Mizuki's POV
"A-ano bang pag-uusapan natin? bitawan mo nga ako para kang tanga alam mong marami ng nakatingin hindi ka pa rin nahihiya" sunod sunod kong bulyaw sa kaniya kaya dahan dahan niyang tinanggal ang pagkakahawak niya sa balikat ko at gulat na gulat.
"Ikaw palang ang may kayang sigawan ako, interesting" seryoso niyang sabi sa akin bago ako hilahin papunta sa tambayan ata nila malapit sa gymnasium.
"Ano na? may pasok pa ako" inis kong sabi sa kaniya yung mga kaibigan naman niya parang tuwang tuwa sa nangyayari ngayon.
"Hi luna, Weylan (wilan) nice meeting you" pakilala sa akin nung cute na lalaki para siya lang yung naiiba sa kanila parang mahilig sa libro.
"Pwede ko bang malaman kung ano yung hobby mo?" nakangiti kong tanong sa kaniya kaya tumayo siya sa pagkakakupo niya sa lapag para lang ibulong sa akin.
"Book" bulong niya sa akin kaya pumalakpak ako dahil same kami.
"Same, sa tingin ko magiging close tayo" sabi ko bago kumindat sa kaniya.
Napansin ko na medyo nagulat pa siya sa pagkindat ko kaya tinulak ko siya para bumalik na dun sa pwesto niya kanina.
"Hoy bakit mo siya kinindatan?!"
"Pake mo ba SKY MARTINEZ"
"Gael (Ga-el), basketball" simpleng pagpapakilala nung isa kaya ngumiti nalang ako.
"Mateo, basketball and girls" sabi nung isa bago kumindat.
"Mizuki, you guys can call me Luna" pagpapakilala ko sa kanila.
"Kilala ko na kayong lahat kaya pwede bang umalis na ako 8:10 na late na ako ng 10 minutes see you nalang mamaya, bye Weylan, bye guys" sabi ko bago mabilis na tumakbo dahil baka pigilan nanaman ako nung mahangin nayon.
-
"Ms. Wilson late ka na naman" nakakabinging sigaw nang aming prof sa akin.
"Sorry sir kinausap ko lang siya" biglang singit ni sky.
"M-mr Martinez ano ginagawa mo rito?" gulat na tanong ni sir kay Sky na ngayon ay katabi ko na sa pinto habang yung kamay niya pinapat yung ulo ko.
"Hinatid ko lang po, sige alis na po ako, umupo kana sa upuan mo" utos sa akin ni Sky kaya kahit hindi pa maprocess sa utak ko ang nangyayari umupo nalang ako.
Nilabas ko lahat muna yung kailangan ko lapis, ballpen, highlighlighter, correction, notebook, and lastly book.
"Hindi ka pa ba aalis Mr. Martinez?" tanong ni prof kay Sky na hindi pa pala umaalis.
"Bye mizuki" paalam niya habang winewave yung isa niyang kamay kaya awkward ako nagwave dahil lahat ng classmate ko nakatingin na sa akin tapos titingin kay sky.
"Okay let's start our discussion"
-
"Good bye class wag kakalimutan ang assignment, okay?" huling bilin ni prof bago lumabas ng room namin.
Habang binabalik ko isa isa yung mga gamit ko yung mga kaklase ko pinalibutan ako para lang tanungin ng kung ano ano kagaya ng kung ako raw relationship ko kay Sky like wtf hindi kami friends hindi rin kami lovers kundi mortal ko siyang kaaaway.
"Paano kayo naging close sa dalawang araw na nandito ka sa school?" mangiyak ngiyak na tanong sa akin ni Mae isa sa kaklase ko.
"Ewan, ano ba meron kung kinakausap nila ako?" inosente kong tanong sa kanilang lahat na ikinagulat nilang lahat kahit mapalalaki at kahit ang bestfriend ko.
BINABASA MO ANG
I hate you, MR. PLAY BOY! || SHIM JAKE
Teen FictionThis is about a girl who fell for someone she never expected to like, she is Mizuki Wilson, the girl who will like a school playboy. Hi! This is my first ever story hope y'all support.