PANGALAWANG araw na ng pagtuturo ko kay Aya, at hanggang ngayon ay bumabagabag pa rin sa 'kin ang mensaheng natanggap ko kagabi. Si Aya kaya ang tinutukoy niya?
"Tapatin mo nga 'ko. May boyfriend ka na, 'no?" untag ko sa kaniya na abalang magsagot sa mga ginawa kong equations.
Pilya naman siyang napangiti dahil sa tanong ko.
"Bakit? Liligawan mo na ba 'ko?"
"No, I'm just curious."
"About me having a boyfriend?"
"So, you really do have a boyfriend."
"Wala nga! Ang kulit! Bakit ka ba nagtatanong? Hindi mo naman pala ako liligawan," aniya saka ngumuso.
My jaw dropped at what she said. So, gusto niyang ligawan ko siya?
"I got a text message last night. It says 'stop seeing her'. I wonder if it's you whom that someone is pertaining to."
Saglit siyang natigilan sa sinabi ko at nang makabawi ay napatawa siya. She looks so amused with what I have said.
"Wala akong alam diyan. Basta nagsasabi ako ng totoo, wala akong boyfriend. Period."
Nagkibit-balikat na lamang ako. Hindi naman siguro ako susugurin no'ng tao na 'yon kung sakali. I sighed. Panibagong problema na naman ba 'to?
*****
HABANG nakahiga ako at panay ang scroll sa phone, someone chatted me. Kunot-noo ko itong binuksan and to my surprise, it's Angel.
Angel Sarmiento:
Free ka ba mamaya?Kumalabog ang puso ko nang mabasa iyon. Napangiti ako.
Migz Tizon:
I think so. Why?Angel Sarmiento:
Hmmm... Kape tayo?Migz Tizon:
Saan?Angel Sarmiento:
Rock CafeHindi ko alam kung bakit na-excite ako dahil doon. Makikita ko na naman ulit si Angel. I know it sounds gay but my insides are twirling and my heart is fluttering. Kapag tungkol sa kaniya, walang confusion... Walang second thoughts. Maybe it's still her that my heart beats for.
*****
WHEN I arrived at the cafe, she was already there. Nakakahiya at ako pa ang nahuli sa usapan naming dalawa, tho sakto lang naman sa napag-usapan naming oras ang dating ko.
Kumaway siya nang makita niya 'ko. There was also a wide smile on her face. She looks like an angel, no wonder her name was Angelique. Nginitian ko rin siya pabalik.
Nang makalapit na 'ko sa table na ino-okupa niya ay hindi ko mapigilang mapatitig sa maganda niyang mukha. It feels like the whole place was illuminated with her radiating smile. Nakakahawa.
"Kumusta?" tanong ko nang makaupo na 'ko.
"Ayos lang ako, ikaw?"
"Okay na okay. Nakita na naman kasi kita," pabulong ang pagkakasabi ko sa huling pangungusap. I wonder if she heard it 'cause I heard her laugh.
"Ikaw talaga. O, ano'ng o-orderin mo? My treat," sabi niya na nagpagitla sa 'kin.
"No, ako na'ng magbabayad. Ako ang lalaki—"

YOU ARE READING
ALWAYS YOU
Romansa"Even if you're not mine to think about, I still do. Even if I get to meet someone else, it's still you. At the end of every day, it's always you. And it will always be you." - At a young age, Miguel already had his first heartbreak with his first l...