"HUY! Tulala ka na naman. O, heto... Kape, dahil alam kong na-hangover ka kagabi," sabi ni Gabby saka niya inilapag sa lamesa ang isang tasang kape.
Sumimsim naman ako rito saka tumunganga na naman. Nakaka-ilang buntonghininga na 'ko nang muli siyang magsalita.
"What's bothering you? Is it about Ate? Sa plano niyang ipa-ampon ang bata? Or is it... About something else?"
Sa totoo lang, hindi ko na alam kung ano'ng iisipin. Naghalu-halo na ang mga problema, dumagdag pa ang nangyari kagabi. Sino nga ba talaga ang kasama ko kagabi? Hindi ko man lang maalala ang itsura niya. Argh! Mas lalo lang sumasakit ang ulo ko.
"Alam mo, tol... Ang problema, dinaraanan lang 'yan, hindi tinatambayan. Kesyo tungkol sa pamilya, o sa pag-ibig, may solusyon lahat 'yan. Kaya h'wag mo na masyadong isipin dahil mababaliw ka lang."
Minsan, kung magsalita si Gab, parang hindi ko siya ka-edad. I don't know where did he get all those knowledge about life.
Hindi pa man ako nagbubuka ng bibig ay nagsalita ulit siya. "Ang isipin mo ngayon, kung paano mo ipapasa ang board exam mo."
Halos manlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ko ang mga sinabi niya. Nawala na nga sa isip ko ang pagre-review nitong mga nakaraang araw dahil sa sunud-sunod na mga pangyayari sa pamilya namin, at sa 'kin.
"O, pagkatapos mo riyan... Mag-review ka na. P'wede rin namang mag-review ka habang nagka-kape. Alis na 'ko, tol. May kikitain pa 'ko, e." Pagkatapos ay tumayo na siya at saka ako tinapik sa balikat.
Napapikit na lamang ako nang mariin nang makaalis na siya. I need a diversion.
*****
PAGKATAPOS kong mag-review ay humiga lang ako sa kama dahil tinatamad akong lumabas.
Kinuha ko ang cellphone na nakapatong sa side table saka ini-on ang mobile data nito. I decided to scroll on Facebook at manood ng mga nakakatawang videos—diversion it is. Ngunit biglang may nag-pop na message. I was curious so I checked it and to my surprise, it was Aya.
Aya Robles:
Hi! ☺️I was hesitant if I'm going to reply or not. Pero sa huli ay ni-reply-an ko pa rin siya.
Migz Tizon:
What's up?Aya Robles:
Kumusta ka? Free ka ba mamaya? Kita tayo.Migz Tizon:
Hmm... Okay, cge. Kitakits. San ba?Aya Robles:
Sa The Knights.We decided to meet at 6 in the evening para maaga pa kami makauwi. Hindi ko alam kung balak niya bang mag-inom kaya siya nagyayang mag-bar. Hindi na 'ko nakatanggi dahil sabi niya ay mas gusto niya raw doon.
Nang makarating na 'ko sa bar ay sakto namang pagbaba rin niya sa taxi kaya sabay na kaming pumasok. We sat at the bar counter dahil mas makapag-uusap kami ro'n, kung mayroon man kaming pag-uusapan. Pangalawang beses pa lang 'to na nakasama ko siya kaya hindi pa 'ko gano'n ka komportableng kausapin siya. She's fun to talk to, tho. 'Yon nga lang, we're still on the getting-to-know-each-other stage.
Um-order lang siya ng Margarita habang ako nama'y napagpasyahang mag-one bottle lang ng beer. Masakit pa rin ang ulo ko dahil sa pag-inom namin kagabi, at nakakahiya naman kung hahayaan ko lang si Aya na mag-isang uminom kaya ito lang ang in-order ko.

YOU ARE READING
ALWAYS YOU
Romantiek"Even if you're not mine to think about, I still do. Even if I get to meet someone else, it's still you. At the end of every day, it's always you. And it will always be you." - At a young age, Miguel already had his first heartbreak with his first l...