Chapter 4

167 6 0
                                    

Chapter 4

Right after the elevator closed ay niyugyog ako ni Abby. Nanlalaki ang kanyang mga mata habang tinatanong ako sa nangyari.

"Ano yun? Anong sinabi? Bakit may pabulong-bulong pa? Ano na?"

Umikot ang mundo ko sa mga tanong ni Abby. Huminga akong malalim at pinatahimik siya.

"Wala iyon, ano ka ba." Bulong ko.

"Eh bakit bumulong-bulong ka pa?" Nagtatakang tanong niya. Umirap ako.

"Bawal ba?" Isa na lang at masasapak ko na ang babaeng 'to. Natahimik siya sa biglang pagsungit ko. Good. Mabuti nama't nadadala pala ito.

"Good morning, ladies!" Bati sa amin ni Dennis, isa sa tatlong bading na fashion designers sa Mansory.

"Good morning, Den." Ngiti ko. Bumati rin sa kanya si Abby sa tabi ko.

"Feel at home lang kayo dito. Tutal, hindi na nagmumukhang opisina ang floor na ito. Mukha nang bahay. " Tawa niya.

Totoo naman. Sa pagkakaalam ko ay eight lang ang fashion designers ng MFL. Once every two years lang sila naghahanap ng bagong designers. Nadagdag kaming tatlo nina Abby at Shiela, kaya eleven na. Malawak ang bawat floor sa building na ito kaya't malawak ang space ng bawat designer. Hindi room ang bawat office namin kung hindi ay table lang. Malaki ang work space namin sa isa't isa. Ang tanging separation lang sa bawat designer ay ang malaking space at shelves na nilalagyan ng kanya-kanyang mga libro at kagamitan.

Maaga kaming dumating ni Abby kaya hindi na ipagtataka kung lima pa lamang kaming nandito.

Binati namin si Ma'am Alex na busy sa pagtitimpla ng kanyang kape. Ngumiti siya at inalok pa kami na magkape. Binati rin namin ang isa pang bading na designer.

"Good morning, Pao." Bati ni Abby.

"Magandang umaga!" Nakangisi niyang sagot. Inayos niya ang kanyang kulay pulang scarf.

Dumiretso na ako sa table ko. Wala pang laman ang shelf sa gilid at table. Napag-isipan kong bukas na lang dalhin ang mga books at magazines na pwede kong mailagay sa shelf para reference na rin sa mga magiging designs ko. Kailangan ko kasi talaga ng may inspiration. I can make designs out of boredon pero iba talaga pag malalim ang iyong pinaghuhugutan.

"Abby! Ames!"

Kumaway ako sa kararating lang na Shiela.

Sunod na dumating ang iba pang katrabaho namin at lahat naman sila ay mababait. Pinuno nila ako ng mga tanong tungkol sa mga naging school at teacher ko. Panay din ang tanong nila tungkol sa pamilya at mga negosyo namin.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkkwentuhan nang biglang tumunog ang elevator at lumabas ang secretary ni Ashton.

"Hoy babae ka! Iniwan mo kami sa bar kahapon ah!" Turo ni Dennis kay Anne. Ngumuso si Anne at sinapak sa braso si Dennis.

"Harot ka! Wag mo akong tinatouching-touching!" Natawa ako sa mga reklamo ni Dennis at sa mga sagot naman ni Anne. Humupa ang kanilang pag-away nang inawat sila ni Ma'am Alex.

"Tumigil nga kayo. Anne, ano bang pinunta mo rito?"

Tumigil si Anne sa panunulak niya kay Dennis. Ngumuso siya at nagulat ako nang huminto ang kanyang mga mata sa akin.

"Pinapatawag po ni Sir Ashton si Miss Moretti."

Tumaas ang kaliwa kong kilay. "Bakit daw?"

Nagkibit-balikat siya. "Hindi ko po alam."

Ngumuso ako, "I don't want to."

"Huy, girl, ano ba!" Turo ni Paolo.

Nakita kong napangisi Anne. "Alam po ni Sir Ashton na isasagot niyo 'yan kaya ang sabi niya wag na po daw kayong umangal at pumunta na lang ho sa office niya."

Bended KneeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon