CHAPTER 10 /HER REASONS/

5.3K 208 14
                                    

SYDNEY'S POV

Dumiretso na ko sa cafeteria nung iniwan ko sila doon. Hmp! Epal si Dave! Bibili nalang ako ng comfort food ko.

Pumunta nalang ako sa counter at bumili.

"Ate pabili po ng isang litrong ice cream, cookies and cream flavor po." Nakabusangot kong ani sa tindera.

"Nako ineng kaya mo ba ubusin magisa ito? Baka mamaya ay sumakit ang ngipin mo dahil dito." Ani ng tindera. I miss my mom. Ganyan si Mommy pag nakikita nya kong may dalang isang litrong ice cream.

"Sanay po ako sa kainan ng ice cream ate!" Masaya kong tugon kaya napatawa sya ng mahina.

"Mag sipilyo ka nalang mamaya para di sumakit ang ngipin mo ha?" Ani nya kaya tumango ako. Binigay na nya sakin ang binili ko. "728 lahat ineng." Ani nya.

Binigyan ko sya ng isang libo. Akmang susuklian na nya ko ng hawakan ko ang kamay nya kaya napatingin sya sakin ng nagtataka. "Keep the change nalang po, nag-enjoy po akong kausap kayo eh." Ani ko ng nakangiti kaya napangiti nalang din sya.

"Nako iha, ang bait bait mo naman. Naway lahat HAHA" Pagbibiro nya kaya natawa kaming dalawa. Bumalik na ko sa upuan ko at doon sinimulang lantakan ang ice cream. Nilagay ko sa bag ko ang mga chichirya, candy, chocolate, dutch mill at tubig para maayos akong makakain.

Maya maya pa may naramdaman akong nakatitig sakin. Kahit di ko lingunin alam ko ang mga ugok yun. Pinagpatuloy ko nalang ang pagkain ng ice cream habang nakikinig sa mga bulungan 'kuno' nila.

"Omg! Pupuntahan nila yung transferee girl!"

"Gaga kaklase nila yan!"

"Omg! Ang bango ng mga taga section Hell ackk!"

"Omg! Dinaanan lang nila ako pero feeling ko nasa heaven na ko kyahh!"

"Shet ang popogi, di bagay yung transferee sa section nila."

"Yeah right, Di naman sya rich like us so di sya bagay sa Section Hell."

Manglalait na nga lang yung conyo pa at rinig na rinig ko. Ihhhh!

Sa mga dati kong school nilalait nila ako pero di ko rinig pero dito parang pinagsisigawan nila e!

Tinaliman ko ng tingin yung mga nanlait sakin kaya tinaasan nila ako ng kilay.

"What are you looking bitch?" Tanong ni coloring book 1. Pfft. Ang kapal ng make up for Pete's sake!

"Nagagandahan ka na ba to us?" Tanong ni coloring book 2.

Akmang magsasalita ang mga kaklase ko ng sinamaan ko sila ng tingin kaya itinikom nila ang bibig nila.

Ngumuso ako at itinagilid ang aking mukha. Narinig ko ang bulungan ng mga kaklase ko.

"Anong ginagawa nya?"

"Di ba nya babarahin?"

"Ay unfair!"

"Shut up morons, just watch her."

Ngumuso ako. "Hindi ako nagagandahan sainyo. Tinitignan ko lang kung may mako-coloran pa ko sa mala-coloring book nyong pagmumukha." Naka-nguso kong sabi. Agad namang namula sa galit yung dalawang witch.

Tumayo sila at biglang...."You bitch!" Sabay nilang sigaw kaya napatingin samin ang mga tao sa cafeteria.

"You witches with a coloring book faces!" Sigaw ko din with matching padabog na tayo. Narinig ko ang bungisngisan ng mga nasa paligid pati na din mahihinag tawa ng kaklase ko.

THE MYSTERIOUS EMPRESS OF SECTION HELL (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now