A/N: This will be written from a third person's point of view from now on, enjoy!
"Ang lakas nung Emperor. Nilampaso lang kami sa game" reklamo ni Jared. Hindi pa din siya maka get-over sa naging resulta ng event.
Sa final countdown ng event ay nakasalubong niya si Emp at bigla na lang siya nitong pinatay kaya napunta dito lahat ng naipon nyang flags. Sa huli ay ang grupo lang ni Emp ang natira sa laban.
"Madaya. Bakit ganun na kalakas yun?" Panghihimutok ni Jared.
"Tanggapin mo na lang na mahina ka pa" pang aasar ni Athena.
"May cheat yata yun eh" nakasimangot na sabi ni Jared. Hindi pa din siya makapaniwala na malaki ang agwat ng level ng characters nila.
"Walang cheat sa WOF. Bumawi ka na lang sa susunod Jared" singit ni Corrine na busy sa paglalagay ng nail polish sa kuko niya.
"Paghahandaan ko talaga yung susunod na event. Huh. Emperor pala ha. Tingnan natin kung makapalag siya sa susunod"
"Sana pati quiz at exam pinaghahandaan din no, Corrine?" Pagpaparinig ni Athena kay Jared. Natawa naman si Corrine at sumang ayon.
"Best friend, iba naman kasi yung sa laro. Ang WOF nakakaaliw, ang exam nakakabaliw" katwiran ni Jared.
"Boom panes!" Sigaw ng mga kaklase nila na nakarinig ng sinabi ni Jared.
Natawa na lang si Athena at Corrine dahil sa kalokohan nila. Maya maya ay pumasok na sa classroom ang instructor nila sa subject kaya agad silang nagsibalikan sa pwesto.
"Besprend pengeng papel." Bulong ni Jared kay Athena.
"Aanhin mo?"
Nagkamot ito sa ulo "Wala akong dalang notebook. Magsusulat ako ng notes"
Athena narrowed her eyes but she still gave Jared a piece of paper.
"Bespren" kinulbit muli ni Jared si Athena.
Athena looked at him.
"Ano na naman? Jared, hindi ako makapag concentrate. Pag nakita tayo dito at naspecial mention lagot ka talaga sakin" she tried to lower her voice because she knew this instructor is a terror one.
"Wag ka ng magalit. Pahiram na ding ballpen"
"Nak nang? Wala ka ding dala? Anong laman nyang bag mo?" Naiinis na wika ni Athena pero agad ding kumuha ng extra ballpen at binigay kay Jared.
Agad naman iyong tinanggap ng huli sabay ngisi kay Athena.
"Calculator lang sapat na" sabay kindat pa nito.
Athena rolled her eyes. Jared is really pissing her off. Bakit nga ba niya naging best friend ang isang to?
‐-------------
"Bye Athena, bye Jared" paalam ni Corrine
"Bye" sabay na sabi ni Athena at Jared. Tumalikod na si Corrine at naglakad na palayo.
"Uuwi ka na ba besprend?" Tanong ni Jared kay Athena nang makaalis si Corrine.
"Hindi pa bakit?"
"Hatid na sana kita"
"Dadaan pa ako sa library eh. Baka magtagal ako. Mauna ka na. Alam ko namang hinahabol mo yung level ng emp" Athena said while smirking at him.
Napakamot si Jared sa ulo dahil nabuko siya ni Athena. He's really itching to go home para makapaglaro.
"Hahaha. Kilalang kilala mo ako. Oh sya mag ingat ka bespren. Text mo ako pag nakauwi ka na." Tumakbo na ito palayo habang kumakaway. Athena just waved back at him.
BINABASA MO ANG
The Unexpected Romance
Teen FictionAthena Garcia, a simple student who found herself playing a newly launched VR MMORPG. What will she do if she gets entangled with handsome and popular boys whom she met in the game? Find out how Athena encountered a whirlwind romance that she did no...