Chapter 24

22 2 0
                                    

Mizuki's POV

"Babe ka diyan" pagputol ko sa katahimikan kasi hanggang ngayon nakatingin pa rin siya sa ice sabay titingin sa akin.

"Tsk, kainin mo na yang ice cream" mas malamig pa sa ice cream na sabi niya sakin bago ako hilahin papunta sa pwesto nila sofie na naglalaro pa rin.

Binitawan niya yung kamay ko bago tumabi kay austine, ano ba gagawin ko kakainin ko ba itong ice cream oh ibibigay ko nalang sa iba.

"Kainin mo naX gusto mo yan diba" malamig niyang sabi sa akin na sa laro pa rin ni austine nakatingin. Tumitingin naman  sa akin si austine parang nararamdaman na niyang may mali.


-




Umupo lang ako sa isang tabi ilang oras rin ang nakalipas yung ice cream binigay ko nalang dun sa iba nag cellphone nalang ako sa isang tabi.

Sila austine at sofie naman ayun naglalaro pa rin mamaya maya uuwi na rin kami malapit na kasi mag 11.

"Hello miss"

Napatingala naman ako ng may kumausap na naman sa akin.


"Kumain ka na ba?" Tanong niya sa akin na parang wala na siya ibang masabi, tinignan ko lang siya nang nagtataka kasi ang weird niya.


"Bro, girlfriend ko yan" biglang singit ni sky sabay tapik sa braso nung lalaki tumango tango naman ito bago mabilis na umalis.


"Takte, isang isa nalang ibubulsa na kita" sabi niya sa akin bago ako inalalayan tumayo, kanina pa pala sila tapos ako nalang yung inaantay nila.

Lumabas na kami sa arcade at hanggang ngayon hawak hawak niya pa rin ako at tuwing pinipilit kong tanggalin yung pagkakahawak niya sinasamaan niya agad ako ng tingin.


"Ate please bili na tayo cellphone ko promise gagamitin ko lang siya kapag done na ako sa schoolworks ko" sabi ni sofie.

"Promise?" Tanong ko sa kaniya mabilis naman siyang tumango kaya tumango nalang ako bago niya ako hilahin.

Pagkapasok namin sa store namili agad si sofie ng cellphone habang ako nag-aantay lang sa kaniya makapili.


"Ate, lalabas lang ako ha" paalam ni austine sa akin may sasagutin atang tawag. "Ate, I want this oh" turo ni sofie sa latest cellphone nila kaya tumango nalang ako bago lumapit.

"Here" sabi ko sabay bigay ng card ko kinuha naman agad iyon. "Ate, may pera ako" sabi ni sofie sa akin sabay labas na naman nang wallet niya.

"Okay na basta yung promise ha" sabi ko sa kaniya na agad naman siyang tumango na nakangiti.

"Here ma'am, thank you po" sabi nung lalaki kaya kinuha ko na yung paper bag bago hawakan si sofie sa kamay.

"Wait, Mizuki?" Napalingon naman ako sa lalaking nagbigay sa akin nung paper bag. "Hindi mo ba ako natatandaan?" Tanong niya sa akin.

"Jasper Ortuja?" Tanong ko sa kaniya na agad naman siyang tumango tango bago ibuka ang kamay niya na binibigyan ako ng signal para yakapin siya. Yayakap na sana ako ng mabilis akong hilahin ni sky palapit sa kaniya.

"Ano?!" Nagtataka kong tanong kay sky bago muling tumingin kay Jasper. "Nako kuya wag ka mag-alala hindi babae gusto ko, ang gwapo ay para lang sa gwapo" sabi ni Jasper bago ako hilahin payakap sa kaniya.

"Kahit na" sabi ni sky bago ako hilahin na naman sa pagkakayap kay Jasper. "Nako sis seloso ang jowabels mo" natatawang sabi ni Jasper bago kami ihatid sa entrance ng store nila.

"A-ah hindi ko siya boyf----- "

"Alis na kami" putol ni sky sa sa sabihin ko bago kami hilahin ni sofie paalis habang si austine nakasunod lang sa amin.

"Ate, ang linaw nung camera, omg!" tuwang tuwang sabi ni sofie. Ngumiti naman ako bago siya suotan ng seatbelt.

"Austine, yung seatbelt mo" paalala ko kay austine na agad naman niyang sinunod. Buong byahe tahimik lang kami si austine natutulog si sofie naman nagddownload nang mga games.




-


"Bye kuya sky, goodnight po" sabi ni Sofie bago pumasan kay Austie na iwan naman kaming dalawa ni sky dito sa parking ng bahay na walang kibuan.

"Ahm, papasok na ko ingat sa pagd-drive" paalam ko bago tumalikod. "Nakakabaliw" rinig kong sabi ni sky bago pinaharurot yung sasakyan niya paalis.


-


"Austine!.... Austine!..." tawag ko kay austine na patuloy pa rin ang pagkatok. "Oh Why?" Taka niyang tanong sa akin pagkapasok ko sa kwarto niya.


"Live ka sa tiktok?" Tanong ko sa kaniya tumango naman siya bago humarap sa live niya.  "Hi guys this is my ate... Ate, come here" pakilala ni austine sa akin kaya lumapit naman ako para mag-hi.

"Oh" sabi ko sa kaniya bago ibigay yung limang channel na paper bag kinuha naman niya yun bago pinatong sa table niya.

"Mine yung nagbigay ng channel" basa ni austine sa comment pero umiling lang si austine  bago kunin yung gitara niya.

"I'm sorry pero my ate's standard are really really high" sagot ni austine sa comment, mahina naman akong natawa bago lumabas ng kwarto ni austine.

Pagbalik ko naman ng kwarto para kunin yung cellphone ko nagpop agad yung mga message sa akin ni austine kanina kanina lang.

New message:

From: Austine

Ate, ano username mo sa tiktok lahat sila tinatanong ako.

Seen.

To: Austine

miz_uq

Sent.


Pagkasend ko naman nung message ko parang sasabog na cellphone ko sa sunod sunod na notif sa tiktok ko.

Shan and 1k others started following you.

What!!! Bakit andami agad OMG.

From: Austine

Ate, magpost ka naman daw nagmumukhang dummy acc.

Seen.

To: Austine

nakakawala ng angas, joke.

Sent

Bahala sila bukas ko na sila iisipin.

Pabagsak naman akong humiga sa kama ko bago tumingin uli sa sunod sunod na notif sa akin.

W-wait...


Sky_M started following you.

I hate you, MR. PLAY BOY! || SHIM JAKETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon