Chapter Nineteen

80 8 3
                                    

It's Monday morning, Athena was yawning multiple times as she walked in the hallway. She stayed up late last night studying because it's their preliminary exam starting on Wednesday.

"Mukhang inaantok ka pa ah. Good morning Athena," Athena looked at the person who walked beside her. It's Corrine.

"Yeah, nag advance reading ako kagabi. Good morning din." She smiled and hugged her books tightly.

Nagpatuloy lang sila sa paglalakad nang madaanan nila ang kumpol ng mga babaeng estudyante na nakatanaw sa baba.

"Akala ko nagpalevel ka kagabi eh" komento ni Corrine.

"Nope. I had enough nung saturday." Napakunot ang noo ni Athena. "Anong meron?" Tanong niya habang at ininguso ang direksyon ng mga babaeng nakasilip sa glass wall.

Napatingin naman doon si Corrine at agad na hinila si Athena. "Tara, tingnan natin!" Wika nito.

Athena looked down at nakita niya ang miyembro ng Zeroth band na naglalakad papasok sa building. Nasa second floor sina Athena kung kaya kitang kita niya ang mga ito.

Athena frowned. She thought there's some big personalities or celebrities visiting their school.

"Athena, ang ganda ng umaga ko" kinikilig na sabi ni Corrine kasabay ng pagkurot sa balikat ni Athena.

Athena rolled her eyes.

"Tara na. Baka malate tayo." Hinila niya si Corrine pero hindi ito nagpatinag.

"Teka lang Athena. Oh em gee, humarap si Ace dito!" Kinikilig na wika ni Corrine habang niyuyugyog ang balikat ni athena.

Agad na nagbulungan ang mga katabi nilang babae nang mapansin ang pagdako ng mata ni Ace sa pwesto kung nasaan si Athena. Athena raised her eyebrows and looked away.

"Iiwanan na kita Corrine" Athena stepped backwards and looked at her wristwatch. Dalawampung minuto na lamang at magsisimula na ang klase nila.

"Oh eto na nga po. KJ naman Athena" nakasimangot na wika ni Corrine.

"Pwede ka naman magpaiwan dito" naglakad na si Athena at agad sumunod naman si Corrine.

"Wala ka bang crush ni isa sa kanila?"

"Kanino?"

"Sa mga members ng Zeroth band." nakangiting wika ni Corrine. Agad na umiling si Athena.

"Wala." sagot niya.

"Wala ka talagang crush kahit taga ibang department? How about the basketball's team captain? Tall, dark and handsome din yun. Kaya lang may pagkamasungit at terror." walang tigil na wika ni Corrine.

"Corrine," tawag ni Athena kay Corrine na patuloy na nagsasabi ng mga pangalan ng lalaki sa university. Napatigil naman ito sa pagsasalita at napatingin kay Athena. Tila narealize naman nito kung bakit siya tinawag ni Athena.

Corrine smiled apologetically at agad na nagpeace sign. She was carried away and forgot that Athena hates noisy people. "Hehe, sorry Athena." wika ni Corrine at nag akto pang nag zipper ng bibig.

Athena sighed. 'Corrine really is Jared's female version'

"Good morning Athena, Good morning Corrine" bungad ng mga kaklase nila nang makapasok sila sa classroom.

"Good morning!" Masiglang bati ni Corrine while Athena just smiled at them and went directly to her seat.

"Mag ccr pala muna ako Athena" paalam ni Corrine and Athena nods at her.

Pagkaupo ni Athena ay siyang pagpasok naman ni Jared. Nakasalubong pa nito si Corrine at binati.

"Good morning classmates!" Bati nito sa mga kaklase namin. Nakipag apir si Jared sa mga lalaki at saka umupo sa tabi ni Athena.

The Unexpected RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon