"Bestfriend!" Lumapit sakin si Jared pagdating ko sa classroom.
Sinundan niya ako hanggang makaupo sa pwesto ko.
"Oh?" Bungad ko dito. Ibinaba ko ang bag at nagsimulang magtingin ng kung anu ano sa phone ko.
"Good morning din bestfriend!" Sarcastic na bati nito at tumabi sakin.
"Ang hyper mo. Agang aga" sita ko sa kanya.
"Ang ganda nung game. Itry mo na Athena dali." Pangungulit ni Jared at niyugyog pa ang balikat ko. He's really acting like a child.
"Para kang babae Jared. Tumigil ka nga." Nahihilo ako sa ginagawa nitong pagyugyog sa balikat ko.
"Tigilan mo nga si Athena Jared. Pag nainis yan sayo, bahala ka." Napatingin ako sa nagsalita, si Corrine na kapapasok lang ng classroom. Ngumiti siya sa akin at umupo sa bakanteng upuan sa unahan ko inikot ang upuan para humarap sa akin.
"Good morning Athena" bati ni Corrine.
"Good morning" I smiled.
Bigla namang nanlaki ang mata niya pagkatapos ay malawak na ngumiti.
"OMG! You're so pretty Athena lalo na pag naka smile" tili nito.
Napasimangot naman ako. Parehas silang maingay ni Jared.
"Maganda talaga yang best friend ko. Kaya nga ang gwapo ko eh" proud na sabi ni Jared at nag pogi pose pa.
"Anong connect?" Nakataas na kilay na tanong ni Corrine.
"Syempre pag maganda ang babae dapat gwapo din ang best friend. Kaya bagay kami ni babes Athena eh. Diba babes?" Kumindat pa ito sakin kaya agad kong tinakpan ng kamay ang mukha nito.
"Kadiri ka."
Inalis nito ang kamay ko sa mukha nya.
"Pwe, ang baho ng kamay mo. Pero okay lang yan. Maganda ka naman" pang aasar nito.
"Asa kang mabaho ang kamay ko. Baka sayo. Hindi ka pa naman marunong mag sanitize" pang aasar ko.
"Oo nga pala, Jared. Natry mo na yung WOF?" Pag iiba ni Corrine sa usapan.
"Oo naman. Wag mo sabihing naglalaro ka din nun?" Tanong ni Jared.
"Yup. Sinubukan ko na kagabi" inilabas ni Corrine ang mga libro niya at nagbuklat buklat.
"Anong level mo na?"
"Level 8, ikaw?"
"Level 14" Proud na sabi ni Jared.
"Wag mong sabihing nag puyat ka kagabi Jared?" Pinandilatan ko siya ng mata.
"Nakakaenjoy maglaro eh. Ganun pala ang feeling kapag full dive VR. Parang ayoko na ngang tigilan kagabi" natatawang sagot nito.
"Siguraduhin mo lang na wala kang ibabagsak na subject. Sinasabi ko sayo Fabella"
"Uy galit na yan. Tinawag na ako sa apelyido eh" sinundot sundot nito ang tagiliran ko kaya medyo napapaigtad ako.
"Wag kang maharot, sasapakin na kita dyan eh" inamba ko ang kamao ko. Ganito talaga kami mag asaran ni Jared. Para na kaming magkapatid kaya komportable na kami sa isa't isa.
"Well yun nga, level 14 na ako. Anong username mo Corrine? Add kita mamaya"
"Princess_Cornelia." Sagot ni Corrine. Naalala ko tuloy si Princess Cornelia ng Code Geass.
"Feeling ko Fuschia ang color ng buhok ng character mo" bored na wika ko habang nakahalumbaba. Corrine looked at me with wide eyes.
"OMG! Naglalaro ka Athena?"
BINABASA MO ANG
The Unexpected Romance
Teen FictionAthena Garcia, a simple student who found herself playing a newly launched VR MMORPG. What will she do if she gets entangled with handsome and popular boys whom she met in the game? Find out how Athena encountered a whirlwind romance that she did no...