CHAPTER 41 /JEALOUS/

4.3K 169 27
                                    

SYDNEY'S POV

Nang madaanan ko si Talandi #1 at Talandi #2 ay nakanganga lang sila. Inirapan ko lang sila.

Nang tignan ko si Khai ay may half smile sa kanyang labi habang nakatingin sakin. Nginitian ko sya kaya medyo namula ang mukha nya pero ang tenga nya ay pulang pula na.

Nang magawi kay Dave ang tingin ko ay kinindatan nya lang ako kaya inirapan ko sya.

Tinignan ko si Ash at Adi nanakanganga kaya kinindatan ko sila.

Nadaan ako sa table nila Ace at napansin kong tulala sya sakin. Oh my Trav!

"Hi Trav." Nakangiti kong usal. Unti unti naman syang napangiti at nagulat ako nang bigla nya kong yakapin.

"O-OMG! Ace hugs Sydney!"

"Oh gosh!"

"Wala na bang ibang surpresa?!"

"Omg this day is so...ahh fvck I think mababaliw na ko sa dami nang nalaman ko!"

"My Cinth." Bulong nya sakin habang nakayakap.

"Asawa ko." Bulong ko din sakanya.

"Hoy babae! Tama na yan uy!" Singit ni Rianna kaya natawa sila Tita at Mom. Umupo na din kami at napapagitnaan ako nila Kuya Sam at Kuya Shaun.

Mabilis lang ding natapos ang program. Ini-announce lanh naman ang gaganaping Mr. and Ms. Xander High, intrams at retreat.

"Kuya Samuel diba nung nakaraan gusto ka kausapin ni Rianna. Yan o, tanungin mo kung anong sasabihin." Inosente kong tanong habang hinahatid nila ako papuntang room.

Kasama ko si Kuya Samuel, Rianna at Ace. Si Kuya Shaun naman ay as usual kasama ang bebeloves nya. Nakausap ko na din sila Mom at sabi nila kauuwi lang nila galing Japan kaya dumiretso na sila sa bahay.

"Ah, yeah. What do you want to tell me again?" Tanong ni Kuya Samuel. Namula naman si Rianna kaya nagpigil ako ng tawa.

"W-wala yun ah. Si C-Cinth lang ang may sabi nun." Utal utal nyang ano kaya natawa ako ng malakas.

Lahat ng dumadaan ay napapatingin sakin dahil sa tawa ko. Nakita ko namanv namula si Rianna at si Kuya na gulong gulo sa nangyayari. Si Trav naman ay nasa tabi ko na naka akbay sakin. Yeah, NAKAAKBAY sya sa balikat ko.

"Cinth naman ih!" Iritang usal ni Rianna bago mag walk out.

Sinundan naman sya ni Kuya dahil pupunta na daw sya sa company. Kaya ang lagay, kami nalang ni Trav ang magkasama at nakaakbay pa sya sakin.

"Cinth...."

"Hmm?"

"Can I court you?" Nagulat ako sa tanong nya.

"H-ha?"

"Tss. Hakdog." Ani nya at nagpauna na maglakad. I was left here, dumbfounded.

Nang nasa 5th floor na ko ay wala akong narinig na kahit anong ingay. This is not normal.

Usually kasi pagkatapak na pagkatapak mo sa 5th floor ay maririnig mo na ang ingay, rambulan, sigawan at tawanan sa loob ng room namin kahit nasa dulo. Pero ngayon, wala kahit anong ingay.

Pagharap ko sa pinto ng room ay nakasara ito. Tumingin ako sa bintana at nakita ko silang nakaupo sa mga sarili nilang upuan at seryosong nakatingin sa harap. What the hell happened to them?

Binuksan ko ang pinto at nagulat ako nang makita si Trav dito. Tulad ng iba ay nakatingin din ito sa harap.

Napatingin silang lahat sakin at bahagyang nagsinghapan. Nangunot ang noo ko dahil sa inakto nila.

THE MYSTERIOUS EMPRESS OF SECTION HELL (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now