CHAPTER SIX

50 18 42
                                    

KUMAKABOG ng malakas ang dibdib ko habang inaalis sa pagkakatupi ang maliit na papel na hawak ko. Pigil-hininga... Halos gusto ko na lang ipikit ang aking mga mata lalo na nang makita ko ang pangalang nakasulat doon.

"Uuuy! Magkapareha sila ng bebe niya," humahagikgik na sabi ni Ian.

Napalingon ako sa gawi nila at nakita ko ang malapad na ngiti na nakapaskil sa mga labi ni Jay. Tama nga ako ng hinuhang sila ang magkakapareha.

Tila nawalan ako ng lakas at naisip na h'wag na lang sumali. Oo, hindi pangalan ni Angelique ang nabunot ko.

Sinagi ako ng katabi ko kaya napalingon ako. "Ayos lang 'yan. Partner lang naman, e. Hindi naman sila," nakangiting sambit ni Gabby.

Hindi ko ipinakita ang panlulumo ko at pinili na lang na makinig sa sasabihin ng guro namin... Kahit pa ang totoo'y parang nilalamukos na ang dibdib ko at gusto ko nang umuwi para mailabas ang nararamdaman ko.




*****




BUONG araw akong tahimik at walang imik. Tipong kapag may nagtanong ay saka lang ibubuka ang bibig. Nawala ako sa mood dahil sa nangyari no'ng umaga.

"Mga tol, hindi muna ako sasabay sa inyo, ha." Si jay.

"Ihahatid mo na naman si labidabs mo, no? Uuuuuy!" pang-aasar naman ni Marcus.

Hindi ako makatingin sa kanila. Natatakot akong baka kapag ginawa ko'y makita nila ang nararamdaman ko. Nanatili lang akong nakaupo sa sementadong upuan na nasa ilalim ng punong Acacia malapit sa gate. Hinihintay na matapos ang pag-uusap nila.

"Duma-da moves ka na, ha," rinig kong sabi ni Ian sa kaniya.

"Matagal na kaya 'yang duma-da moves. Torpe lang kasi talaga 'yong isa diyan." Awtomatiko akong napalingon dahil sa sinabing 'yon ni Marcus.

Parang gusto ko siyang kaltukan dahil sa matabil niyang dila na hindi mapigilan. Nakita ko ang pagsiko at pagbulong sa kaniya ni Gabby bago ko alisin ang tingin ko sa kanila. Sana lang talaga, hindi mahalata ni Jay at Ian ang ibig sabihin ni Marcus. Ayaw kong magkagulo kami dahil lang sa isang babae.




*****




"HUY! Hahaha..."

Nabigla ako nang sumulpot si Marcus sa harapan ko. Humagalpak pa siya sa tawa nang makitang muntikan na 'kong mahulog sa kinauupuan ko. Sa inis ko'y binato ko siya ng hawak kong notebook.

"O, ano? Hahaha... Lutang ka na naman!" pang-aasar niya. Wala na talaga akong magagawa sa isang 'to.

"H'wag ka ngang epal! Kita mong nagre-review ako."

Nginisihan niya lang ako. "Review? Review ba 'yong nakatunganga? Kanina pa kaya kita tinatawag," supalpal niya sa 'kin.

Hindi na lang ako umimik dahil hindi ako mananalo sa isang 'to. Napapikit na lamang ako ng mariin saka bumuntong-hininga. Pagdilat ko'y naratnan ko si Marcus na nakaupo sa harapan ko at nakatuon ang pansin sa cellphone habang nakangisi.

"Lapad ng ngisi mo, a. Babae?" tanong ko.

"Ulul! Hindi 'no! Por que nakangiti, babae agad?"

"Ngisi! Ano'ng ngiti ka diyan? Ngisi 'ka mo! Saka malay ko ba. Maloko ka pa naman." Ako naman ang nang-asar sa kaniya.

"Ako, maloko? Kasalanan ko bang... Gwapings ako?" aniya sabay kindat at may kasama pang pogi sign.

ALWAYS YOUWhere stories live. Discover now