Athena's POV
"Bestfriend!" Isang braso ang umakbay sakin habang naglalakad ako sa hallway papuntang classroom. I already know who it is.
"Tanggalin mo nga ang kamay mo Jared" pilit kong tinatanggal ang braso nya ngunit mas lalo nyang hinihigpitan ang pagkakaakbay. Sa huli ay sumuko na din ako dahil ako lang ang napapagod.
"Ngayon na ang launch ng VR MMORPG. Samahan mo ako mamaya after ng last class." Nakangiting wika nito.
Ang Virtual Reality Massive Multiplayer Online Role Playing Game o VR MMORPG ay isang high level form of gaming kung saan hinahayaan ang mga gamers na magkaroon ng full interaction sa in-game environment.
I heard it is a full dive VR. Technology nowadays is indeed amazing.
"Mag aaral ako Jared. Kailangan ko umuwi ng maaga." Sa totoo lang ay tinatamad talaga akong samahan siya. Isa pa, gusto kong mag advance reading ng mga lessons.
"KJ naman neto. Kakastart lang ng semester mag aaral ka na agad" ginulo nito ang buhok ko.
"Jared ano ba, ang harot mo. Wag sabing gagalawin ang buhok ko." Sinuklay ko ng kamay ang buhok na ginulo niya.
Madami dami din ang napapatingin sa amin habang naglalakad dito sa hallway. Marahil ay iniisip na magkasintahan kami ng mokong na ito. Ewww.
Jared Fabella, he's my guy best friend. Sanggang dikit since we're babies. He has the same course as mine and we are both taking Chemical Engineering. Third year college na kami at ngayon lang kami nakapili ng major.
Sa school kasi namin, if you will take up Engineering you have to undergo General Engineering course for two years before choosing your major. And one week has passed since nagsimula ang semester namin as a 3rd year college student.
There's a rumor na sobrang hirap ng course na kinuha namin. I even heard na ginto ang tres dito. Lahat naman ng course mahirap and of course, kailangan mo talagang paghirapan lahat para makapasa. And I need to take it seriously, well I am always serious when it comes to studies.
Jared, on the other hand, is a happy go lucky college student. Hindi ko nga alam kung bakit Chem Eng din ang kinuha nitong major. When I asked him about it, he said para daw may kasama ako at hindi maging loner.
"Oh ano na Athena, samahan mo na ako mamaya. Libre kita ng shawarma" tinaas baba nito ang kilay na tila nang aasar.
When I heard my favorite food, para akong natempt. Jared really knows my weakness. Pero umiwas ako ng tingin.
"No." Sabi ko.
"With Milktea" ahhhh, Jared, you're making this hard for me. Tiningnan nya ako ng matagal.
"Fine. Pero saglit lang." I gave in. Gosh, bakit ang hina ko sa pagkain?
"Yun! Salamat best friend." Inalis na nito ang pagkakaakbay at tumakbo na papasok sa classroom. Agad naman siyang binati ng mga classmates namin.
Dalawang section lang kami dito and each section consists of 25 students kung kaya't halos nakabisado ko na ang mga mukha nila. Ang ilan sa kanila at
Umupo ako sa upuan ko at nagsimulang magbasa. Organic chemistry ang unang subject namin and so I need to read in advance before the class starts at 8 am.
"Ang hyper na naman ni Jared" napatingin ako sa kaliwa ko and saw Corrine.
Corrine Arreola, she's the first person who talked to me on our first day. She's pretty and kind.
"Yeah, I bet they're talking about the launch of that full dive VR MMORPG later" I said, then binalik na ang tingin sa binabasa.
"OMG! You knew about that? Nag pre order ka din?" Excited na tanong ni Corrine. So she also knows that game.
BINABASA MO ANG
The Unexpected Romance
Teen FictionAthena Garcia, a simple student who found herself playing a newly launched VR MMORPG. What will she do if she gets entangled with handsome and popular boys whom she met in the game? Find out how Athena encountered a whirlwind romance that she did no...