I don't understand what she meant when she said that. Bakit naman kaya? Kakakilala pa lang namin kaya bakit niya naman sasabihin iyon na para bang matagal na kaming magkakilala?
Ilang segundo, o marahil ay minuto pa akong tumitig kay Angel bago ako lumingon kay Aya pero hindi ko na siya nakita. Nagpalinga-linga pa 'ko. Baka sakaling mahagilap siya ng paningin ko pero wala. Ibinalik ko ang tingin ko kay Angel at nakita kong tila nag-aaway sila ng kasama niyang lalaki. Humakbang ako papunta sa kanila ngunit hindi ako nagpahalata. Mas lumapit pa 'ko sa kanila upang marinig ang pinag-uusapan nila.
"I said no! I don't even know you, kaya bakit ako sasama sa 'yo?!" pagmamatigas ni Angel.
Pilit siyang hinahawakan ng lalaki sa braso ngunit nagpupumiglas siya.
"Come on! Acting like a virgin? If I know, laspag ka na kaya hayaan mo na lang akong paligayahin ka—"
Hindi niya naituloy ang sasabihin niya dahil biglang dumapo sa pisngi niya ang kamao ni Angel. Napangisi ako. She's still the Angel I know — amazona.
"What the f*ck! Why did you punched me? P*t*ng *n* ka! Halika dito! Ipapatikim ko sa 'yo ang hinahanap mo."
Galit na galit na siya kaya naman rumespunde na 'ko. Who knows what a drunk man can do to a girl.
"Dude. I think you're hittin' on the wrong girl," medyo pasigaw na sabat ko dahil baka hindi niya marinig. Malapit lang kasi ang puwesto nila sa sound system.
Nakita ko ang pagkagitla sa itsura ni Angel nang lingunin niya ako. Hindi niya yata inakalang magkikita kami sa lugar na ito. Parehas lang naman kami. I didn't expect na makikita ko siya sa lugar na kagaya nito. Wala sa ugali niya ang uminom sa mataong lugar. Sa pagkakaalam ko kasi, umiinom siya nang mag-isa at patago — that's what her best friends said. Pero sa bagay, people change... And so is their habits and lifestyle.
"Dude? Tsk! Do I know you? Ako ang nauna kaysa sa 'yo! Marami pa diyan. Magtiyaga kang maghanap. Hindi 'yong makiki-agaw ka pa!" sigaw niya sa 'kin.
"Hindi naman sa nakiki-agaw ako. Hindi ko lang talaga maatim na makita ang isang babae na hina-harass ng isang manyak na lalaking katulad mo," mahinahon ngunit patuyang sagot ko sa kaniya.
"G*go ka ba? Maayos pa kaming nag-uusap kanina. Dumating ka lang!"
"Ikaw yata ang g*go, e. Hindi naman ako lalapit dito kung hindi ko nakitang nagpupumiglas 'yang babae. Kanina ko pa napapansing ayaw niyang sumama sa 'yo. Bakit mo pa siya pinipilit—"
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang bigla siyang tumayo saka umamba ng suntok. Mabuti na lamang at nailagan ko ito kaya dumiretso siya at sumubsob sa sahig. Napangisi ako. Lasing na nga.
Pinilit niyang tumayo kahit pa parang mabubuwal siya ulit. Umiikot na yata ang paligid ng isang 'to pero ang lakas pa rin ng loob na maghamon ng away.
Pansin kong naagaw na namin ang atensiyon ng ibang taong malapit lang sa puwesto namin.
"Tarantado ka! Lumaban ka! Ano? Ha? Wa... Walang hiya ka!"
Muli niya akong sinalubong upang suntukin ngunit dahil nga medyo lasing na siya'y madali ko itong nailagan ulit. I landed a counter punch on his stomach making him groan and fall into the floor. Napadura siya dahil doon.
Hindi siya kaagad nakatayo kaya naman nilapitan ko si Angel saka hinawakan sa kamay at hinila palayo roon.
"Sandali. Ano... Ba... Migz!" sigaw ni Angel sa 'kin habang nagpupumiglas sa hawak ko.
