Mizuki's POVNandito na kami sa BGC at hanggang ngayon kinukulit ako ni sofie about sa cellphone.
"Ate please I have money naman eh, wait here oh PHP 70,000" sabi niya bago ipakita sa akin yung dalawang wallet niya na punong puno ng isang libo like mas marami pa laman ng wallet niya kaysa sa akin.
"Paano ka nagkaroon ng ganyang kalaking pera?" Gulat kong tanong sa kaniya bago ipabalik sa bag niya, tumingin naman ako kay austine.
"Just like you, may sarili rin kaming company" sabi ni austine kaya napanganga nalang ako.
"O-okay pero sofie hindi pa rin pwede even you have money hindi pa rin pwede bumili ka nalang ng something na mas maganda sa cellphone" sabi ko bago hawakan siya sa kamay baka kasi mawala.
"C'mon, ate" panghihimutok sa akin ni sofie pero inilingan ko lang siya pumasok kami sa isang store medyo mura lang dito 2k+ sa isang cute na bimpo at syempre binili ko yun.
"Why did you buy that?" Tanong sa akin ni sky na parang mahal na mahal sa maliit na bimpong binili ko.
"Bakit ba eh gusto ko eh" mataray kong sagot bago kuhain yung paper bag ko, hinihintay nalang namin sila austine na namimili ng mga damit.
"Ate" masiglang tawag sa akin ni sofie bago ipakita sa akin yung cart niya na punong puno nang mga damit habang si austine na istock na sa mga babaeng lumalapit sa kaniya.
Nakipagsiksikan ako roon para lang alisin roon si austine. "Ate pa picture lang sa kaniya fans niya po kami sa tiktok" tawag sa akin nung isang babae kaya tumingin ako kay austine bago tuloy tuloy na pumunta kila sky.
"Are you okay?" Tanong ko kay austine habang tinitignan kung may sugat ba siya kasi hinihila hila siya dun. "Yep okay lang ako" sagot niya bago ibigay sa cashier lady yung pinamili nila.
Nilabas ko yung card ko kasi ako ang gustong bumili rito.
"Ate, bili tayo ice cream" sabi ni austine sa akin habang busy pa rin sa cellphone niya si sofie naman nakapiggy back lang kay sky.
-
Pumunta kami sa isang ice cream house pinapili ko sila kung anong want nila sabi ni sofie ayaw daw niya sa sweets titikim lang daw siya sa kuya niya, si austine naman isang strawberry ice cream at dalawang mango ice cream, at ako naman ganun rin katulad kay austine, si sky? Hayaan mo siya, EME.
"Ate, hindi mo ba tatanungin si kuya sky kung ano gusto niyang ice cream?" Tanong ni austine sa akin habang punong puno ng ice cream ang bibig.
"Hmm.... Ano gusto mo?" awkward kong tanong sa kaniya ngumiti naman si sky ng malapad bago ngumisi. "Ikaw" sagot niya narinig ko naman yung pagkabilaok ni austine habang si sofie namimilipit na sa kilig.
"H-ha" na sagot ko nalang, sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko. "Wala kayo nalang ayoko rin sa sweets" sagot niya na pilit hindi tumawa.
"O-okay" sabi ko bago sunod sunod na sumubo ng ice cream, mamaya maya napansin kong nakatingin lang sa akin si sky kaya nainsecure ako ng unti kaya dinahan dahan ko nalang ang pagkain.
Mahina naman siyang tumawa bago tumayo na may hawak na tissue bago pinunasan yung gilid nang labi ko, naistatwa naman ako ng ilang segundo bago ako nakabalik sa ulirat.
"T-tapos na ba kayo?" Pag-iiba ko ng atmosphere kaya tumango silang dalawa pero halata sa itsura at ngiti nila nang-aasar sila.
Pagkatapos ko magbayad pumunta kami sa isang arcade hinayaan ko na silang dalawa na magpaikot ikot kung saan saan kasi nakita ko ba yung dalawa naming bodyguard sa harap ng arcade.
Dumaretso ako sa isang motor sumakay ako run tapos ayun hindi ako yung highest score nabangga kasi agad ako. Napatingin naman ako kay sky ng umubo siya, tinignan ko siya ng puno nang pagtataka kasi nakabantay lang siya sa likod ko.
"Bumaba ka na nga diyan" may inis na sabi niya bago ako buhatin pababa, ano bang ginagawa niya? Ambilis tuloy nang tibok ng puso ko.
"Halatang halata yung ass mo dun" inis niyang bulong sa akin kaya napatingin naman ako sa mga tao na nakatingin sa pwesto namin.
"Ah okay" awkward kong sagot bago siya itulak palayo kaya ramdam ko pa rin yung hininga niya sa leeg ko.
Habang naglalakad ako papuntang ibang laro ramdam ko pa rin si sky sa likod ko pero hinayaan ko nalang siya. Napili ko yung basketball naghulog lang ako ng two token.
Sa minuto kong naglalaro napatingin NA NAMAN kay sky na ngayon ay nasa gilid ko na naglalaro na rin. Tumingin naman ako sa likodan niya pati gilid ayun puro babae.
Halata naman na pineflex niya yung braso niya kaya maririnig mo yung mahinang bungisngisan. Kahit kakahulog ko lang uli ng token umalis na ako dun bago pumunta sa iba para manood lang.
Unang napansin ko yung lalaking naglalaro nung claw machine bawat makuha niyang toy binibigay niya sa babae tapos pagbigay niya pinapaalis na rin niya.
Wala naman akong balak na humingi pa ng ganun kasi okay na sa akin yung apat kong stuff toy. Nanood lang ako sa paggalaw niya nung stick gusto ko kasing matuto.
Tumingkayad pa ako kasi parami na sila ng parami.
"Ikaw" Turo niya sa pwesto ko kaya tingin sa likod sabay turo sa sarili. "Yes, you" natatawa niyang sabi kaya lumapit ako, medyo na awkward pa ako kasi napansin kong natulala pa siya.
"Ano gusto mo dito?" tanong niya sa akin pero umiling lang ako ang pangit kasi nung stuff toy. "Wala how about ice cream ayun oh" sabi niya sabay turo run sa claw machine na ang laman ay magnum ice cream.
Mabilis naman akong tumango. "Pero kapag nakakuha ako ng 5 ice cream pwede ko ba kunin ang number mo?" Tanong niya sa akin kaya dahan dahan akong tumango bibigay ko sa kaniya number ng driver ko.
Isa
Dalawa
Tatlo
Apat
Maghuhulog na sana siya nang isang token nang may naramdaman akong humawak sa bewang ko. "Saan kaba nagpupupunta, babe?" malambing na tanong sa akin ni sky bago tumingin nang masama dun sa lalaki.
"H-ha" naguguluhan kong tanong habang nakatingin pa rin kay sky. "Ay may bf pala pero pwede pa naman agawin hindi pa naman kasal" sabi nung lalaki bago ibigay sa akin yung limang ice cream bago nakipagtitigan kay sky.
"Good luck, pre" sabi nung lalaki bago pabanggang nilagpasan si sky, agad naman sumunod yung mga babae dun sa lalaki may ibang naiwan pero wala dun ang atensyon ni sky ang atensyon niya ay nandun sa ice cream na hawak mo.
BINABASA MO ANG
I hate you, MR. PLAY BOY! || SHIM JAKE
Teen FictionThis is about a girl who fell for someone she never expected to like, she is Mizuki Wilson, the girl who will like a school playboy. Hi! This is my first ever story hope y'all support.