CHAPTER TWO

78 25 104
                                    

  NAALIMPUNGATAN ako dahil sa ingay na nanggagaling sa labas ng kuwarto.

  "Ayaw ko, Ma! H-hindi p'wede..." rinig kong sabi ng isang babae habang humihikbi.

  "Hihiwalayan mo 'yang lalaking 'yan, sa ayaw at sa gusto mo! Mahiya ka naman, Eilyn! May asawa 'yong tao!"

  Napabalikwas ako nang marinig ko ang sigaw ni Mama. Tila nagpanting ang mga tainga ko nang marinig kung ano ang pinag-aawayan nila. Parang nagising bigla ang buong diwa ko dahil sa narinig ko.

  Dali-dali akong bumangon saka nagsuot ng damit bago lumabas ng kuwarto. Nag-aalala ako kay Mama. Baka tumaas na naman ang presyon niya.

  "Ano'ng magagawa ko, Ma? Mahal ko siya! H-hindi ko kayang m-makipaghiwalay sa kaniya," umiiyak na ani ni ate saka itinakip ang dalawang palad sa kaniyang mukha.

  "Eilyn, matalino ka. Bakit ka nagpapaka-tanga nang dahil lang sa isang lalaking may sabit?" mahinang sabi ni Mama.

  Hindi ako nagsalita at hindi rin ako lumapit sa kanila bilang respeto kay ate. Nakinig lamang ako sa usapan nila kahit na alam kong masama iyon.

  "Sabi niya hihiwalayan niya raw 'yong asawa niya para sa 'kin. Ma, pipiliin niya 'k-"

  Hindi na naituloy ni ate ang sasabihin niya nang biglang dumapo sa kaniyang kaliwang pisngi ang palad ni Mama. Nagitla ako, hindi dahil sa lakas ng pagsampal sa kaniya ni Mama kundi dahil sa sinabi niya.

  Hindi ko lubos maisip na maaatim niyang sumira ng pamilya para sa pansariling hangarin. Magma-mahal na lang rin siya, sa may asawa pa.

  "Tigilan mo 'ko! Wala kang mapapala sa lalaking 'yon. Mas gugustuhin mo pa bang tawaging kabit?! Ha?! Nasa talampakan na ba ang utak mo? Maghunos-dili ka, anak! Kasal sila! Kasal! Sa mata ng Diyos, at sa mata ng batas... Kasalanan ang ginagawa ninyo! Hindi kayo p'wedeng magsama!"

  "Hindi ko 'to kayang kontrolin, Mama," aniya habang ang hintuturo'y nasa kaliwang banda ng kaniyang dibdib. "Kaya sorry... Pero h-hindi ko magagawa ang sinasabi ni'yo." Saka siya mabilis na lumabas ng pinto.

  "Sa'n ka pupunta? Eilyn! Eilyn!"

  Susundan sana ni Mama si ate ngunit pinigilan ko. Baka kung mapa'no pa siya.

  "Ma, hayaan na muna natin si ate." Naluluha ang mga matang binalingan ako ni Mama.



                                          



  "O, ano na namang problema?" tanong ni Jay nang mailapag niya ang dalawang shoting glass at isang bote ng rum sa lamesa saka umupo sa harapan ko.

  "Wala naman. Gusto ko lang mag-unwind."

  "Unwind? Tss! H'wag ka nga! Alam kong may problema ka."

  Napailing na lamang ako saka tipid na ngumiti. Alam na alam na talaga ng mokong na 'to ang bawat likaw ng bituka ko.

  "So, ano nga?" pangungulit niya pa.

  "Confidential, e. Saka bawal daw ipaalam sa may mga saltik," biro ko.

  "E, ba't ikaw alam mo? E, mas malakas pa sapak mo kaysa sa 'kin, ah!" natatawa niyang sabat.

  "Family problem."

  "Ah... Okay. I won't butt in," aniya saka nagsalin na ng inumin sa shotting glass.

  "Nga pala. Nakita ko si Angelique kanina..."

  "I don't care," agad kong sagot.

  It's not that I really don't care. Ayaw ko lang mahalata niya na hindi pa rin ako nakaka-move on hanggang ngayon. But to know that she's here makes me feel the pain again. Tila ba nagbalik sa alaala ko ang lahat nang nangyari sa nakaraan.



ALWAYS YOUWhere stories live. Discover now