Chapter 5
"Oh come on, Ames. Wala ka bang Monday blues?"
Tinapon ko ang hindi ko nagustuhang scarf sa kanya. Sapul sa ulo.
"The fuck was that for?"
Umirap ako sa kanya at kumuha na naman ng kulay brown na scarf. Ngumisi ako nang makitang ito ang tunay na bagay sa sinusuot ko.
"Still too early for bad words, Gabriel."
Narinig ko ang pagbungisngis niya, "Para kang kung sinong madre."
This time, iyong unan na talaga ang inabot ko para itapon sa kanya. Nakailag ang bruho.
"Umalis ka nga rito! Ang aga-aga, nambubulabog ka eh!" Iritang sabi ko.
"Ano bang ikinapuputok ng butsi mo? Noon naman game na game kang manood ng sine kasama ako."
I rolled my eyes. "That was before, Gabe." Tiningnan ko siya habang nakatayong isinabit ang bag sa balikat ko.
"Before you got a job?"
Pinilig ko ang ulo ko at humalukipkip sa harapan niya. Ngumuso siya habang binubuksan yung box na ipapabitbit ko sa kanya.
"Gabe, alangan namang habang-buhay akong walang trabaho. Good for you kasi nagmo-model ka and tinutulungan si tito sa business. Eh ako?"
Bumuntong-hininga siya at kinarga ang box.
"Where's Zeke? You can watch with him." Suggestion ko.
Kumunot ang noo niya, "Probably screwing some random girl."
"What?" Nanlaki ang mga mata ko. Some random girl?
"Joke. His current girlfriend siguro." Napairap na lang ako sa ere. Manwhores.
"Ididiretso kita sa mall." Tawa niya habang nagmamaneho.
"Gabe, sasamahan kita mamayang last full show, okay? Just not this morning."
Tumunog ang kanyang Iphone sa dashboard.
"Who's that?" Tanong niya. Kinuha ko naman. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino.
"Sino yan, Ames?" Tanong niya balik.
I looked at him and raised an eyebrow. "It's.. Ava Mansory."
Pabulong ang kanyang mura at agad inagaw ang cellphone sa akin.
"Woah, chill!" Tawa ko. Sinamaan niya ako ng tingin at dinecline ang tawag.
"Pachix ka ah."
"Isa pa, Ames."
Wala na akong gumawa kundi tumawa at asarin siya. Kinulit ko pa ngang magkwento sa akin mamaya.
"There's nothing to tell." Pa-safe niyang sagot.
Tinutukso ko siya hanggang umabot kami sa MFL. Bitbit niya ang kahon na naglalaman ng mga magazines, lumang sketchpds, notebooks, at mga books ko. Ang iba ay nasa taas na at dinala ko na noon. Kaya medyo magaan na lang itong kahon na pinapadala ko kay Gabe.
Huminto ang elevator sa aming palapag at nakita kong si Ma'am Alex lang ang wala. Nandito na silang lahat. Binati ko sila at nakita kong sabay na nanlaki ang mga mata ni Abby at Shiela.
Nilingon ko sina Dennis at nakita kong malaki ang ngisi niya.
"Gabriel Mansory!" Sigaw niya sa matinis na boses. Napatakip ako sa tenga ko habang pinapanood siyang tumakbo patungo sa pinsan kong malaki rin ang ngisi.

BINABASA MO ANG
Bended Knee
Teen FictionAshton Martin Mansory is one of the young and elite bachelors in the city. Siya yung suplado type na lalaki, kaya napapaisip ang iba kung siya ba ay heartbroken o nasaktan na dati. A girl came into the picture. Amethyst Miranda Moretti. Mahilig mag...