Chapter 3
Nagising ako sa ingay sa labas. Kinusot ko ang aking mga mata. Lumingon ako at tahimik na natutulog si Axle sa tabi ko. Dahan-dahan akong bumangon para hindi siya magising. Dumiretso ako sa cr para maghilamos at toothbrush.
"Fuck off, Gabriel! Pagkain ko 'to."
Kumunot ang noo ko nang makitang si Gabe at Zeke lang ang nasa hapag, at si Kuya Z ang nagluluto.
"Ezekiel Kean Moretti, ang baboy mo talaga. Hintayin mo nga muna kami bago ka lumamon."
"Gutom ako, Ames."
Umirap ako habang patuloy siyang lumamon.
"What?" Taas-kilay ko nang makitang pinipigilan ni Gabe ang pagtawa. Umiling-iling siya habang nakatayong nagtitimpla ng kanyang kape.
"Stop it, Gabe. Nagmumukha kang serial killer." Of course it's not true. Ang pogi lang kaya ng pinsan ko. Kahit pagbihisan mo pa yan ng damit pambabae, barako pa rin yan.
"Shut the hell up, Gabriel! Kanina ka pa ah!"
Nagulat ako sa sigaw ni Zeke. "Hey, what's wrong?"
Tinaas ni Gabe ang kanyang dalawang kamay sa ere. "Tahimik naman ako ah?"
"Well you're fucking annoying." Napangisi ako sa pag-irap ni Zeke. Lumapit ako sa mesa at umupo sa tabi ni niya. Napairap ako. "Put your shirt on, Ezekiel. Nasa hapag-kainan ka."
"Don't want to."
"Ezekiel."
"Ayaw mo niyan? May pandesal ka na kung magkakape ka."
Napadaing siya sa pagkurot ko sa kanyang tagiliran. Tinawag pa akong chancing. Kapal.
"Ano ba kasing nangyari?" Tumayo ako at naisipang magtitimpla na rin ako ng kape. Walang sumagot sa dalawa. Nilingon ko si Gabe at pigil na naman ang kanyang pagtawa. Si Zeke naman ay nakakunot ang noo.
"They played it again, Ames."
Napahinto ako sa pagkuha ng creamer. Nanlalaki ang mata ko habang nililingon si Kuya Z na nilalagay ang omelet sa pinggan.
"What the hell? What's your bet?" Pinagpatuloy ko ang pagtimpla ng kape habang hinihintay ang sagot ng dalawa. Walang umimik.
Nilingon ko si Kuya Z at pati siya ay nagpipigil na rin ng tawa.
"Zeke's credit card?"
Nabitawan ko ang kutsarang hawak-hawak ko.
"For a week?"
Walang sumagot. I took a sip from my coffee habang hinihintay ang sagot nila.
"For a month."
Nabulunan ako sa kapeng iniinom ko. What the hell? A month? Langhiya. Utak-abnormal talaga ang dalawang unggoy na 'to!
"You okay?" Umiling ako habang hinahaplos ni Kuya Z ang likod ko. Nagsalin siya ng tubig at inabot sa akin.
"Thanks." Sabi ko nang mahimasmasan na ako. Bumaling ako sa dalawa na ngayon ay hindi nagpapansinan. Ngumuso ako at di ko napigilang ngumisi. Ayan na naman ang mga away ng dalawa..
"So what was the bet all about?" Tanong ko.
Ngumuso si Gabe. "Ava Mansory."
What? Nanigas ako sa kinauupuan ko. Wala namang abnormal sa mga ninuno namin pero bakit iba talaga ang utak ng dalawang 'to? Malalim akong bumuntong-hininga. Fuckers!! Wala na talagang magawa sa buhay ang dalawang ito!
BINABASA MO ANG
Bended Knee
Teen FictionAshton Martin Mansory is one of the young and elite bachelors in the city. Siya yung suplado type na lalaki, kaya napapaisip ang iba kung siya ba ay heartbroken o nasaktan na dati. A girl came into the picture. Amethyst Miranda Moretti. Mahilig mag...