Chapter 21

28 3 0
                                    

Mizuki's POV

Pabalik na kami ng room pero nakasunod parin sila hindi ko alam trip nila pero si sky at gael umalis na kaya kami nila Kenzo, Weylan, Mateo, Kia ang magkakasama naglalakad papasok ng building.

"A-ah Weylan aalis muna ako" sabi ni shantal kay weylan kaya lahat kami napatigil sa paglakad.

"Saan ka pupunta?" Nakangiting tanong sa kaniya ni weylan habang sinusuklay yung buhok niya.

"Ah s-sa bahay" sagot ni shantal bago tumingin sa akin.

"Ah, oo nga pala pinapatawag kasi siya sa akin ng dad niya sige alis kana shantal" pagsingit ko sa kanila, agad naman silang tumingin sa kin.

"A-ah okay gusto mo bang ihatid kita?" Tanong ni weylan kay shantal, umiling naman siya bago dahan dahan na tumalikod bago patakbong umalis.

"Let's go hatid muna namin kayo" sabi ni weylan na alam kong nakukutuban na siya. "A-ah wag na pumasok na kayo baka malate na kayo" sabi ko bago hilahin si kia papasok ng building.

"Ano bang meron? parang ang weird niyo ni shantal" sabi ni kia habang naglalakad kami. "Wala" sabi ko bago siya paunahin pumasok sa room.




-




"Takte! wala ako nagets sa lesson" natatawang sabi ni kia sa akin kahit ako nahirapan kasi wala naman sa lesson ang utak ko na kay Weylan at Shantal.

"Sky" biglang tawag ni kia kay sky kaya agad akong natauhan at nag-ayos ng sarili, wait, bakit kailangan ko mag-ayos?


"Wow, nagbalik na naman ang dating Sky" sabi ni kia habang mahinang pinapalo si sky sa braso halata naman sa itsura nung girl na naiirita siya kaya hinila ko na si kia.

"Bakit?" Nagtataka na tanong sa akin ni kia bago niyo tanggalin ang pagkakahawak ko sa braso niya. "Baliw, naiinis na sayo yung babae nabitin ata sa bolahan nila" sagot bago ko siya akbayan.

"Be!" Tawag sa amin ni pres kaya agad kaming lumingon at inantay siya makalapit. "Why pres?" Tanong ko kay pres agad naman siyang ngumiti nang sobrang lapad bago ako hilahin at iharap sa mukha niya.

"May incoming singing contest for fun lang daw so want mo ba sumali I know kasi na magaling ka magsing like mala Arianna grande ang boses yeahhh~" sabi ni pres at ginaya pa yung boses ni Arianna sa huli.

"What?! Bakit ako?!" Gulat kong tanong kay pres inalis naman niya ang pagkakahawak niya sa balikat ko at pinamewangan ako.

"Plus grade sa lahat ng subject kung mananalo at kung hindi plus grade nalang sa adviser gusto mo o gusto mo?" Tanong sa akin ni pres na ginawang mic ang kamay niya.

"Nice, okay sali ako" sagot ko pero may halo ring kaba kasi hindi naman ako sanay na kumanta sa harap ng maraming tao.

"Good, hehe bye" paalam ni pres bago patakbong pumasok sa canteen, tumingin naman sa akin si kia na abot ang ngiti sa tainga.

"What?" Sabi ko bago kami sabay na pumasok sa canteen kita naman namin yung kumpol kumpol na estudyante sa gitna hindi ko alam kung anong meron dun kaya lumapit kami at nakisiksik.

Gulat naman akong tumingin sa TV sa gitna.

"What? S-si Shantal yung nasa tv at nakalagay dun ang video niya sa pag sign ng contract siguro yun yung company na kumukuha sa kaniya pero bakit? bakit hindi manlang siya nagsabi sa akin na ngayon na agad siya aalis."

Napatingin naman agad ako sa table nila Gael na kita kong nakayuko lang si Weylan at halatang umiiyak siya dahil sa paggalaw ng balikat niya.

"Omg, luna diba si shantal yan, omg!" gulat na sabi ni kia sa akin habang nakaturo sa tv pero hindi ko siya nasagot at tuloy tuloy na naglakad palapit sa table nila gael.

"Oh, luna" sabi ni gael na pinipilit na maging masigla ang kaniyang tono, ngumiti naman ako bago tumingin kay weylan na seryosong nakatingin sa akin.

"Let's talk" sabi niya bago ako hilahin palabas nang canteen narinig ko pa ang pagtawag sa akin ni kia pero hindi ko kayang lumingon dahil baka ako matisod dahil mabilis ang paghakbang ni weylan.

"Ang sakit weylan" inda ko sa paghawak ni weylan sa braso ko, binitawan naman niya ako nang nasa likod na kami ng school.

"Masaya kana ba?" Tanong niya sa kin tumingin naman ako sa kaniya na nagtataka.

"Ha? Bakit ako magiging masaya?" Tanong ko pabalik sa kaniya sarkastiko naman siyang tumawa bago ako hawakan ng mahigpit sa balikat.

"Bakit mo pinagtakpan si shantal kanina, kasi gusto mo rin siyang umalis noh?! Alam ko naman na may gusto ka sakin pero the fuck mizuki katulad mo rin pala ang mga bitch na pini-flirt ni sky" sabi niya sa kin habang nakangisi, malakas ko siyang sinampal bago tanggalin ang mahigpit niyang pagkakahawak sa balikat ko.

"Anong pinagsasabi mo?" Dissapointed kong sabi habang diretsong nakatingin sa kaniya pero ngumisi lang siya bago naglakad ng mabilis paalis.

Napaupo naman ako sa lapag at mahinang umiyak.


"Umiiyak ka na naman" rinig kong sabi ni sky kaya tumingala muna ako para tignan siya ng masama.

"Kanina ka pa ba dyan?" Tanong ko sa kaniya bago tumayo at nagpunas ng luha. "Ah hindi naman kakadating ko lang din nung nandito na kayo kaya rinig ko lahat" sabi niya habang nakakainis na nakangiti.

"Tara, wag kana umiyak" sabi niya bago ako hilahin at dinala sa parking lot at inalalayan paupo sa shut gun seat.

"Hoy may pasok pa tayo" sabi ko sa kaniya na pilit binubukas yung pinto pero agad niya itong pinaandar nagtaka pa ako dahil hinayaan lang kami nung guard na lamabas.

"Saan ba tayo pupunta isang class pa lang naaattedan ko" sabi ko na may halong kaba pero pinatahimik lang niya ako gamit ang pagbigay sa akin nung flower.

"Para saan to birthday ko ba? pero matagal pa naman birthday ko April palang May 20 birthday ko" lutang kong sabi sa kaniya habang nakatingin sa kulay pulang rosas na nasa harap ko.

"Wala lang yan gusto ko lang ibigay sayo buti nalang sakto sa nangyayari kasi hindi ko talaga alam kung paano ko ibibigay yan" sagot niya na namumula na ang tenga kaya tumango nalang ako balak ko sanang picturan pero na iwan ko pala sa bag ko sa room yung cellphone ko.

"Ah sky pwede ba mahiram cellphone mo?" Sabi ko agad naman niyang kinapa ang cellphone niya at binigay sa akin.

"L-luna yung password" sabi niya kaya tinaype ko nalang.

"Bakit Luna password mo?" Tanong ko sa kaniya bago magpicture. "Ah, ewan kung name niya ba yun or nickname nung naging crush ko nung nasa state ako" sagot niya kaya tumango tango naman ako. Sinong luna yun?

I hate you, MR. PLAY BOY! || SHIM JAKETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon