CHAPTER EIGHT

43 16 67
                                    

  "HAHAHA... Tanga ka rin pala pagdating sa pag-ibig," natatawang aniya saka napailing.

  "Wala, eh. Tinamaan ng lintik."

  "Lintik na pag-ibig..." sabat niya.

  "Parang kidlat..." pakanta kong dugtong na sinabayan naman niya kaya parehas kaming natawa.

  Hindi ko aakalaing mararanasan kong makausap siya ng ganito katagal. I was longing for this day to come. At ngayong nandito na, hindi ako sigurado kung matutuwa ba 'ko o mako-konsensiya.



                                      *****




  "TOL, ano'ng nangyari sa inyo ni Angel? Magkaaway ba kayo?" tanong ni Gabby isang hapon habang pauwi kami galing sa eskwelahan.

  "Hindi," tipid kong sagot.

  "Eh ba't hindi na kayo nagpapansinan?"

  Hindi ako umimik.

  "Dahil kay Jay?"

  "Ayaw kong magkasira-sira tayong lima dahil sa isang babae. Kaya pipigilan ko na lang yata ang sarili ko," sabi ko saka ngumiti ng matipid.

  Dumating na ang Valentine's Day at araw na ng FS program sa eskwelahan namin. Naka-pormal na kasuotan ang lahat ng mga nasa ika-lima at ika-anim na baitang. Maaliwalas tignan ang kanilang mga mukha lalo na ang nga babae dahil napapalamutian ng kolorete ang kanilang mga mukha.

  Iginala ko ang aking paningin. Hindi ko alam pero awtomatiko nang hinanap ng mga mata ko ang isang imaheng nais ko laging makita.

  Maya-maya pa'y may tumapik sa balikat ko.

  "Ang guwapo natin ngayon ah," ani Barbara — kaklase ko.

  Napangiti ako. "Ngayon lang ba? Akala ko dati na."

  "Aba... Marunong ka na palang magyabang. Hahahaha... Bago 'yan ah."

  Napatitig ako sa kaniya habang tumatawa. Ngayon ko lang napansin na may tinatagong ganda rin pala siya. Partida, manipis lang ang kolorete sa kaniyang mukha. Dugyutin kasi siya at hindi nag-aayos. Ngayon ko lang siya nakitang nakasuot ng bestida at sandals na may mababang takong. Nanibago tuloy ako.

  "O, bakit titig na titig ka? Hahaha... Ang ganda ko naman masiyado para titigan mo ng ganiyan," may halong pang-aasar niyang sabi.

  Napailing na lamang ako.

  "Tatayo ka na lang ba riyan? Tara na ro'n!"

  Muntikan na 'kong mapapiksi nang bigla niyang hawakan ang kamay ko sabay hila sa akin. Pinagtitinginan tuloy kami nang makaupo kami sa mga upuang inihanda para sa mga dadalo sa program. Pinagpawisan ako ng malagkit dahil doon. Hindi ako sanay sa atensiyon.

  "Akala ko hindi ka talaga a-attend, eh," sabi ni Ian.

  "P'wede ba 'yon? Kawawa magiging kaparehas niya kapag hindi siya dumalo," sabat naman ni Gabby.

  "Oy! Hayun na sila Jay, oh!" turo ni Ian sa bandang gate.

  "Sabi na nga ba, sinundo niya pa si labidabs niya, eh," naiiling namang saad ni Marcus sabay ngumisi.

  Gustuhin ko mang makita si Angel ay hindi ko sila kayang lingunin. Baka mamaya'y mas lalo lang sumama ang pakiramdam ko.

  Ngunit hindi ko yata sila maiiwasan dahil magkatabi kami ni Jay sa upuan. Mabuti na lamang at magkaiba ang upuan ng mga lalaki at babae, dahil baka umalis na lang ako kapag naglandian sila sa harapan ko.

ALWAYS YOUWhere stories live. Discover now