrabaho kong assumero edi go. Kaligayahan nilang mamilit eh.
"Abby, hindi kami. Ni hindi nga kami close." Umiling ako. Chineck ko ang mga phone messages at inilipat na rin sa phone memo ang condo at floor ni Bryan.Tahimik sa loob ng office. Malamang ay dahil busy rin ang iba sa pagde-design ng gowns sa nalalapit na Awards sa mga artista at malalaking pangalan sa showbiz.
BINABASA MO ANG
Bended Knee
Подростковая литератураAshton Martin Mansory is one of the young and elite bachelors in the city. Siya yung suplado type na lalaki, kaya napapaisip ang iba kung siya ba ay heartbroken o nasaktan na dati. A girl came into the picture. Amethyst Miranda Moretti. Mahilig mag...