Prologue

682 11 4
                                    

Prologue

"Bro, this is it." Tumango ako at ginawa ang usual fist bump namin ni Cliff.

"Salamat, 'pre."

"Wag ka muna magpasalamat, dude." Natatawa niyang sagot. "Anyway, goodluck!"

Tumango ulit ako. Ilang beses ko nang nailunok ang mga laway ko.

Bumukas ang pinto at sunod na bumungad sa akin ang mga insekto kong pinsan.

"Shit! Di ka na gay!" Pambungad ng nakangising Spade. Lumipad ang middle finger ko sa ere. Tang ina. This monkeys always make me lose my maturity.

"Kuya Ash!" Dumamba sa akin si Ava.

"Av, hindi ka magaan."

"Excuse me?!" Sa mukha niya pa lang ay offend na offend na siya sa sinabi ko. Tumawa ako at ginulo ang buhok niya.

"I love you," sabi ko sabay kurot sa ilong.

Nanlaki ang mga mata niya at tinampal ang kamay ko. Napakurap pa siya ng ilang beses. "Grade 5 nang huli mo 'yang sinabi sa akin."

Kumunot ang noo ko. "I say I love you to you noong high school pa tayo."

Umirap siya kagaya ng pang-iirap ni Riley. We call it the 360 roll. "Well that wasn't sincere! Nag a-i love you ka kung sobrang saya mo sa araw mo na wala ka nang ibang mapagshare-an ng happiness kundi ako. Nag a-i love you ka kung sinasalba kita kina mama. Di naman yun lahat sincere! Sobrang bilis nga ng pagsabi ng i love you, para nang rabyu!"

Natawa ako sa mahaba niyang litanya.

"Lika nga." Hinigit ko siya palapit sa akin at binalot ng yakap.

"I'm nervous." Bulong ko sa tenga niya. Naramdaman kong mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin.

"Ashton Martin Mansory gets nervous, huh?" Bulong niya balik.

"You had business proposals to big and influential people but you never got nervous. Ever." Naramdaman ko ang mahina niyang pagtawa. "So it takes just one girl to make your knees go weak?"

Napatawa rin ako. Kumalas ako mula sa pagkakayakap sa kanya. I smiled as I imagine the way she flips her hair. "Not just my knees, Av. My whole system."

I closed my eyes as I softly remember every aspect of her. I am truly madly deeply in love with her. The way she flips her hair and rolls her eyes. The way she rolls her head back when she laughs so hard. Every single aspect. Every single inch. Body, soul, and all.

Biglang may yumugyog sa akin. Nilingon ko kung sino at nakita ko ang nakangising si Riley. "She's here na!"

Nanlaki ang mga mata ko. I silently muttered a prayer. God, you know I've been waiting for this day to come. I've been waiting for this day where I'm gonna have the chance to kneel before her. She has been my constant prayer. Iyong tanging laman ng panalangin ko bukod sa pamilya at sarili ko. I've always prayed for her safety and protection. I've always prayed for us. God, please.

Nakita kong may papaakyat na babaeng naka pajama at white tank top, nakabun ang kanyang buhok, pero makalat. Yung tinatawag nilang messy bun? Ganun. I find it sexy, though.

Kinakaladkad siya ng mga pinsan niya patungo sa pinto. Halatang naguguluhan siya sa mga nangyayari. Napahawak ako sa puso ko. I know it's gay, but what can I do? It keeps beating faster whenever she's near me.

Tinulungan ako ni Av na ayusin ang makakapal na comforter sa sahig at lagyan ng mga unan. Inihanda ko na rin ang mga kakainin namin mamaya. Lumayo ng kaunti ang kapatid ko nung papalapit na siya.

Bended KneeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon