Chapter 17

19 2 0
                                    

Mizuki's POV

Gumising akong sobrang sakit ng ulo pero hindi ko nalang ito pinansin at dumaretso nalang sa cr para maligo, after 1 hour lumabas na ako ng kwarto para pumasok, pagkabukas ko naman ng pinto napansin ko ang limang pirasong chocolate na nakasabit sa door knob ko luminga linga ako at napansin ko si sofie yung step sister ko.



"Ate sorry kung nasabi ko kay dad na sinarhan mo ako ng door sorry ate" sabi niya habang nakayuko na sa harap ko.


"Okay" tipid kong sagot bago maglakad palabas ng pinto ko. "Ate!" Tawag niya sa akin pero hindi ko iyon pinansin at tuloy tuloy lang ang pagbaba sa hagdanan.

"Ah Good Morning po" sabi sa akin ng 15 years old kong step brother si Austine. "Morning" tipid kong bati bago kumuha ng isang pirasong bread sabay naglakad palabas hindi ko pinansin si dad kahit Alam kong nandun rin siya sa kitchen kasama yung step mom ko si Veronica.


Nakakainis lang din si dad kasi hindi manlang niya naisip na irespeto ako.


Pagkapasok ko ng gate kitang kita mo ang mahabang pila mula sa classroom namin hindi ko alam bakit parang sobrang haba ng pila. Tumakbo naman ako papuntang room namin pagkapasok ko nkita ko agad sila sky at mga kaibigan niya na kumakain kaya siguro maraming nakapila.


"Good morning Luna" sigaw na bati sa akin ni pres kaya agad akong kumaway, back to work haha.


Pagkatayo ko s pwesto ko marami agad lumipat para pumila sa akin. "Ano sa iyon?" tanong ko habang nagsusulat ng mga name at design na napili ng naunang omorder sa akin.


"Ikaw pwede ba" napatingin naman agad ako kay sky na nakapila rin pala sa akin kanina pa. "Bawal ako sa panget" sagot ko bago siya inastahan na umalis at wala na ako sa mood makipag-usap sa kaniya.


Rinig ko naman ang mahinang bungisngisan nila Gael kaya inis siyang lumingon doon at pinatahimik.


"Ah kaya pala bawal rin ako sayo sorry subok lang" sabi nanaman niya kaya tinaasan ko siya ng kilay at pinamewangan.


"Hindi ako panget talagang Malabo lang yang mata mo kakanood mo nang kung ano ano" inis kong sagot.


"Buti nalang Malabo mata ko" sabi niya bago bumalik sa upuan niya kanina, bwiset na yan ang aga aga nang-iinis. Ngumiti naman agad ako sa sunod na costumer na parang walang nangyari bago kunin ang order niya.


Ilang oras ako gumagawa ng design at nagkukuha ng order ngayong nagsara na kami, ngayon ko lang naramdaman yung pagod pati ang sakit ng katawan.


Pagkauwi ko naman nadatnan ko nanaman na nagkakantahan sila dad sobrang saya nila na wala ako.


Dumaretso nalang ako naglakad papuntang hagdanan pero napatigil lang ako nang tawagin ako ni dad. "Mizuki kumain ka na ba?" Tanong niya sa akin pero Hindi ko iyon pinansin at tuloy tuloy nalang uling umakyat.

Pagkapasok ko naman ng room ko hinayaan kong bumagsak ang katawan ko sa kama, ang araw na ito ay hindi sa tingin ko ang linggong ito ay papagurin ako.


Pagkatayo ko naman saktong may kumatok kaya tamad kong binuksan yung pinto. "Ano nanaman ba?!" May halong inis na tanong ko kay Sofie.


"Here ate oh binake namin ni mom pinagtirhan kita" masaya niyang sabi sa akin. "Ayoko niyan" matigas kong sabi bago padabog na sinara ang pinto. Napakasama kong tignan ngayon.

Habang nags-scroll ako sa fb may malakas na kumatok sa kwarto ko kay inis akong tumayo para tignan kung Sino yon.


"Bakit dad?" Taka kong tanong pero malakas na sampal ang sumalubong sa akin.


"Pinalaki ba kita na ganyan!! Paano mo nagawang paiyakin ang bunso mong kapatid gusto lang naman niyang maging close kayo!!" Inis na sigaw sa akin ni dad habang ako ay tulala parin sa pagkakasampal niya.


"Hon wag mo saktan ang bata" rinig ko uling sabi nung step mom ko na pinipigilan si dad n makalapit sa kin.

"Daddy wag niyo po saktan si ate" rinig kong sabi ni Sofie na kanina pa umiiyak. "Dad."

Tumingin lang ako kay dad nang nakangiti siguro nga kinalimutan na niya kami ni mom. Pumasok ako ng kwarto ko kahit tinawag parin ako ni dad kinuha ko ang mga gamit ko sa maleta ko may naipon naman ako kahit konti kaya pwede na iyon pangkain at nakabili na rin naman na akong ng apartment secretly kaya doon na muna ako mags-stay.

"Mizuki Wilson!!" Malakas na sigaw ni dad habang pababa ako nang hagdanan habang dala ko ang maleta ko.



"Saan ka pupunta sa gantong oras?" Inis niyang tanong sa akin na nagtitimping saktan ako, Hindi na siya si dad.

"Malayo sainyo".

"Manong pakibalik sa kwarto niya ang maleta niya" utos ni dad lay manong kahit nag-aalinlangan si manong binuhat niya ito pabalik.

"No!" Sagot ko habang pinipigilan si manong.

"Mizuki Wilson" dumagundong ang sigaw ni dad sa buong bahay. "You are grounded for a week no cellphone, wala kang magiging allowance, at maglakad ka papasok ng school mo" sigaw ni dad sa harap ko, nakakabinging katahimikan.


"Go! Diyan naman po kayo sasaya right Ms. Veronica" sarcastic kong sabi na nakatingin sa step mom ko, malakas naman uli akong sinampal ni dad kaya napaupo ako sa sahig sa sobrang lakas.

Nagkaroon ng dugo sa labi ko kaya pinunasan ko iyon bago tumayo. "Shit! Bakit Hindi ko kayang magalit sayo dad nagagalit na ako sa sarili ko ngayon kung bakit" sabi ko habang umiiyak na.

"Naiinis ako sa inyo tuwing nakikita ko kayo na parang napakasayang pamilya, naiinis ako sa mga ANAK mo sa kabila tuwing nakikita kong masaya silang may kasamang dad and mom habang ako nawalan na nga ng mom nawalan pa nang dad dahil sa kanila lahat nalang lahat nalang kinukuha sa akin nang walang hirap" punong punong sabi ko sa kanila, lahat sila nakatingin lang sa akin maski mga yaya namin nakikita ang eksena namin ngayon.


"Naiinis ako tuwing nakikita ko kayong masaya habang ako wala hindi niyo manlang dad naisip kung okay lang sa akin na dito sila tumira feeling ko tuloy ngayon ako yung anak sa labas" sabi ko na nakatingin na mismo kay dad, sinagot na naman niya ako nang sampal pero ngayon mas malakas na pero hindi ko na ramdam sa sobrang manhid na nang pisngi ko.

"Sorry po" paumanhin ko sa lahat bago tumakbo pabalik sa room ko. Ayoko na makita nila akong mahina.

Umiyak lang ako ng umuyak sa kwarto ko sobrang sakit na hindi ko na kayang makahinga sa ilang oras ko kakaiyak.

I hate you, MR. PLAY BOY! || SHIM JAKETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon