Mizuki's POV
Habang nagkwekwentuhan kami ni weylan ng kung ano ano habang binabalik ang mga ginamit namin kanina, tsaka lang pumasok sa utak ko na may pasok pa pala kami hindi ko alam kung ilang oras kami natengga rito sa music room.
"Shocks! late na kami ni kia" nagmamadali ako bumaba ng stage para tawagin si kia na hinihintay na pala ako sa pintuan kaya mas binilisan ko pa ang paglakad ko habang inaayos yung bag ko dahil nasira yung zipper, malas.
"Kia, tara na" aya ko sa kanya na balak ko na sana siya hilahin patakbo pero pinigilan ako nito gamit ang pagbitaw kaya muntik na akong masubsob buti nalang may humawak dun sa bag ko.
"Omg! i'm sorry luna, omg! omg! are you okay? omg! i'm so sorry." sunod sunod na pagsorry sa akin ni kia.
Napatayo naman ako ng diretso ng hilahin ako patayo, sinilip ko naman yung mukha nung nagligtas sa akin sa pagkakasubsob, nag-aalala naman tumingin sa akin si weylan nang nakatayo na ako ng diretso medyo sumakit yung paa ko.
"Okay kalang?" nag-aalalang tanong sa akin weylan kaya tinanguan ko nalang siya at tinapik ng marahan si kia kasi parang iiyak na.
"Mauna ka na sa room kia, may pasok pa" nakangiti kong sabi kay kia dahil halatang nag-aalala siya akin.
"Okay lang ako, bilis na hehe" tulak ko sa kniya na pinipilit na ngumiti pero kumikorot na talaga yung paa ko.
"Sure ka? sorry talaga" sabi niya habang umiiyak, ngumiti naman ako sa kaniya habang naglalakad siya palayo.
Nung nakalayo na si kia nagpaalam narin ako kay weylan na ngayon ay kausap na ni sky kasama parin pala niya yung babae.
Ika ika naman akong naglakad papuntang clinic feeling ko sasabog yung ugat ko sobrang sakit.
"Ano nangyari sayo?" nag-aalalang sabi nung nurse bago ako alalayan paupuin sa bed ng clinic.
"Namali lang po ng tapak" nahihiya ko sagot habang nakatingin sa paa ko.
"Nako, magdahan dahan sa susunod okay?" bilin sa akin nung nurse habang nilalagyan ng ice pack.
"Magpahinga ka muna" sabi niya pero agad ko namang itong tinutulan dahil kakayanin ko naman dahil may pasok pa kami.
"Wag ka mag-alala wala kayong class nagpatawag ng teachers meeting yung principal" sabi nung nurse habang inaayos yung mga gamit na ginamit niya sa paa ko.
"Pero kaya ko naman po hehe" pamimilit ko kaya tumango nalang siya kahit halatang hindi siya sang-ayon sa gusto ko.
Pagkalabas ko nakita ko yung babae kanina pero ang ipinagtaka ko bakit may kasama siyang ilang babae kaschool namin pero yung isa, ngayon ko lang nakita, papunta sila sa direksyon ko, tingin sa likod wala naman tao ako lang, hala! ano gagawin ko?
BINABASA MO ANG
I hate you, MR. PLAY BOY! || SHIM JAKE
Teen FictionThis is about a girl who fell for someone she never expected to like, she is Mizuki Wilson, the girl who will like a school playboy. Hi! This is my first ever story hope y'all support.