Mizuki's POV
Kakatapos lang ng class namin at ready na ako pumunta ngayon kila kia.
"Luna!!"
Pagkalabas na pagkalabas ko nakita ko si kia na naglalakad na papunta sa pwesto ko, sinalubong ko naman siya para yakapin.
"Tara na" aya ko bago kami sabay na naglakad palabas ng school, hindi pa ako nagpapaalam kay dad mamaya nalang siguro hehe.
Papasok na sana kami sa car ni kia ng dumating sila sky, weylan, kenzo, gael, at mateo.
"Sasama kami sa shot niyo" sabi ni gael habang tinataas taas ang kilay, napabuntong hininga naman kami ni kia bago sila ayain na pumasok na sa car, sila mateo dadalin daw car nila para sabay sabay sila uuwi mamaya.
Habang nasa gitna kami ng traffic itong si sky kanina pa kinukulit si kenzo na umalis sa tabi ko ayaw daw niya na may tumatabi sa akin maliban sa kaniya like wtf.
"Nakakarindi kana sky" inis kong sabi sa kaniya kasi para siyang batang nakikipagtalo na pinatahimik ng nanay kaya nakasimangot.
"Siya kasi eh" mahinang sabi niya habang nakasimangot parin.
"Upuan lang yan"
Buong byahe natulog lang ako dahil sa pagod, hindi ko na alam kung anong pinaggagawa nila buong byahe ang alam ko lang nagtatawanan na sila ng huminto yung car.
Dahan dahan ko naman dinilat ang mga mata ko, napansin ko naman na nakatapat sa akin yung camera kaya mabilis kong tinakpan yung mukha.
"Ano ba?!"
Tumingin naman ako sa katabi ko buong byahe ata ako nakasandal sa balikat niya habang siya nakayakap AHHHHH!!!!!.
"SKY!!!!" sabi ko bago tanggalin ang pagkakayakap niya sa bewang ko pero habang tinatanggal ko lalo niyang hinihigpitan.
"Dito ka lang" sabi niya na parang paos.
"Nandito na tayo hoy!!" sabi ko na may bahid parin nang inis, dinilat naman niya ang mga mata sabay kinusot kusot ito na parang nasinagan ng araw ang mga mata.
"Sorry tara" sabi niya ng may pagka husky ang boses.
"Tara shot na" sabi ni kia bago ilabas ang 3.1 liter na royal may kasama pang 10 balot ng yakult.
"Kids edition ata napuntahan ko" sabi ni mateo na kunyari aalis dahil sa mga dala ni kia.
"Baliw, masarap kaya ito" sabi ni kia habang nilalapag sa lamesa ang mga drinks.
Lahat kami tahimik na pinagmamasdan si kia habang ginagayak yung mga kakainin namin, yes, may kakainin rin kami hindi pwedeng puro drinks lang.
"Kia pahiram muna damit mo papalitan ko nalang" sabi ko kay kia na agad naman niyang sinang-ayunan , dali dali ako nagbihis dahil baka mainip sila kapag nagtagal pa ako.
Nagsuot lang ako ng simpleng short and oversized t-shirt na may design na SWAG.
"Ang sexy naman natin mareng Luna" biro sa akin ni kia habang sinisiko siko ako ng mahina, sinamaan ko naman siya ng tingin bago kumuha ng tubig sa ref niya.
Habang umiinom ako papunta sa sala dahil nandun silang lahat napansin ko si sky na inaantay ako sa pinto ng kusina ni kia kaya tinignan ko siya nang punong puno ng pagtataka, nung napansin na niya ako inaayos niya ang tayo niya bago tumingin ng seryoso sa akin na lalong nagpakunot ng noo ko.
"Why?" punong puno ng pagtatakang tanong ko sa kaniya, tinuro naman niya ang short na suot ko kaya tinignan ko ito, wala naman mali or dumi ano ba meron.
"Ha?"
"Yung suot mo, ahm, wala" sabi niya bago tumalikod at naglakad palabas ng kusina, Ano daw? Ano meron sa suot ko.
Pagkaupo ko sa tabi ni kia natamaan ako sa mukha ng unan na hinagis sa akin ni sky, sinamaan ko naman siya ng tingin bago ilagay sa likod ko yung unan, tinapon naman niya uli yung isang sa akin, nilagay ko naman yun sa legs ko, tingnan ko siya uli pero tinanguan lang niya ako bago nagsalin ng coke sa baso niya.
9:00pm
Kakatapos lang namin maghapunan at nakapagdesisyon kami na magmovie marathon, papanoodin daw namin yung penthouse hindi ko alam bakit yun andaming episode nun pero why not baka worth it naman panoodin.
Niyakap ko naman ang sarili ko sa lamig habang nakasandal kay kia, hindi ko alam bakit maluha luha si kia eh hindi pa naman nakakaiyak yung pinapanood namin.
"Kia, Are you okay?"
"Yup, sorry ganto talaga ako kapag nababad sa tv medyo naluluha hehe" sabi niya bago punasan yung mata, binigyan naman niya ako ng matamis na ngiti kaya tinanguan ko siya kahit hindi ako kumbinsido.
"Want niyo snack?" tanong sa amin ni kia ng natapos ang isang episode, agad naman kaming tumango kaya tumayo at naglakad na papuntang kitchen inaayos ko naman yung upo ko dahil kanina nakasandal ako kay kia.
Napansin kong wala si Sky pati si kenzo dito sa sala pero hinayaan ko nalang yun at nakipagkwentuhan nalang kila mateo habang wala pa sila, nakita ko si sky na kakalabas lang ng kitchen at diretso sa isang kwarto pero hindi yun room ni kia.
Lumabas siya na may dalang tatlong kumot, binigay niya sa akin yung isa at binigay kala gael yung isa iniwan naman niya yung isa bago umupo sa sa kabilang side ng sofa, nasa isang side kasi ako napapagitnaan naman namin sila gael at mateo.
"Gael wag kang malikot nawawalan ako ng kumot" inis na inis na sabi ni mateo bago sipain si gael muntik nang masubsob sa akin si gael buti nalang nakahawak siya sa kamay ng sofa, natulala pa siya ng ilang segundo napalayo naman siya ng may biglang may humila sa kaniya patayo.
Tinayo siya ni sky ng buong lakas, hinarap ni sky si gael na parang nag-aaya ng away kaya tumayo ako para awatin sila umupo naman si sky sa tabi ko habang si gael natatawang tumitingin kay sky.
Sakto naman lumabas si kia na may dalang foods ka sunod naman niya si kenzo na umiigting ang panga ano kaya nangyari sa kanila dun.
"Ano nangyari bakit nakasimangot yan?" nagtatakang tanong ni Kia habang pinapasadahan kami isa isa ng tingin, binaba naman niya muna yun food bago sumiksik sa gitna namin ni sky.
Natapos na namin yung dalawang episode pero itong si sky masama parin ang timpla ng pagmumukha.
"Uuwi na kami" sabi ni Gael habang tinutulungan kami magligpit ni kia, si weylan naman naunang umuwi, umuwi siya na walang paalam basta nalang lumabas kanina.
'Hindi ka pa ba uuwi?" Tanong sa akin ni Gael.
"Dito ako matutulog, ingat kayo ha" sabi ko bago sila lumabas ng condo ni kia.
BINABASA MO ANG
I hate you, MR. PLAY BOY! || SHIM JAKE
Teen FictionThis is about a girl who fell for someone she never expected to like, she is Mizuki Wilson, the girl who will like a school playboy. Hi! This is my first ever story hope y'all support.