Tumigil ako sa paglalakad saka siya binitawan. I faced her and looked straight into her eyes. Medyo madilim sa parteng ito ng bar pero sapat na ang liwanag para mapagmasdan ko ang mukha niya. Only God knows how much I missed her. At oo, hanggang ngayon... Hanggang ngayon, hindi pa rin ako nakakapag-move on sa nakaraan... Sa kaniya.
"H-hindi mo na sana ginawa 'yon..."
"Huh? Anong hindi dapat ginawa?" maang at gulat kong tanong sa kaniya.
"Hindi mo na dapat siya pinatulan. Alam mo namang lasing na 'yong tao, 'di ba?"
I threw my head back and laughed sarcastically. Mariin akong napapikit at pagmulat ko'y agad akong bumaling sa kaniya.
"Seriously? Ipagtatanggol mo pa talaga 'yon? Angel, hina-harass ka na no'ng tao—"
"Hindi! Migz! Ano ba? Hindi ko siya ipinagtatanggol! What if... What if something happens to you because of fighting him?" nanghina na ang boses niya sa huling pangungusap niya. Pagkatapos ay umiwas siya ng tingin.
Lihim akong napangiti. Ibig bang sabihin, may pakialam siya sa 'kin? Nagbunyi ang kalooban ko dahil do'n.
"O, sa'n ka pupunta?" tanong ko nang makita ko siyang humahakbang na paalis.
"Uuwi na, malamang! Just state the obvious!" aniya saka ako inirapan.
"Ihahatid na kita," sabi ko nang masabayan ko na siya sa paglalakad.
"Hindi na kailangan. Kaya ko na 'to."
"Well, girls and their alibis."
"Alibis," narinig kong bulong niya.
"Pa'no kung mapa'no ka sa daan habang umuuwi? E, 'di cargo de konsensya ko pa?"
Hindi na siya nakaimik kaya naman napangiti ako. Dati kasi, si Jay lang ang naghahatid sa kaniya. I never imagined that I'll be able to bring her home, not in my wildest dreams. Pero heto't sabay kaming naglalakad papunta sa waiting shed upang maghintay ng taxi.
"Ahmm... Matanong ko lang. What are you doing in this kind of place?"
Natawa siya sa tanong ko.
"Sure ka? Tatanungin mo 'ko niyan? Hahaha... Ikaw ba? Ano'ng ginagawa mo sa lugar na 'to?"
I stared at her angelic face while a little smile were plastered on her thin pink lips. For a second, my heart skipped a beat. Parang gusto kong hawakan ang mukha niya at damhin sa aking palad ang mamula-mula at makinis niyang mga pisngi.
"Ano? Ba't 'di ka makasagot?"
Umiwas na siya ng tingin at bumaling sa kalsada.
"Hmmm... I was here because... I thought getting drunk will make me forget a person. I mean... I thought... I can get her out of my mind even just for a night."
"Oh... Hahaha... So, you're a heartbroken fella trying to get drunk because of a girl," she said in a matter of factly without looking at me.
"Hahaha... Sabihin na nating gano'n na nga. Pero parang hindi yata ako magtatagumpay sa paglimot sa kaniya kahit ngayong gabi lang."
This time, napalingon na siya sa akin.
"Because alcoholic drinks are not meant to make you forget. Minsan, kung kailan ka lasing... Saka pa bumabalik lahat ng masasaya at masasakit na alaala mo kasama siya," sabi niya habang nakatitig nang taimtim sa akin.
Natigalgal ako saglit sa sinabi niya.
"Wow! Hugot? Hahaha..." nasabi ko na lamang nang makahuma ako.
"Sira! Hahaha... Nagsasabi lang ng totoo. Saka naranasan ko na rin 'yan... Maraming beses na."
Nakita ko siyang bumaling ibang direksiyon saka humugot ng isang malalim na hininga.
"Ako rin. Ang malala, paulit-ulit akong nasasaktan... Pero isang tao lang ang dahilan."
YOU ARE READING
ALWAYS YOU
Romance"Even if you're not mine to think about, I still do. Even if I get to meet someone else, it's still you. At the end of every day, it's always you. And it will always be you." - At a young age, Miguel already had his first heartbreak with his first l...