"May program daw ngayon?"
Napatingin ako kay Corrine nang tumabi ito sa akin. Wala pa si Jared. Buzzer beater na naman siguro.
"Anong program?" tanong ko.
"Welcome program daw para sa mga 3rd year. Wala daw klase ngayong umaga eh. Pinapupunta tayo sa auditorium ng 9am"
Napatingin ako sa relo ko. Alas otso y medya pa lamang. Alam siguro ni Jared na may event kaya nagpalate ng konti.
Sumandal ako sa upuan at nagbuklat ng notes sa differential calculus. Dito kasi ako medyo nahihirapan kaya dito talaga ako nag fofocus.
"Ang late naman ng pawelcome nila. One week na nakalipas" komento ko habang patuloy na nagbubuklat ng notes.
"Kaya nga eh. Pero alam mo ba magpeperform mamaya ang Zeroth band" excited na wika ni Corrine.
"Zeroth band?" Zeroth law of thermodynamics lang ang alam ko, if you know what I mean.
"Yup! Hindi mo sila kilala Athena? Sikat silang band nung GE tayo. Apat na naggagwapuhang lalaki. By the way 4th year college na sila at Mechanical Engineering ang major. Hindi ko nga alam kung bakit hindi ko sila nakikita kapag pumapasok."
"Baka ayaw lang magpakita sayo" pang aasar ko at tumingin muli sa notes.
"Harsh." Sumimangot si Corrine pero agad ding nagliwanag ang mukha. "Pero yun nga, sikat sila dito. Maswerte tayo kasi nasa College of Engineering din sila. At alam mo ba, yung leader nila, si Ace ang anak ng may-ari ng University"
Wala naman akong pakialam sa kanila. Narinig ko na sila dati pero hindi ko naman pinagtuunan ng pansin.
Napatingin ako sa may pintuan nang bigla itong bumukas ng malakas.
"Good morning people!" Malakas na bati ng taong pumasok. Si Jared.
"Good morning!" Agad na bati pabalik ng mga kaklase namin. Mr. Congeniality talaga ang isang to.
"Good morning best friend. Good morning Corrine" bati ni Jared nang makalapit sa amin.
Napatingin ako dito.
"Bakit pawis na pawis ka?" Inabot ko ang baon kong towel sa kanya. Palagi akong may extra dito kasi hindi naman sya mahilig magdala ng towel or panyo. Nakasanayan ko na din na magdala ng extra para sa kanya.
"Nagmamadali kasi ako kanina. Nagpalevel pa kasi ako sa WOF. Kailangan kong makaabot ng level 20." Tinanggap nito ang towel at nagpunas ng mukha. Pagkatapos ay inabot niya ito muli sakin tsaka tumalikod.
Kinuha ko naman ito at inilagay sa likod nya para hindi matuyuan ng pawis. Mabilis kasi itong ubuhin. Highschool pa lang kami ay madalas ko na itong gawin sa kanya dahil member sya ng basketball team.
"Ang sweet ni Jared at Athena!" Kantiyaw ng mga kaklase namin. Hindi nga pala sila sanay samin ni Jared dahil ngayon lang naman kami naging mag kaklase.
Ngumiti lang si Jared at nag thumbs up. Hinampas ko naman ang balikat nito ng mahina. Hindi ko na pinansin ang pang aasar nila at nagpatuloy sa pagbabasa.
"Sasali ka sa first event Jared?" Tanong ni Corrine.
"Yup! Suportahan mo ko ha." Hindi nakaligtas sa akin ang pamumula ng mukha ni Corrine.
"Anong first event?" Kunwaring tanong ko.
"Magaganap kasi sa Saturday ang first event ng WOF. Hindi in-explain kung anong gagawin. Basta sinabihan lang na pwedeng sumali ang mga level 20 pataas" paliwanag ni Corrine.
"Matatalo ka lang Jared" agad na sabi ko sa kanya.
"Wala ka talagang bilib sa bestfriend mo Athena."
BINABASA MO ANG
The Unexpected Romance
Teen FictionAthena Garcia, a simple student who found herself playing a newly launched VR MMORPG. What will she do if she gets entangled with handsome and popular boys whom she met in the game? Find out how Athena encountered a whirlwind romance that she did no...