Chapter 1
"Ames! Ano ka ba naman. Nagkukwento ako dito." Napahinto ako sa pag-iisip. Kumunot ang noo ko habang blanko kong tinititigan ang nakapatay na flatscreen tv sa harap.
"I'm just thinking." Sagot kong bumabagal sa pagbigkas hanggang sa huling pantig.
"Thinking of what?" Sasagot na sana ako pero dinugtungan niya ang kanyang tanong. "Or maybe who..."
Nanlaki ang aking mga mata at agad kong binato ang yakap-yakap kong unan sa tumatawa kong demonyang pinsan.
"I am totally and completely over him." Word-for-word kong bigkas habang taas-noo kong sinasagot si Ate Avian.
"Linya yan ng mga feeling naka move on."
Binato ko pa ulit ng unan sabay mura.
The truth is I was thinking of a company to work for. Kwinento ko ito kay Ate Avian na tahimik namang nakikinig sa akin matapos tinapon balik sa akin ang mga tinapon ko ring unan sa kanya kanina.
Noon ko pa ito pinag-iisipan. I was in first year college when I promised to myself na hindi ako magtatrabaho sa amin right after graduation. My parents will surely understand kung ieexplain ko lang talaga nang maayos.
I want to create a name by myself. Hindi iyang dahil maykaya at mayaman, at iyon na ang line ng business ay gagamitin na tutal pamilya mo eh. I don't want that. If I'm gonna be successful, I want the success to be gained by me individually. Not by my surname, not by my background, and not by our money. Mahigpit ang paninindigan ko sa paniniwalang ito. I want to start from scratch. Gusto kong pinaghirapan ko ang tagumpay na matatamasa ko. Success is something important to me. Lumaki akong ganito ang nakikita sa paligid. Of course I don't want to be ineffectual. Kaya gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para umasenso.
"So what's your next move?" Tanong ni Ate Avian.
"I don't know. Find a company maybe." Kibit-balikat ko.
Tumunog ang cellphone sa tabi ko. Ngumuso ako at tiningnan kung sino ang tumatawag.
"Who's that?" Usisa ni Ate A.
Umirap ako at binagsak sa kama ang phone. "It's Gabriel."
Tumawa si Ate A at hinablot ito.
"Ate A!" Hinablot ko ang cellphone ngunit inilayo niya ito sa akin.
"Mangungulit lang yang kapatid mo!" Inis kong sabi. Tumawa siya at pinindot ang decline.
"Nangyayaya magparty ano?"
Tumango ako.
"But you love parties." Kumunot ang noo niya. "Kayong dalawa ni Gabe ang party duo."
Di ko mapigilang ngumisi. They call us the party duo. Nagpaparty naman ang iba naming mga pinsan pero mas mahilig talaga kami ni Gabe. Our other cousins, pati na si Ate A, pumupunta ng parties pag kumpleto o marami kami. Unlike me and Gabe, sugod kami kahit kaming dalawa lang. Crazy.
"I'm up for a change." Matapang kong sabi. Tumawa si Ate A at minura pa ang 'change' na panata ko. Di ko na siya pinansin at dinecline ulit ang tawag ni Gabriel.
"My brother's persistent." Rinig kong tawa ni Ate A. Nireplyan ko si Gabe na hindi muna ako sasama dahil busy ako. Bahala na kung magalit siya. Maghahanap din yan ng makakasama.
"Where's Axle, Ames?" Tanong ni Ate A habang bored akong nag i-Instagram. Kakatapos lang naming kumain sa baba at bumalik na naman kami dito sa room ko. Favorite part niya sa bahay namin itong kwarto ko. Maybe because of the dark brown and white theme.
BINABASA MO ANG
Bended Knee
Teen FictionAshton Martin Mansory is one of the young and elite bachelors in the city. Siya yung suplado type na lalaki, kaya napapaisip ang iba kung siya ba ay heartbroken o nasaktan na dati. A girl came into the picture. Amethyst Miranda Moretti. Mahilig mag...