CHAPTER FIFTEEN

15 4 15
                                        

    PASADO alas dos na ng madaling araw ngunit hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. What happened earlier when I was with Angel is bugging me. Pretend as her boyfriend? Nakakatawa. Hanggang gano'n na lang ba talaga ako? Hindi na ba p'wedeng totohanin? Nakapanli-liit na hinayaan ko siya sa gusto niya. My heart badly wanted to be with her but my mind is getting on the way. Nakokonsensiya ako. Hindi ko pa rin alam kung ano nga bang nangyayari kay Angel at sa asawa niya kaya niya ako niyayang maging pretend boyfriend niya. At ako namang si tanga, pumayag naman.

    Bumangon ako at lumabas ng kuwarto upang magtungo sa kusina. Tila nanunuyo ang lalamunan ko dahil sa mga nagaganap.

     I opened the fridge and get a pitcher of cold water. Ngunit muntikan ko nang mabitawan ito nang pagsara ko ng fridge ay may nakatayo sa tabi nito.

    Nakahinga ako nang maluwag nang ini-on niya ang ilaw at nakita kong si Ate Eilyn 'yon.

    "Hindi makatulog?" tanong niya.

    Tumango lamang ako saka nagsalin ng tubig sa baso saka sumimsim dito.

    Kumuha rin siya ng baso at inilapag sa tapat ko para salinan ko ng tubig. Nang masalinan ko na ang baso niya ay kinuha naman niya ito saka naupo sa lamesa. Naupo rin ako sa tapat niya.

    "Migz, naranasan mo na bang magmahal?"

    Tila napipilan ako sa tanong niya. Her gaze drifted from the glass of water in front of her onto me.

    "Naranasan mo na bang masaktan dahil sa pagmamahal mo sa taong 'yon?" muli niyang tanong.

    Hindi ko makapa ang sagot sa mga katanungan ni Ate Eilyn. Hindi dahil wala pa akong alam tungkol sa pagmamahal, kundi dahil nabigla ako. Hindi ko alam kung bakit niya biglang naitanong ang mga iyon sa akin samantalang hindi pa naman ako nagkakaroon ng karelasyon.

    "Kung ikaw ang nasa sitwasyon ko, makakaya mo bang bitawan ang isang taong labis mong minahal? Makakaya mo bang magparaya para sa kasiyahan ng iba? Makakaya mo bang saluhin lahat ng sakit, 'yong tipong kahit madurog at magkapira-piraso 'yang puso mo ay ayos lang masabi mo lang na ginawa mo ang tama? Mas pipiliin mo bang maging tama kaysa maging masaya?" Tuloy-tuloy ang pag-agos ng mga luha mula sa mga mata ni Ate habang sinasambit ang mga katanungang ito.

    Tila hinugot ang puso ko mula sa dibdib ko at piniga ng ubod-lakas. Hindi ko kayang sagutin ang mga katanungan ni Ate dahil matagal ko nang kinalimutan ang pakiramdam na iyon. Matagal ko nang ibinaon sa limot kung paano nabasag at nawasak ang puso ko dahil nagparaya ako. Ngunit hindi ko kayang kalimutan ang nararamdaman ko para sa kaniya, para kay Angel. Bumabalik at bumabalik pa rin ang mga nangyari noong mga panahong iyon, kung paanong inanod ng mga butil ng ulan ang mga luhang bumalong mula sa aking mga mata dahil sa sakit at paghihinagpis.

    Napahikbi si Ate Eilyn. I don't want to see her like this. I don't want her to feel what I felt back then. Pero talagang mapait ang tadhana para sa aming dalawang magkapatid. Hindi ba p'wedeng akuin na lang ng isa ang problema at hinanakit ng isa? Hindi ba p'wedeng isa lang ang magdusa?

    "Pero alam mo, Migz... Nagsisisi ako sa ginawa ko. Oo, alam kong makakasira ako ng pamilya dahil sa ginawa ko. Pero matuturuan ko ba 'to?" aniya sabay turo sa dibdib niya.

    Lumipat ako sa upuang nasa tabi niya at doon umupo. Hinawakan ko ang gilid ng ulo niya upang ihilig sa balikat ko. Hindi ako maalam sa pagpapatahan ng isang babae ngunit kailangan. Alam kong hindi madali ang pinagdaraanan ni Ate. Sa mga salita niya, batid ko kung gaano niya kamahal ang lalaking 'yon. Kaya wala akong ibang maramdaman kundi awa para kay Ate at galit sa hinayupak na 'yon. How can he be so selfish? May asawa na nga't lahat, nagawa pang humanap ng kabit? At ang mas masahol, ang Ate ko pa ang napili niya. What an as*h*le!

ALWAYS YOUWhere stories live. Discover now