Chapter 2

244 7 2
                                    

Chapter 2

Pagbukas na pagbukas ng elevator ay bumungad agad sa akin ang isang napakalawak na opisina. It's a one-floor office. Black and white ang theme ng opisina at puno ng abstract paintings sa puting walls nito. May mga abstract black artworks na nakapatong sa mga mesa at sahig. Kulay itim ang mga furnitures, mga upuan at mesa.

May tv, dvd player, at xbox pa sa isang sulok. The design's so minimal. Kung nandito si Ate Avian ay magugustuhan niya ito. Ate A's an interior designer. Magaling siya lalo na sa pagiging minimal sa kanyang designs.

"Are you done sight-seeing?"

Napamura ako sa gulat. Freaking shit. I almost had a heart attack.

Kumunot ang noo ko at lumingon sa pinanggalingan ng boses. Halos mabulunan ako sa sarili kong laway. Napakurap ako ng ilang beses. Holy shit.

"Uh, good morning, Sir."

Panay ang mura ko sa utak ko habang naglalakad papunta sa mesa niyang nasa gitna. Nasa gitna ito ngunit hindi ko nakita kanina. Maybe I was too distracted a while ago. But now, he got hundred and one percent of my attention.

Ngumuso ako habang nilalahad sa kanya ang folder ko. Tinanggap niya ito nang walang ka ekspre-ekspresyon sa mukha. Binuksan niya ito at binasa ang mga dokumento. Hindi pa rin ako umuupo. This is what I learned from Kuya Z. Ang sabi niya ay hinding-hindi ako uupo hangga't hindi sinasabi ng HR o interviewer. Isa ito sa magiging first impression nila sayo. When you suddenly sit, they'll think you don't have the etiquette.

"Take a seat."

Tumango ako at umupo sa kanang upuang nasa harap ng black at sleek niyang office table. He really loves black and white, huh? He's wearing black suit and an inner white v-neck shirt. Kulay gold ang relong nasa kaliwang pulso niya.

"You know I won't accept you."

Nabuhay ang lahat ng natutulog na blood cells sa katawan ko. "Pardon?"

"You want me to repeat what I did just say?"

Ay hindi. Gusto kong ulitin mo yung hindi mo pa nasasabi. Sungit! Sarap ihambalos sa mukha niya ang Balenciaga ko.

"Yes, Mister.." Sumulyap ako sa pangalang nakapatong sa table niya, "Ashton Martin Mansory."

Bahagyang nanlaki ang mga mata niya. Wala pa sigurong nakakagawa ng ganito sa kanya. Well it's a first for him then. Bumalik agad sa nanunusok na titig ang kanyang mga mata. His orbs are brown. The kind of brown where you find yourself staring into. He has the same eye color with my cousin Gabriel. But unlike Gabe na warm and expressive ang mga mata, sa kanya ay nanunusok at hindi maipaliwanag. His eyes are cloudy. Iyong tipong hindi mo mabasa kung ano man ang kanyang iniisip. Mahahaba rin ang pilikmata niya. The kind of lashes what a girl wants.

"You may leave now, Miss Moretti. I don't accept people from companies with the same as ours."

Nabuhay na naman ang lahat ng dugo sa sistema ko. Tumaas ang kilay ko. Kalma, Ames. You need this job.

"And why is that, Mr. Mansory? We're a modeling company. We design pero limited lang ang stocks. Our focus is not on designing. Kaya I won't leave. I came here for an interview. Hindi mo pa nga ako natatanong, paalisin mo na ako." Bumungisngis ako kahit alam kong makakapag galit ito sa kanya. I can't help it. I so need this job but I'm pushing the boss's buttons.

"Moretti Models are our business partner."

Tinukod niya ang dalawang siko sa mesa. Pinagtiklop niya ang kanyang mga daliri at gamit ang kanyang hintuturo ay pinaglaruan ang kanyang mapula-pula at malambot na labi.

Bended KneeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon