Chapter 19

30 4 0
                                    

Mizuki's POV

Umiyak lang ako ng umiyak sa mga balikat ni dad. Siguro ito na yung oras na kailangan ko nang tanggapin na may bago na siyang nabuong pamilya.

Nag-usap lang kami ni dad about sa naging problema nag sorry rin ako kay dad sa mga bagay na alam kong masasaktan siya.

"Mizuki here oh" tawag sa akin ni Ms. Veronica pagkababa ko ng hagdan tinignan ko naman ang paper bag na hawak niya, tinanggap ko ito na may pagtataka.

"A-ah eh bibili ko yan para sayo cause I think the red dress suits you" sabi niya sa kin habang hanggang tenga ang ngiti. Nahihiya akong ngumiti bago patakbong bumalik sa kwarto ko.

"Wow Dior" sabi ko habang nakatingin sa paper bag na nasa harapan ko, para akong baliw na paikot ikot rito sa kwarto, nag-iisip ako kung bubuksan ko ba yung paper bag.

"Buksan ko na nga" excited na sabi ko bago binuksan, manghang mangha naman ako sa dress nung nakita ko na, sinukat ko iyon bago kuhanan ng picture.

Pagkatapos ko picturan bumaba uli ako kahit 10 pm na nagc-crave kasi ako ng ice cream.

"Dad.... Dad" tawag ko kay dad bago ako pumasok sa kitchen.

"Oh, Sky bakit nandito ka pa rin?" Taka ko tanong bago buksan yung ref, kumuha ako ng isang gallon nung mango ice cream. Kausap niya pala si dad.

"Penge" sabi niya na bago kunin sa bibig ko yung kutsarang subo subo ko. "Sky!!" Gulat kong sabi dahil puro laway ko na yun.

"Why?" Simpleng tanong niya habang patuloy ang pagsandok sa mango ice cream ko.

"Epal" inis kong bulong bago kumuha ng panibagong kutsara, nakasimangot naman ako habang kumukuha ng bagong ice cream.

Habang kumakain kami ng ice cream sa sala pinalipat kami ni yaya maglilinis daw muna siya bago siya umuwi ng probinsya nila.

Napatingin naman kaming lahat kay sky ng may tumawag sa kaniya nakailang beses ito tumawag kaya inis akong lumayo sa kaniya, hindi ko rin alam bakit ako lumayo basta alam ko naiinis ako ngayon.

Tumingin naman ako kay Austine na mahinang tumatawa na nakatingin sa akin katabi ko siya ngayon kaya mahina ko siyang siniko bago uli sumubo nang ice cream.

Nakailang ring ang cellphone ni sky kaya badtrip akong tumayo at pumunta nang kitchen para hugasan yung kutsara ko.

Pagkabalik ko naman napansin ko kung saan ako pumunta nakamasid pa rin si sky, natulog na sila dad and Ms. Veronica kaya kaming apat na lang rito sa sala katabi ni Sofie si sky habang ako napapagitnaan nila Sofie and Austine.

"Sagutin mo na kaya nakakarindi na" badtrip kong sabi na nakatingin pa rin TV naramdaman ko namang tumayo si Sky pero hindi ko alam saan pumunta baka umuwi na.

Tumingin naman ako kay Sofie na ngayon ay nakasandal na sa akin papikit pikit na pero pilit niya pa rin nilalabanan ang antok.

Mahina akong natawa bago siya pahigain sa hita ko sinusuklay suklay ko lang yung buhok niya habang nanonood parin, naramdaman ko namang sumandal sa akin si Austine na may kachat palihim naman akong nakibasa.

Puro kaibigan lang pala.

"Hindi pa ba kayo matutulog malapit na mag 11" biglang sulpot ni sky sa gilid ni Austine, hindi ko siya pinansin bago ipabuhat kay Austine si Sofie.

Sasabay sana ako paakyat pero pinigilan ako ni sky bago hilahin paupo uli sa Sofa.

"What?!" Inis kong tanong na hindi tumitingin sa kaniya. "Bakit ba ang init nang ulo mo sa akin" natatawa niyang sabi bago suklayin ang buhok ko gamit ang kamay niya, inis ko itong tinanggal bago umusog.

"Si yaya yung tumatawag sa akin kanina pinapauwi na ako" sabi niya bago mahinang tumawa, masama ko siyang tinignan kaya napatigil siya sa pagtawa at umastang seryoso.

"Eh ano ngayon? sige uwi kana" sabi ko sa kaniya bago tumayo para patayin yung tv naramdaman ko namang lumapit siya akin kaya humarap ako sa kaniya, sa pagharap ko muntik ko nang mahalikan yung ilong niya kaya napaatras ako, sa pag-atras ko sumabit sa paa ko yung wire napahawak naman ako sa braso niya nang hilahin niya ako patayo at sabay kaming napahiga sa sahig, nakadagan na naman ako sa kaniya.

"A-argh" inda niya sa balakang niya namumula naman yung siko. "Hala sorry sabi ko kasi sayo eh umuwi kana" sabi ko habang tinitignan yung siko niya kung may sugat ba.

"Sinisi pa nga" natatawa niyang sabi bago dahan dahan na umupo sa sofa. "Edi sorry" sabi ko bago tumabi sa kaniya.

"Tsk babae nga naman" sabi niya habang hinihilot hilot yung tuhod niya, tumayo siya para hilutin yung balakang niya.

"Sorry kaya mo ba magdrive pa uwi?" Nag-aalalang tanong ko sa kaniya, tumango naman siya bago naglakad palabas ng bahay sinundan ko naman siya pero dire-diretso lang siya pero bago siya pumasok ngumiti muna siya bago sumakay sabay pinaandar.





-







Kinabukasan maaga akong pumasok hindi ko rin alam bakit. Nakita ko nalang ang sarili kong hinihintay si kia sa harap ng pintuan papasok ng gate.

"Oh bakit ang aga natin Mareng Luna" sabi ni kia habang pinaniningkitan ako ng mata.


"Wala lang nagising kasi ako ng maaga" sabi ko pero parang hindi siya naniwala.

"Siguro inaantay mo crush mo? May crush kana noh?" Sabi niya na mahina akong binabangga.

"Wala, swerte naman ng magiging crush ko may maganda siyang admirer" mahanging sabi ko.

"Ang hangin naman ngayon, diba?" Sabi niya na kunyaring natatangay ng hangin, panget ka bonding joke.

Saktong pag-upo namin sa ugat ng puno sa garden nakita ko agad sila Sky na balak atang tumambay rin sa katapat namin na puno pero nung napansin ako inaya niya agad sila kenzo sa kabilang side.

Tumingin naman ako kay kia na nakatingin lang sa lapag, buti nalang tumigil na kakakulit si kenzo sa akin kundi magiging awkward ang lahat.

Hindi ko naman mapigilang tumingin sa pwesto nila, napansin ko agad si weylan nung kumaway siya sa akin, omg.

Nahihiya naman akong kumaway bago sumiksik sa likod ni kia sa sobrang kilig. "Bakit don't tell me crush mo si s-si WEYLAN" malakas niyang banggit sa pangalan ni weylan na agad ikinatingin ng lahat.

"Kia, ano ba hinaan mo yung boses mo" sabi ko habang tinatakpan ng sapilitan yung bibig ni kia.

"Oo na" sabi niya nung tanggalin ko na yung pagkakatakip ko sa bibig niya.

I hate you, MR. PLAY BOY! || SHIM JAKETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon