Chapter 11

50 0 0
                                    

Chapter 11

Napako ako sa kinatatayuan ko. His stares burn through my skin and I feel like I'm on fire. Nilalaro niya ang kanyang baso, hindi nakikinig sa sinasabi ng mga kasama niya.

"What's wrong? You okay?" Napatalon ako sa biglang paghipo ng lalaki sa legs ko. Nakalimutan kong may kasayaw nga pala ako, and what the hell? Did he just--

"What, sweetie? You're Amethyst Moretti, right? I know you. Nagpapahipo ka naman sa mga kasayaw mo, diba?"

Nanlaki ang mga mata ko kasabay ng pag-awang ng bibig ko.

"Come on, babe. Show me your dirty dance." Naglakbay pataas ang kanyang palad hanggang umabot ito sa pang-upo ko. Ang isang kamay niya nama'y di ko namalayang nasa bewang ko na pala.

"Get off me." I hissed and tried to swat his arms away but he's strong and he just smirked and raised his brows, "Oh come on, you're no fun this night. Nagawa na natin 'to noon, Ames. Nakasayaw na kita nung foam party sa Samal."

Foam party? Samal? Shit! I was super drunk that night kaya kung sinu-sino na lang ang sinayaw ko at nakipag dirty-dance! I never dirty dance when I'm sane. Okay fine, may tama na ako ngayon. Lasing na ako pero hindi ko alam kung bakit ayaw ko sa ginagawa niya ngayon. Is it because I just don't want to or because I know someone's staring at me? And he's not just someone. He's my... boss.

Hinipo niya pa ulit ang pang-upo ko. Hindi ako nakagalaw. Nilapit niya ang kanyang mukha sa akin at hahalikan na sana ako, ngunit dahil pogi ay medyo na late ang reflex action ko. Pero bago ko pa man siya maitulak nang malakas ay may gumawa na nun para sa akin.

"What the f-ck, man?" Mura ng expat.

Napalingon ang iba sa amin at ang iba naman ay napahinto. Marami naman ang hindi na kami pinansin dahil madalas naman itong nangyayari sa mga bar.

"Ashton," bulong ko sa sarili.

Hindi ko alam kung ano ang nangyari. Nakita ko na lang ang sarili kong hila-hila na niya papunta sa table nila.

Marahas ang pagkakahawak niya sa pulso ko ngunit wala na akong enerhiya para umangal.

"Amethyst, right?" Ngiti nung kasama niya sa opisina kanina.

"Ford." Ngiti ko rin. Bumitaw agad si Ashton sa pagkakahawak sa akin nang makitang nakatitig dito si Ford at ang mga kasama niya.

"Ace." Ngiti ko rin nang makitang si Ace ang isa nilang kasama.

"Hey. Nice to see you again." Kindat niya. Tumaas naman ang kilay ni Ford, "You've met her, Ace?"

"Yes, sa Domus."

Bumaling sa akin si Ford at tatanungin na sana niya ako nang hinila ako ni Ashton at pinaupo malayo sa kanila.

"Ashton." Inis kong sabi. Bumuka ang bibig niya para magsalita ngunit inunahan ko na, "Wala tayo sa trabaho, nasa labas na ito kaya baka naman pwede na kitang tawagin sa pangalan mo."

Maingay pa rin sa loob ng bar kaya malapit kami sa isa't isa para magkarinigan. Kahit airconditioned ay mainit pa rin dahil sa dami ng tao at hindi ko alam pero naiinitan din ako. Sobrang init. Siguro sa dami kong nainom.

"Thank you."

Hindi siya sumagot. Nilingon ko siya at naabutang nilalagok ang isang shot ng beer na hawak niya sa kaliwang kamay.

"I told you to go home." Aniya na parang hindi narinig ang salamat ko. Kinilabutan ako sa matigas niyang ingles. Malalim at garalgal ang pagkakasabi niya nito kaya di ko mapigilang mapakagat ng labi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 04, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bended KneeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon