Chapter 8

130 4 2
                                    

Chapter 8

"Why are you doing this, Ashton?" Tanong ko nang nasa labas na kami at hinihintay ang sasakyan niya.

"I just want to have dinner with you, Amethyst."

"But you're mad at me." Kunot-noo ko.

"I'm not mad at you." Aniya. Maniniwala na talaga sana ako pero naalala ko ang nangyari kanina.

"No, you're mad at me. Hindi mo ako pinapansin kanina. Ni hindi mo na nga ina-acknowledge ang presence ko."

I watch as he close his eyes in exasperation at malalim na bumuntong-hininga. Pinasadahan niya ang kanyang clean-cut na buhok. And he turned to look straight at me.

"I'm not mad at you, Amethyst." Malambing niyang tugon. Halos bumigay ang mga tuhod ko sa ipinakita niyang ekspresyon sa akin. His eyes looked sincere but intense at the same time. He looked so soft and I think I'm..

"But you're always mad at me."

"Am I?"

"Unang pagkikita natin, pinaalis mo na agad ako. Pag nakikita mo ako, it's either matulis ang mga titig mo--"

"A lot of people tell me that's how I stare, Amethyst."

"O nakakunot yang noo mo." Sabay haplos ko sa noo niya.

He blinked a few times, "Well you're giving me reasons to be mad at you."

"Can you smile? For me?"

He blinked a few times again. "Why would I--

"Please?"

Umiling-iling siya at pinutol ang tingin sa akin. Naglalaro ang mga gustong kumawalang ngiti sa labi niya ngunit pinipigilan niya itong lumabas.

"Why won't you smile, Ashton?" Kulit ko sa kanya. Umiling-iling siya at di na tumingin sa akin. "Oh, ba't di ka na makatingin sa akin?"

"Stop it, Amethyst."

"Di ka makatingin eh."

"I said stop it."

"O edi mag-dinner ka mag-isa." Umamba akong aalis na ngunit pinigilan niya ako. Gamit ang isa niyang kamay ay pinaharap niya ako sa kanya. And he smiled. That's when I felt again that 'something' inside me. Hindi ko mabatid kung ano. Nagising na naman kung ano iyong nagising kanina nung hinatid niya ako sa Domus Flau.

"Come. The car's here."

Nagpatianod na ako sa kanya. Sa sasakyan ay kwinento niya sa akin ang mga business nila, pati na rin ang history ng MFS. And I can see how he loves business so much. He talks about how happy he is when he sees his workers loyal to him and their lives as good as it is. He talks about how blessed he is right now with his family and friends. And as he talks, hindi ko mapigilang maging happy rin para sa kanya. He deserves this wealth and blessings because I can see he's a great man. Kung ako siguro ang mga magulang niya ay magiging proud ako sa kaniya. More than proud.

"We're here."

He brought me to Ahfat. Isa ito sa paboritong restaurant ni Daddy.

"I'm craving for seafoods. Do you eat seafoods? Pwede tayong lumipat doon sa buffet if you want." Ani Ashton.

"No, it's okay. I eat seafoods." Sagot ko. Tatlo kasi ang Ahfat dito. Ahfat 3 is seafoods and seafood is totally okay with me coz I'm really craving for lobster.

Umupo kami sa tinuro niyang mesa and we both ordered. Habang hinihintay ang inorder namin ay ako naman ang nagkwento sa buhay ko. Well there's not much to tell but I told him what just flows through my mouth.

Bended KneeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon