PAGKATAPOS naming magkape ay dumiretso na kami sa plaza. Saglit na nawala sa isip ko ang consequences ng mga gagawin ko habang kasama si Angel. Ang alam ko lang, masaya ako sa mga oras na ito at kailangang sulitin ko ang pagkakataong makasama siya.
Kita ko ang tuwa sa mga mata niya nang lingunin ko siya. Parang nakita ko ang batang Angel na sabik na sabik sa pamamasyal. My heart skipped a beat when she glanced at me. Nakaka-bakla man, pero aaminin kong kinikilig ako ng mga oras na ito. Kung sana nga lang ay huwag nang matapos ang araw na 'to.
Marami nang tao sa plaza dahil alas cinco na. May mga rides na rin kasi at perya dahil buwan na ng Setyembre, at habang papalapit ang Disyembre'y parami rin ng parami ang mga nagtitinda.
Niyaya ko siya sa isang Takoyaki stall dahil naalala kong paborito niya 'yon. Sa ilang beses ko ba namang binasa ang slam note niya'y memoryado ko na lahat ng nakasulat doon. Agad naman siyang pumayag at parang batang napapalakpak pa nang marinig niya ang salitang Takoyaki.
Nang nasa tapat na kami ng stall at tinanong ng tindera kung ano'ng order namin ay sabay kaming napasabi ng, "Octo bits!" Dahilan para magkatinginan kaming dalawa saka sabay na tumawa.
"Since when did you started to like eating takoyaki? As far as I remembered, ni ayaw 'tong tanggapin ng sikmura mo," aniya sabay subo ng takoyaki.
We were sitting under the shed of an Acacia tree, feeling the cool afternoon breeze hitting our skin. I'm just staring at her while her hair was flowing freely through the air. Just the sight of her was enough to make my heart race. I smiled.
"Hindi ko rin alam, e. I just realized it when Ate Eilyn scolded me, muntikan ko na kasing maubos 'yong isang box ng takoyaki na 16 pieces ang laman. Hahaha..."
Pagkatapos naming kumain ay naglibot-libot muna kami sa mga booths. Hanggang sa madaanan namin ang isang babae na tuwang-tuwa dahil binigyan ng boyfriend niya ng teddy bear. Ang laro ay kailangan mong barilin 'yong mga maliliit na tao-tao at kung ilan ang mapatumba mo'y may katumbas na premyo.
"Ang sweet nila, 'no?"
Napalingon ako kay Angel dahil sa tanong niya.
Tanging ngiti lang ang isinalubong niya sa 'kin saka ako niyaya sa iba pang booths.
"If only you would let me, I can be the sweetest man you'll ever meet," bulong ko.
"Ha? May... sinasabi ka ba?" untag niya sa 'kin.
Nginitian ko lamang siya. "H'wag ka nang mainggit sa kanila, 'ka ko."
Napatigil siya sa paglalakad.
"Hindi ko maiwasan. Gusto kong muling maranasan kung paano pahalagahan ng isang tao. Kung paano mahalin at alagaan... Gaya nila."
Pait at lungkot ang nahimigan ko sa kaniyang tinig, kaya naman niyaya ko na lamang siyang sumakay sa ferris wheel.
Nang pumipila na kami'y panay ang sulyap niya sa akin at nakangiti siya. Ngunit alam kong pilit lamang ang mga ngiting 'yon.
Hindi ko maaninaw kung bakit malungkot si Angel. Una'y nakita ko siyang umiinom sa bar. Ngayon naman ay kinaiinggitan niya ang mga masasayang magkasintahan. I want to talk to her about it. I want to ask her if she had problem with her husband.
Nang makasakay na kami sa ferris wheel ay saka ko siya naisipanh komprontahin. Gusto kong aluin siya at nais kong maging isang mabuting kaibigan sa kaniya. Kahit 'yon na lang ang magawa ko para sa kaniya... Dahil alam kong malabo nang maging kami. Dahil kasal na siya, may asawa't anak na.
Abala siya sa pagtingin sa mga nasa ibaba nang magsalita ako.
"Alam kong may problema ka, Angel."
Natigilan siya't nakita ko kung paano napalunok dahil sa sinambit ko.
"You know you can tell me everything. Magkaibigan tayo." Tila may bumikig sa lalamunan ko nang sambitin ang mga katagang ito. It sucks, big time, telling someone you love that you're friends because you know you can never be more that than. "Ano bang gumugulo sa isipan mo? Ano bang... Problema mo?"
Nangislap ang kaniyang mga mata dahil sa nagbabadyang mga luha. Gusto ko siyang yakapin, ngunit alam kong hindi dapat. Kahit pa alam kong wala namang makakakita sa amin dahil nandito kami sa tuktok ng ferris wheel.
"Kung p'wede, huwag na nating pag-usapan... Migz. Ayaw kong makadagdag pa sa mga isipin mo. Alam kong may sarili ka ring problema. 'Yon na lang ang isipin mo," aniya saka pinahid ang tumulong luha sa kaniyang pisngi. Ni hindi niya ako nilingon. Pero kahit ganoon ay ramdam kong mabigat nga ang dinadala niya.
I shut my mouth just as what she wants. Ngunit may bahagi pa rin sa akin na gusto siyang pasayahin. Gusto kong makita siyang tumawa ng totoo. Tila pinipiga ang puso ko dahil sa nasaksihan kong pighati niya.
Binalot kami ng nakakabinging katahimikan. Walang umiimik sa 'ming dalawa. Hanggang sa magsalita siya.
"Migz, can you do me a f-favor?"
Nangunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Y-yeah. Ano ba 'yon?"
"Can you please pretend as my boyfriend?"
Pumintig ang puso ko sa sinabi niya. Boyfriend? Gusto niyang magpanggap ako bilang boyfriend niya? Hindi ko makapa ang tamang salita para isagot sa kaniya. Natameme ako sa hinihingi niyang pabor sa 'kin.
"Promise, tayo lang ang makakaalam." Hinawakan niya ang mga kamay ko. "Please?"
Hindi ko alam kung bakit ganito ang hinihingi niya. Hindi naman mahirap ibigay sa kaniya iyon, pero nagdadalawang-isip ako. Oo, gusto kong makasama siya, at inaamin kong may nararamdaman pa rin ako sa kaniya despite of what she did in the past. Pero hindi puwede, hindi dapat. Ngunit may parte sa 'kin na natutuwa dahil kahit kunwari ay may pagkakataon akong ipakita sa kaniya kung paano ako magmahal at mag-alaga. But curiosity is killing me.
"Angel, hindi sa ayaw kong pagbigyan ka. Pero alam nating dalawa na may asawa ka na. Pa'no kung... Pa'no kung—"
"Migz, I already told you. Tayong dalawa lang ang makakaalam. Nobody will ever know about you being my pretend boyfriend. Unless, sabihin mo sa iba."
Kakayanin ba ng konsensiya ko? Alam kong kunwari lang 'yon. Magpapanggap lang naman ako. Pero hindi ko pa rin alam kung ano'ng isasagot ko sa kaniya. I was torn between being happy and being right. Ano nga ba ang dapat na piliin?
"It's okay if you don't like the idea. I'm sorry—"
"No! P-pumapayag na 'ko."
There! I said it! Napapikit na lamang ako nang mariin nang ma-realize ko kung ano ang mga katagang lumabas mula sa bibig ko. Huli na para bawiin ko 'yon. Ngunit napawi ang pagsisisi ko nang makita ko ang malaking ngiti niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/262191432-288-k309081.jpg)
YOU ARE READING
ALWAYS YOU
Romansa"Even if you're not mine to think about, I still do. Even if I get to meet someone else, it's still you. At the end of every day, it's always you. And it will always be you." - At a young age, Miguel already had his first heartbreak with his first l...