Chapter 9
"Ames!!" Sabay na sigaw ni Zeke at Samuel. Tinakpan ko ang tenga ko sa pinaghalo nilang boses. Bumaba sila galing sa stage at dumiretso sa akin.
"Huy, nagpapractice pa kayo." Suway ko sa kanilang dalawa.
"Ayoko na. Pinapahirapan kami ni Hugo!" Sabay turo kay Hugo na ngayon ay nakataas ang kilay sa kanilang dalawa. Ngumiti ako kay Hugo at umiling-iling siya.
"Iyang mga pinsan mo Ames ha napupuno na talaga ako sa kanila." Nakataas ang kilay ni Hugo at tinuro-turo si Zeke at Samuel gamit ang kanyang kulay violet na ballpen na may malaking feather.
"Ano na naman bang ginawa nila?"
"Nagpipintikan ba naman ng rubber band habang nagra-runway!" Sinamaan ko ng tingin si Zeke at Samuel. Napakamot ng batok si Samuel at nag peace sign naman si Zeke.
"Naku magre-resign na talaga ako!" Reklamo ni Hugo.
"Wag naman, Hugs!" Tumakbo silang dalawa at dinumog ng yakap si Hugo. Napatawa na lang ako.
"Why are you here, Ames?"
Napatalon ako sa gulat. Nilingon ko si Gabriel na nakataas ang kilay habang humihigop ng Chuckie.
"Baka mag-sswimming ako."
"Tinatanong kita nang maayos."
"Common sense naman Gabe. Edi binibisita kayo."
Hindi na siya sumagot at tinalikuran na ako. "Hoy walanghiya, nag-uusap pa tayo!"
"Don't talk to me."
"LQ na ba 'to?" Sinamaan ko ng tingin si Clio, isa sa female professional models na kasama nila Gabe. Hindi niya ako pinansin at tumawa, "Ikaw naman kasi Gabe, kararating lang ni Amethyst, tinatalikuran mo na agad."
"Whatever." Parinig ni Gabe.
"What is your problem again, Gabriel?" Naguguluhan kong tanong. Pumuputok na naman butsi ng isang 'to. May boss pa ako na hindi ko maintindihan, may pinsan na naman ako na nakikisali.
"Gabe's mine, Clio. Wag mo nga siyang pine-pair sa iba!" Umiling ako at nilingon si Roxy na nakapamewang sa stage. Hanggang ngayon obssessed pa rin siya kay Gabe?
"Roxy! Balik ka sa backstage! Di mo pa turn!" Sigaw ni Hugo.
"Whatever, Hugo! Eh yang apat nasa baba na nga eh!" Sabay turo ni Roxy kanila Zeke, Samuel, Gabe, at Clio.
"Isa na lang ah! Isa na lang at isusumbong ko kayong lahat kay Madam!"
"Woah." Napatakip ako ng bibig. Madam is Tita Alejandra. Mama nila Zeke at Moses. And I tell you, pagsisisihan mong nabuhay ka pa sa mundong ito kapag si Tita na ang magagalit sayo. Luckily she's not my mom. Wew. Sorry Zeke.
Wala silang nagawa kundi ang bumalik sa backstage. Ang alam ko kasi ay naparusahan ang lahat ng prof models ni Tita. They were going to model na sana for F21 pero Tita didn't let them, as a consequence for their misdemeanors. Kaya ayun, sobrang pagsisisi ang pinagdaanan.
"Okay, from the top!"
Nagsimula na ang kanilang practice. Tumingin ako sa paligid at napansing sila lang pala ang nagpapractice ngayon. Walang trainees. Umupo ako at tiningnan ang kanilang practice. But that was part a lie. Coz my mind's elsewhere.
"Ames!" Nagising ako sa daming kamay na nakayugyog sa akin.
"Gising! Tapos na kami!" Kinusot ko ang mata ko at nakitang 9:30 na.
"Ayan kasi, trabaho pa." Pabulong-bulong ni Gabe.
"Lumalayo na sa amin.." Segunda naman ni Zeke.
Umirap ako at tinulak si Zeke at Samuel na nasa harapan ko pa rin. Umiling ako at tinulak si Gabe nang malakas, "Tabi nga. Uuwi na ako."
![](https://img.wattpad.com/cover/31646599-288-k47359.jpg)
BINABASA MO ANG
Bended Knee
Teen FictionAshton Martin Mansory is one of the young and elite bachelors in the city. Siya yung suplado type na lalaki, kaya napapaisip ang iba kung siya ba ay heartbroken o nasaktan na dati. A girl came into the picture. Amethyst Miranda Moretti. Mahilig mag...