Athena's POV
(Picture at the top is Corrine's character, photo grabbed from google)
It's Saturday at wala kaming pasok. Maghapon lang akong nasa bahay at nanonood ng anime habang nag sosolve ng mga problems sa Unit Operations. Isa pa tong medyo mahirap intindihin kaya kailangan kong mag practice ng pagsosolve.
Napatingin ako sa orasan at nakitang malapit na mag ala singko ng hapon. Darating na sina mama. May pasok kasi sila kapag sabado. Nag inat ako. Ang sakit ng leeg at likod ko.
Pumunta ako sa kusina at nagsaing na ng kanin para ulam na lang na lang ang lutuin ni mama. Maya maya ay narinig ko na din ang tunog ng sasakyan. Inilabas ko na ang ulam sa ref para madefrost.
"Athena, anak" narinig kong tawag ni mama. Lumabas ako ng kusina at nagmano sa kanila ni papa.
"Magpapahinga muna ako. Nagsaing ka na ba?" Tumango ako at tumabi kay kuya.
"Anong gusto nyong dinner?" Tanong ni mama.
"Adobo" sabay na sagot namin ni kuya. Nagkatinginan kami at natawa.
"Na may pinya mama" pahabol ko pa.
"Sige." Tumayo na ito at umakyat na sa kwarto nila.
"Kamusta ka naman Athena sa school? Nahihirapan ka ba?" Nilipat ni papa ang channel sa balita. Pag siya na ang may hawak ng remote ay wala na kaming reklamo ni kuya.
"Okay pa naman papa. Siguro kasi nagsisimula pa lang ang semester"
"Basta easy ka lang anak. Mag enjoy ka lang. Ayaw ka namin mapressure"
"Yes pa" I am really lucky enough to have parents like them.
Nakita ko si mama na bumaba na at nakabihis na ng pambahay. Dumiretso na ito sa kusina samantalang si papa ay tumayo na din para magpalit siguro.
Pagkatayo ni papa ay agad na kinuha ni kuya ang remote at nilipat sa Animax.
"Kamusta ang game?" Tanong ni kuya habang nasa tv ang focus.
Kinuha ko ang phone ko at nag facebook. Nakita ko na may status si Jared.
'Hirap magpalevel. Event na mamaya
#WOF #JaredTheGreat'
Nag comment ako.
'Matatalo ka lang. Wag ka na mag effort' I typed ang hit reply.
"Okay lang naman. Nakakaenjoy laruin" sagot ko. Totoo naman ehh. Hindi ko nga inexpect na mag eenjoy akong maglaro.
Jared Fabella replied to your comment.
'@Athena Garcia, ang sweet talaga ng bestfriend ko. Full support'
"Okay lang naman maglaro ng mga ganyang games, basta alam mo ang limitation mo. Isa pa, way din yan para kahit papano marelax ang utak mo. Alam ko kung gaano kastress sa college, kaya kailangan mo din minsan ng diversion"
Humiga si kuya sa sofa.
'@Jared Fabella, asa'
"Naglalaro din si Jared ng WOF diba?"
"Uh Uh. Inadik na nga eh"
Jared Fabella replied to your comment.
'@Athena Garcia love you bespren. JaredTheGreat for the win'
"Tatawanan ko talaga yang kupal na yan kapag bumagsak sa Chem Eng. Lakas ng loob sumunod sayo"
Hindi na ako nagreply kay Jared at nagpatuloy na lang sa pagbrowse sa facebook.
BINABASA MO ANG
The Unexpected Romance
Teen FictionAthena Garcia, a simple student who found herself playing a newly launched VR MMORPG. What will she do if she gets entangled with handsome and popular boys whom she met in the game? Find out how Athena encountered a whirlwind romance that she did no...