Mizuki's POV
2 days na ang nakakalipas, 2 days na rin kaming hindi nagpapansinan ni dad. Naglalakad ako ngayon papuntang school ko, ngayong araw na ang test namin kaya mas inagahan ko ang paggising.
"Luna" malakas na tawag sa akin ni kia pagkapasok ko palang sa gate kaya binago ko ang pagiging malamig ko at ngumiti ako sa kaniya na napakatamis at kinawayan.
"Good morning" masaya kong sabi sa kaniya bago siya akbayan yep mas pandak kasi si kia sa akin. "Kumain kana?" Tanong ni sa akin habang naglalakad kami papuntang room, umiling naman ako kahit gutom na talaga ako need ko magtipid.
"Sure ka? Tara na nga" sabi niya bago ako hilahin papuntang canteen. "Libre ko" sabi niya bago ibaba sa akin yung dalawang burger at ice cream.
Tumingin naman ako sa kaniya bago ngumiti, napakaswerte ko talaga sa kaniya.
"Hindi mo kailangan magsinungaling sa akin alam ko ang nangyayari sa house niyo" sabi niya na may worried na ekspresyon.
Maluha luha akong kumagat sa burger ko si kia kasi pinapaiyak ako. "Oh bakit ka umiiyak"? Nag-aalalang tanong sa akin ni kia bago ako yakapin at tinatapik tapik ang likod ko.
"Kaya mo yan Luna dito lang me, okay". Sabi niya habang pinapatahan pa rin ako. "Thank you talaga kia" sabi ko habang umiiyak na ngumunguya.
"Kumain ka na di yan" sabi niya bago tumalikod na umupo alam kong umiiyak na rin siya dahil sa paggalaw ng balikat niya ayaw lang niya ipakita.
"Yes ma'am" sabi ko bago ipagpatuloy ang pagkain ko na patuloy pa rin ang pag-iyak, para kaming tanga ritong umiiyak sa canteen.
Pagkalabas naman namin ng canteen makikita mo sa malayo si sky na kausap si Ashley habang nakahawak sa necktie niya parang inaakit si sky.
Naglakad lang kami ng diretso ni kia para hindi nila mapansin.
Sa loob ng 5 hours natapos ko na lahat agad ng test ko puro essay lang naman tungkol lang naman sa natutunan ko sa isang linggong booth.
Lumabas ako mag-isa dahil hindi parin Tapos si kia gusto ko man tulungan siya sa isang essay pero may prof kaming nakamasid.
Nag-ikot ikot lang ako at nakita ko nalang ang sarili kong nakaupo sa ugat ng puno, nasa garden ako ng school, nakakamiss yung mga araw na napakaclose namin ni dad, nung 6 years old ako nagt-tea party kami sa garden habang nakasuot si dad nang apron bilang dress niya.
Naglalaro kami ng tagu taguan sobrang Saya ko nun tuwing nakakapagbonding kami, sabay kaming nagsisimba tapos pagkatapos magsimba bibili kami ng sampaguita at bubuhatin niya ako para masuot ko sa Santo Niño yung sampaguita.
Ang mga araw na iyon ay sobrang labo na mangyari ngayon. Kung pwede lang bumalik sa nakaraan mas gugustuhin kong bumalik.
"Bakit ka umiiyak di yan?" Tanong sa akin ni sky, napadilat naman agad ako bago punasan ang hindi ko inaasahan mga luhang tumutulo sa pisngi ko.
"Wala" sabi ko bago tumayo at pag pagan ang palda ko, aalis na sana ako nang pigilan ako ni sky at hinila ako uli paupo sa tabi niya.
"Dito ka muna wala ako kasama" sabi niya na may malambing na boses habang nakatingin sa mga ibon na dumadapo sa mga upuan.
Yumuko naman ako at pinatong ang ulo ko sa tuhod at nagsimulang umiyak nang tahimik na naman.
Habang umiiyak ako naramdaman ko ang kamay na tinatapik tapik nang mahina ang likod ko.
Ilang oras ako umiyak nilabas ko ng lahat ng sakit na nakaloob sa puso ko habang si sky tinatapik tapik parin ang likod ko.
Nagising nalang ako nang may humawak sa kamay ko kaya gulat kong tumayo, bakit nasa kwarto na ako, paano ako nakauwi.
Pagkatingin ko sa orasan ko what 6pm na agad ilang oras ba ako nakatulog.
"Okay ka lang ba Miss Luna" nag-aalalang tanong sa akin ng katiwala namin, tumango naman ako bago uminom nang tubig.
"Gutom kana ba?" Malambing niyang tanong sa akin kaya tumango tango ako, nagpaalam siya sa akin na kukuha siya nang pagkain ko kaya ako nalang ulit mag-isa sa madilim kong kwarto.
Ilang minute lang dumating na si yaya na may dalang pagkain may salad at chicken at dalawang apple at isang balot ng grapes diko alam bakit napakrami, napansin ko iyong huling ulam na dumating yung adobo na maalat.
Bakit laging may adobo kami.
"Salamat po" sabi ko bago nagsimulang sumubo nang pagkain. Pagkatapos ko naman kumain ako na mismo ang nagbaba ng pingkainan ko dahil marami nang kailangan gawin ang mga maid namin.
Pagkababa ko naman napansin ko agad sila dad na sama samang kumakain sa hapagkainan yung pwesto ni mom dati dun na nakaupo yung step mom ko.
Ngumiti ako nang mapait bago dire diretso na nilagpasan sila. Kung nandito parin ba si mom ipagpapalit parin kaya ni dad si mom kay Ms. Veronica.
Pagkalabas ko nang kitchen lahat sila nakatingin sa kin pero hindi ko nalng iyon pinansin at nilagpasan nalang sila uli palabas.
Dumeretso ako sa garden para humiga sa damuhan tumingin lang ako sa langit na nagsisimula nang dumilim.
Kasabay nang pagtulo nang mga luha ko ang pagbuhos nang ulan. Umupo ako habang patuloy parin ang pag-iyak kailan ba ako mapapagod na umiyak napakahina mong tao mizuki, napakahina mo.
Nagtaka naman ako nung naramdaman kong wala nang ulan na dumdampi sa mga balat ko, dumilat ako at tumingala na kita ko si sky na nag-aalalang nakatingin sa akin.
"Nawala lang ako saglit nagpaulan kana" nag-aalalang sabi niya bago ako inalalayan na makatayo. "Hinanap ka namin kung saan saan nandito ka lang pala" sabi niya bago ako patungan nang jacket niya sa balikat ko.
"Nakakailang jacket na ako sayo ha" mahina niyang sabi pero narinig ko iyon kaya mapait akong natawa.
Pagkapasok namin sa mansion sinalubong ako nang yakap ni dad. "Saan ka ba nagpunta nabasa ka tuloy ng ulan" sabi niya sa akin habang nakayakap parin sa akin.
"D-dad?" Nagtataka kong tanong habang patuloy parin ang pag luha. "I'm sorry sweetheart for hurting your feelings" sabi ni dad na ngayon ay nag-aalalang nakatingin sa akin.
BINABASA MO ANG
I hate you, MR. PLAY BOY! || SHIM JAKE
Teen FictionThis is about a girl who fell for someone she never expected to like, she is Mizuki Wilson, the girl who will like a school playboy. Hi! This is my first ever story hope y'all support.