Chapter 14

31 4 6
                                    

Mizuki' POV

Lesson learned kailangan muna alamin kung may jowa o wala para hindi masaktan parang kanina lang ang ganda ng umaga ko ngayon kanina pa ako umiiyak nakakahiya na.



"Okay kana ba?" Tanong sa akin ni Kia pero yung itsura niya para siyang natatawa, nahihirapan ako medyo dumilat dahil maga na mata ko kalaiyak.

"Luna!" malakas na tawag sa akin ni Kenzo lumingon naman ako sa kaniya na sobra ang pagtataka, marami siyang pasa at mga sugat.

"Can we talk? just the two of us" sabi niya na nakatingin kay Kia kahit medyo nalulutang na ako sa nangyayari tumango nalang ko at nagpaalam kay Kia na babalik rin ako.

Pumunta kami sa garden para mag-usap.


"Ano yung pag-uusapan natin?" Tanong ko sa kaniya bago umupo sa bench. "Bakit maga yung mga mata mo? Umiyak ka ba? Sino nagpaiyak sayo?" Sunod sunod niyang tanong, hindi manlang sinagot ang tanong ko.

"Wag mo ibahin sabihin mo nalang kung ano pag-uusapan natin" sabi ko na nafefeel na ang pagka-awkward.

"Ah...........Gusto kita" ulit niya sa sinabi niya na nakatingin sa gilid ko.

"Sorry, hindi kita gusto kung pwede lang tigilan mo na ito sinasaktan mo lang sarili mo pati si kia" seryoso kong sabi sa kanya, tumalikod ako at magsisimula na sana maglakad.

"Wala akong pake sa feelings niya, stop being selfless Luna" sabi niya habang nakatalikod pa rin ako.

"Pero may pake ako sa feelings ni kia, Kenzo it's okay to be selfless than hurt kia, I hope you can also be selfless for kia, she's too good for you" sabi ko bago ipagpatuloy ang pag-alis.


For kia I will be selfless.



"Luna" tawag ni kia sa akin nang nakabalik na ako, nakaupo na siya ngayon sa damuhan. "Sorry natagalan ako" sabi ko basiya tulungan tumayo.

Nako okay lang.

"Bye see you tomorrow nalang" paalam ni kia sa akin kumaway naman ako bilang paalam bago isara ang window ng car.


-




"Dad.... Daddd? Daaaadddyyy!" tawag ko kay dad pagkabukas ko ng front door.

"Oh sweetheart you came home, how was your day?" Tanong sa akin ni dad na kakalabas lang galing dining room.

"Hurry up and change your clothes because the martinez family is here" sabi ni dad habang pilit akong tinutulak paakyat ng hagdanan.

"Why are they here dad?" Taka kong tanong kay dad.

"Basta bilisan mo they are already waiting for you" sabi ni dad bago ako itulak pa pasok  ng room ko.

Nagsuot ako ng dress medyo fitted siya so kitang kita ang hubog ng aking katawan, pagkatapos ko magblower napagpasyahan ko na bumaba na baka magalit na si dad.

"Tagal mo naman" bulong sa akin ni dad. Hehe. Tumayo naman ako para batiin ang mga Martinez.

"Good evening po" magalang kong sabi bago makipagyakapan kay Mrs. Martinez at kay Mr. Martinez, pilit naman ako yumakap kay sky takte ayaw pa ako bitiwan nito sa pagkakayakap niya sa akin kanina pa kasi ako bumitaw sa pagkakayakap sa kaniya nanttrip na naman.

"Sky" bulong ko na may pagbabanta kay sky, mahina naman siyang tumawa bago ako bitawan, sinalubong ko siya ng masamang tingin bago ngumiti Kila Mrs at kay Mr Martinez na parang walang nangyari.


"Bagay na bagay talaga silang dalawa diba Mr, Wilson" sabi nung mom ni sky, bagay daw Edi wow.

"SYEMPRE naman mom diba, Luna?" pagsang- ayon ni sky na parang nanttrip lang, lahat naman sila tumingin sa akin hinihintay nila ang magiging sagot ko.

"O-oo naman pero wala pa sa isipan ko yung ganyang bagay" awkward akong tumawa bago nilagok ang isang basong tubig.


Sabay naman silang tumawa pero kaming dalawa ni sky nag-aasaran gamit ang mga mata namin yari siya sa akin bukas takte siya ha.

"Luna iikot mo muna si sky sa bahay natin at may pag-uusapan lang kami" sabi sa akin ni dad bago kami itulak ni sky palabas ng dining room.

"Saan tayo magsisimula MISIS Martinez" sabi niya habang nakangisi, inirapan ko naman sky bago naglakad papuntang kitchen.

"Ito yung kitchen" bored kong pa kilala sa kitchen namin tuwang tuwa naman siyang umupo sa chair ng counter idk ano tawag dun basta dun.

"Saan tayo sunod" tanong niya habang nakasunod sa akin. "Garden" walang ganang sabi ko habang nakaturo sa garden.

"Wow! andaming lights ang ganda" sabi niya na may ningning sa mata, para siyang bata na nakakuha ng gift na pinapangarap niya.


Tumingin naman siya sa akin at may binulong gusto ko man itanong kung ano ang binulong niya pero tulog ang marites na kaluluwa ko.


"Pwede ba tayo magstay rito kahit saglit?" tanong niya sa kin kaya tumango tango naman ako bago umupo sa damuhan, maling decision na nagsuot ako nito ang hirap umupo.


"Here ilagay mo sa legs mo" sabi niya sabay bigay ng jacket niya sa akin.

"S-salamat."


"Picture tayo" sabi niya sabay labas ng cellphone niya, sa una nahihiyang ngumiti ako pero habang patagal ng patagal nasasayahan na akong nakasama siya.


"Andami ko naman epic na pictures" reklamo ko habang tinitignan ang sinend niyang picture sa messenger ko.


"Ang cute kaya" komento niya habang pinipicturan pa rin pala ako kanina pa.


"Stop!" Sabi ko habang tinatakpan ang mukha ko. "Okay okay" sabi niya bago ibaba ng cellphone niya.

"Patingin nga" pangungulit ko na pilit tinitignan yung nasa cellphone niya, tinaas naman niya ang kamay niya kaya tumayo ako pero mabilis siyang tumayo napatid siya sa paa ko kaya sabay kaming napadausdos sa lapag, ako yung nasa ibabaw habang nakahawak siya sa bewang ko.


"A-ah s-sorry" nahihiyang sabi ko na hindi kayang tumingin sa kaniya.


Tumayo siyang nakahawak sa balakang niya at hirap na hirap dumaretso nang tayo.


"Okay ka lang ba?" Nag-aala kong tanong sa kaniya.


"Ang bigat mo pala" sabi niya habang pilit na tumatawa pero napapalitan ito ng ngiwi.


"Sure ka? alalayan nalang kita" sabi ko bago lumapit sa kaniya, nilagay naman niya ang kamay niya sa balikat ko, nilagay ko ang kamay ko sa bewang niya bilang suporta. Napansin kong namula ang tenga niya kaya sinundot ko ito at mahinang tumawa.


"Omg anong nangyari?" nag-aalalang tanong sa amin nung mom ni sky. "Nadapa lang mom hehe" sabi niya at binigyan ako nang makahulugan na tingin.



I hate you, MR. PLAY BOY! || SHIM JAKETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon