"Ang hirap nung quest kagabi. Hindi pa namin natatapos." Sumandal si Jared sa kanyang upuan at nilagay ang kamay sa likod ng kanyang ulo. Ipinatong pa nito ang paa sa upuan na nasa unahan.
"Anong klaseng quest ba yan?" Kunwaring tanong ni Athena at palihim na kumindat sa kanya si Corrine. Ngumiti si Athena at ibinalik ang tingin sa binabasang libro.
"Kailangan daw masagip yung prinsesa mula sa dragon. Pero hindi kami makalampas sa witch. Buti pa yung grupo nung Emperor. Unang try lang"
"Oh?"
"Panoorin mo besprend sa youtube kung paano nila naclear yung quest. Ang astig nga nung babaeng kasama nila. Kahit mas mababa yung level nya, ang lakas naman. Celeste yata pangalan nun."
Nasamid si Corrine at nanlalaki ang matang napatingin kay Athena.
Athena secretly gestured to her to keep quiet and mouthed 'later'. Tumango naman si Corrine.
"Pero kung naglalaro ka besprend baka mas magaling ka pa dun" patuloy ni Jared at nagkibit balikat lang si Athena.
"Gamitan mo kasi ng utak Jared" pang aasar naman ni Corrine.
"Ang dami na nga naming strategies na nagawa. Sayang yun. One time quest pa naman yun. Ang ganda pa ng mga rewards."
"Tiningnan mo ba kung paano natalo ng grupo ni Emp yung mga boss? Baka naman kasi kailangan nyo lang malaman yung weakness ng mga nakakalaban niyo," wika ni Athena.
"Wala na din besprend. Natapos na kaninang umaga yung quest. 12 hours lang kasi yun"
"Bawi ka na lang sa susunod."
"Mas lalo tuloy yayabang yung mga yun. Pero ang galing talaga nung Celeste. Ang ganda pa ng skin at avatar. Parang gusto ko tuloy hamunin ng duel"
Athena's lips curled up, "Baka matalo ka lang Jared. Ano na bang level mo?"
"Level 32, level 30 yung Celeste" sagot ni Jared.
"Konti na lang ang pagitan"
"Meron ng susunod na event" biglang sabi ni Corrine at ipinakita kina Athena ang kanyang phone.
'World of Fantasy Online will have its second event on Saturday, 7 pm. Please form a team consisting of 5-10 members. The mechanics will be announced before the event'
Nakapost ito sa page ng WOF. Athena became curious. It will be a group event.
"Ayos, makakabawi din ako sa grupo ng Emperor. Magpapalevel pa ako" determinadong wika ni Jared.
"May exam tayo sa Organic Chem sa Friday Jared. Baka makalimutan mong mag review" paalala ni Athena at napakamot sa ulo si Jared.
"Sa Thursday ng gabi ako mag aaral. Di mo ba alam besprend na mas effective kapag last minute ka nagreview? Tsaka long quiz pa lang naman, hindi pa major exam."
Athena rolled her eyes at Jared.
"Bahala ka na nga"
--------
"Oh my gee Athena! Kaparty mo yung apat na pinakamalakas sa server kagabi?" Agad na tanong ni Corrine pagdating nilang dalawa ni Athena sa cafeteria.
Matapos bumili ng pagkain ay umupo na sila sa bakanteng table. Naiwan naman si Jared sa classroom dahil naglalaro sila ng COD.
Tumango si Athena at kinagatan ang biniling burger.
"Oh my gosh. Ang swerte mo!" Impit na tili ni Corrine.
"Nah, nagkataon lang na kulang sila ng kagrupo kagabi at ako ang nandun." balewalang wika ni Athena.
"Pero kahit pa. Hindi kita mareach girl. Sana makaparty ko din sila sa quest someday"
BINABASA MO ANG
The Unexpected Romance
Teen FictionAthena Garcia, a simple student who found herself playing a newly launched VR MMORPG. What will she do if she gets entangled with handsome and popular boys whom she met in the game? Find out how Athena encountered a whirlwind romance that she did no...