Chapter 7
"Thank you ulit, Bryan. I'll just text you if tapos na yung sayo." Tumango siya at ngumisi.
"Bye, Ames!" Pahabol na sigaw ni Chris at Paul sa loob. Kumaway ako at ngumiti.
"Basta Ames, pogi ako sa suit ko ah." Ngisi ni Bryan.
"Siyempre. Maganda yung gumawa ng suit mo eh." Tawa ko. "Sasabihin ko talaga dun sa Manila na isang diyosa ang gumawa ng suit ko."
Natawa ako, "Basta ba sabihin mo pangalan ko ah?"
"No problem, babe." Napailing na lang ako. "Alis nako, Bryan."
"Hatid na kita?" Aya niya. Tumanggi ako at sinabing kaya ko na mag-isa. Tumango naman siya at nagpasalamat ulit sa pagpunta ko. Pagpasok ko sa elevator ay hinanap ko si Ashton sa aking contacts.
"Hello?"
Napakagat ako ng labi. Kahit mag-isa lang ako rito sa elevator ay pakiramdam kong nandito siya sa tabi ko at bumubulong.
"Uhm, tapos na ako."
"I'm here in their coffee shop. Nandito sa baba."
"Okay." Sagot ko at inend na ang tawag. Shit. Of course, Ashton. Alam ko saan ang coffee shop nila dito. Anong akala mo sa akin ngayon pa nakakatapak sa Domus. Pagbukas ng elevator sa ground floor ay pumasok ang vocalist ng isang sikat na banda. Saktong palabas ako kaya nagkasalubong kami. Ngumiti ako at ngumiti rin siya balik. Bumalik sa high school feels ang puso ko. Amp. Ang pogi.
Maybe if Ate A's with me, sasang-ayon din yun. Not Axle though. Hindi ko talaga alam anong problema niya. Sobrang sungit kaya hanggang ngayon wala pang boyfriend. And speaking of sungit..
Nakita kong may kausap siyang lalaking kaedad ko lang din ata. Ngumuso ako nang makitang ang laki ng ngisi niya at mukhang nagbibiruan pa sila ng kausap niya.
"Sir.." Tawag ko.
Lumingon silang dalawa sa akin at hindi ko mapigilang punahing magkahawig ang mukha nila. And the guy looks very familiar..
"Oh, Amethyst. Come join us." Ngiti ni Ashton. Lumapit ako at umupo sa tabi niya.
"So, Ace, this is Amethyst Moretti, one of my designers." Oh! I remember him now! "And Amethyst, this is Ace Mansory, my cousin." He's Ace Mansory. The bassist of their band. Kabanda niya iyong vocalist na nakita ko kanina.
"Moretti? Moretti as in the models, cruises, wheels, airlines?"
Tumango ako at tumawa, "No need to enumerate, Ace."
"Wow." Komento niya. "So, hindi ka ba pinapahirapan ng pinsan ko? I mean ng boss mo?"
Ngumuso ako at nilingon si Ashton sa tabi ko. He's giving Ace deadly stares.
"Hindi naman." I answered while still looking at Ashton. "Masungit lang talaga." Dagdag ko sabay balik tingin kay Ace.
Tumawa si Ace. And as he laughs, I clearly see the resemblance between the two. Their eyes are their assets. Once you stare into a Mansory eye, you get lost. Kahit iba-iba man ang pagkinang at pagtitig at tingin nila sa mga tao, they still carry the same eyes. Iyong tipong pwede mo na lang titigan buong araw.
"Don't worry, Amethyst. He just.." Ace trailed off. Tumaas ang isa niyang kilay habang tinitignan si Ashton at tinakpan ang naglalarong ngiti sa kanyang mga labi, "needs a girl, you know.."
"You know what, we still have work. Aalis na kami ni Amethyst." Nilingon ko si Ashton na nakatayo na at nakalahad ang kamay sa akin.
"Oh come on bro, we were just talking." Depensa ni Ace na ngising-ngisi kay Ashton at sa akin.
BINABASA MO ANG
Bended Knee
Teen FictionAshton Martin Mansory is one of the young and elite bachelors in the city. Siya yung suplado type na lalaki, kaya napapaisip ang iba kung siya ba ay heartbroken o nasaktan na dati. A girl came into the picture. Amethyst Miranda Moretti. Mahilig mag...