Chapter 13

26 2 0
                                    

Kia's POV

Ang sakit, ang sakit makitang umamin yung gusto mo sa kaibigan mo, alam kong walang feeling si Luna kay kenzo pero hindi ko maiwasan na maiinggit na sana ako siya, kung anong feeling maging perfect, anong feeling magustuhan nang lahat, unting unti nalang magiging perfect na siya, maganda, matalino lahat ata nang magandang bagay nasa kaniya na. At ang alam ko masaya ako dun sa kaniya pero ngayon bakit ko nararamdaman yung inggit?

Ang sakit lang talaga, Paano naman ako inantay ko ang araw na aamin siya pero ang inaantay ko pala ang pag-amin niya sa kaibigan ko.

Siguro naman deserve kong mahalin, I couldn’t help but envy her.

"Kia" nag-aalala niyang tawag sa akin, hanggang ngayon inaantay pa rin ni Kenzo ang magiging sagot niya. Gusto kong tumakbo palayo, gusto kong magalit kay Luna pero hindi ko kaya.


"I'm sorry Kenzo but I don't want to have dinner with you, I don't have time for that " seryoso niyang tinignan si kenzo bago ako hilahin paalis.



"I'm sorry kia, Sorry wag kana umiyak" mangiyak ngiyak niyang pagpapatahan sa akin, kanina pa pala ako umiiyak Hindi ko napansin iyon.



"Sorry" ulit niya.


"I'm okay Luna" sabi ko bago hawakan ang dalawa niyang kamay na kanina pa pinupunas ang mga luhang tumutulo sa pisngi ko.


"No. You don't look okay" mangiyak ngiyak niyang sabi para siyang bata kung umiyak, maganda siya kapag hindi umiiyak, cute naman siya kapag umiiyak ganyan ka unfair ang mundo.


"Nakakainis sila" sabi niya bago umiyak, na tawa naman akong tumingin sa kaniya kaya lalo siyang umiyak.


"Tumatawa ka pa nasaktan na nga kita" mangiyak ngiyak niyang sabi sa akin habang mahinang pinapalo ang braso ko.


"Bakit kayo umiiyak?" natatawang tanong sa amin ni Weylan siguro wala pa siyang alam wala kasi siya kanina. Para kasi kaming tanga rito ni Luna tawa iyak lang ang peg.


"Si kia kasi umiiyak" sumbong niya na parang bata, na tawa naman kami ng sabay ni Weylan dahil sa itsura ni Luna parang lahat ng problema sinasalo niya.


"Baby!!" tawag nung babaeng papalapit kay Weylan, tumigil naman si Luna s pag-iyak nung makita niya yung babae, maganda yung babae halatang may korte ang katawan.



"Oh, Ah, Kia and Luna my girlfriend Shantal" masayang pagpakilala sa amin ni Weylan sa girlfriend niya, lumakas naman ang iyak ni Luna bago niyakap yung babae.




"S-Shantal Alag-gaan m-mo yan h-ha" humihikbing sabi ni Luna habang nasa gitna pa rin nang pag-iyak ano pa ba iniiyak neto.

Pero ang alam ko mga type ni Luna yung mga mahihilig sa libro, parang si Weylan. Pag-alis naman nila Weylan umiiyak na naman si Luna ano ba problema neto.

"Kia may jowa na pala si Weylan eh crush ko nga siya" sabi niya bago umiyak na naman, maraming tao na ang tumingin sa amin minsan may binubulong.

Parehas pala kami ngayon at least si Luna may nagkakagusto eh sa akin wala kaya nga ako na ang humahabol eh.


Hirap maging pangit Gosh.


"Kain na tayo Kia nagugutom na ako" sabi niya na patuloy pa rin ang paghikbi. "N-nasaan yung cake na binigay sayo?"


"Tinapon ko, sayang nga eh pero nag sorry naman ako kay Lord" sabi niya na pilit na itigil ang pag-iyak, may ganyang side si Luna minsan napakacold niya minsan para siyang bata pero sa akin lang niya madalas ipakita para ko nga siyang little sister eh.


"Ikaw talaga tara na nga" Aya ko sa kaniya habang marahan na tinatapik yung likod niya, Hindi ko kayang magalit sa kaniya dahil napakabait niyang kaibigan sa akin kahit kailan hindi niya ako binackstab, lagi siyang nandyan tuwing kailangan ko siya.

"Kia, okay kana ba?" sabi niya habang humihikbi pa rin, halata sa itsura niya na sobra siyang nag-aalala sa feelings ko. Tinanguan ko naman siya bago siya painumin ng tubig na agad naman niyang ininom.


"Ano gusto mo? Lilibre kita kasi pinaiyak kita" sabi niya na may halong parang sinok nakalimutan ko kung anong tawag don.


"Hindi ako gutom, ikaw may ioorder ka ba? Order kana." Sagot ko habang tinatapik siya sa likod.


"Sure ka?" Sabi niya na parang hindi naniniwala sa akin, sa totoo lang wala along ganang kumain.


"Oo nga" sabi na may malambing na tono para kasing iiyak na naman siya.


"Oh, hi kakain kayo?" Tanong sa amin nung gf ni Weylan pero hindi niya kasama si weylan.

"Malamang hindi ba halata" mahinang bulong ni Luna pero alam kong rinig iyon ng gf ni Weylan.



"Ah haha oo nga naman" awkward itong tumawa, ngayon ko lang napansin na hindi siya dito nag-aaral parang nagvisit lang siya rito.

"Ow nandito rin pala kayo" masayang sabi ni Weylan nang makatabi niya na si Shantal.


Umupo sila sa harap na upuan namin ng walang manlang permiso namin, idk bakit napakafeeling close nila samin parang dati lang para silang takot sa magagandang tao katulad namin ni Luna.

"Nag-order na ba kayo?" Mahinhin na tanong sa amin ni shantal ang awkward naman niya kasama. "Hindi pa" awkward kong sagot tumingin naman ako kay Luna para siyang iiyak anytime.


"Bro, what's up?" biglang singit nila sky pero nasaan si Kenzo, ay ewan dapat hindi mo na siya isipin ang maganda ay para lang sa maganda joke.


"Oy what's up unggoy" bati sa kaniya ni sky bago guluhin ang buhok ni Luna ng paulit ulit, habang patagal ng patagal bumigay na si Luna kanina pa ata siya nagtitimpi na wag umiyak.

"Ang pangit mo" sabi niya na patuloy pa rin ang pag-iyak naistatwa naman si sky para siyang kinakabahan na ewan.

"Oh sorry na wag ka na umiyak baka pagalitan tayo ng teacher" pagpapatahan niya kay Luna na lalong na iyak.

"Don't cry na" malambing na sabi ni sky ng yakapin niya biglaan si Luna, lahat kami natulala nalang sa nangyayari may nabubuong libag charot baka totoo nga yun enemy to lover.


"Kia" sabi niya nung naka wala na siya s pagkakayap ni sky sa kaniya. "Lumayo ka nga sakin antapang ng pabango mo" inis na sabi ni Luna na pinipigil na wag umiyak.


Mahinang tumawa si sky bago umupo sa harapan namin. "Shantal?" Sabi ni sky na parang hindi mapakaniwala pero agad naman siyang umiwas nang tingin kay shantal at itinuon uli ang tingin kay Luna na paulit ulit na pinupunasan na parang bata ang mata niya.

I hate you, MR. PLAY BOY! || SHIM JAKETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon